KUMPIYANSA si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na hahantong sa pagpapatigil at pag-freeze ng assets ng tinaguriang “BGC Boys” na nasasangkot sa katiwalian kaugnay ng flood control projects. Ayon kay Lacson, umaasa siyang ito ang susunod na hakbang ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng lilikhang independent commission na magsisiyasat sa anomalya. Tiniyak ni Lacson na ihahanda ng kanyang opisina ang lahat ng ebidensyang kailangan ni DPWH Secretary Vince Dizon upang agad na makakilos laban sa mga opisyal ng DPWH na dawit sa maanomalyang proyekto. Gayunman,…
Read MoreCategory: BALITA
Misis nakakuha ng P320-M Project COA COMMISSIONER NANGANGANIB MA-IMPEACH
NAGBABALA si Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima na sasampahan ng impeachment case si Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana kung hindi ito kusang magbibitiw sa puwesto. Sa budget hearing ng COA, inatasan ni De Lima si COA Chairperson Gamaliel Cordoba na kausapin si Lipana at kumbinsihin itong mag-resign dahil umano sa conflict of interest. “Please talk to him, otherwise some of us may initiate impeachment proceedings because one of the grounds is betrayal of public trust and also graft and corruption,” ani De Lima. Nadiskubre sa…
Read MoreEx-DPWH Engineer Hernandez solo sa selda RED ALERT SA PASAY JAIL
INILAGAY sa red alert status ang Pasay City Jail matapos ilipat doon si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez mula sa PNP Custodial Facility. Ayon kay Pasay City Jail Warden Supt. Alberto Tapiru Jr., ipinatupad ang “no leave, no day off policy” para sa lahat ng tauhan upang matiyak ang seguridad sa piitan. Si Hernandez ay pansamantalang ikinulong sa quarantine cell nang pitong araw bago siya ililipat sa regular na selda. Tiniyak naman ni Jail Supt. Jayrex Joseph Bustinera, tagapagsalita ng Bureau…
Read MoreBINATA TIMBOG SA BARIL AT GRANADA
ARESTADO ang isang 39-anyos na binata makaraang makumpiskahan ng .45 kalibreng baril at granada na nakatago sa kanyang belt bag, sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga tauhan ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, nitong Huwebes ng madaling araw sa Barangay 649, Port Area, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “Aliman”, tubong Cotabato City, at residente ng Tambacan, Baseco, Brgy. 649, Port Area. Ayon sa ulat nina Patrolman Lemuel Bill Montino at Patrolman Ron-Ron Pestaño kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, station commander,…
Read MoreRidon vs Jinggoy umiinit LEGAL ACTION LABAN KAY ESTRADA PINAG-AARALAN NG KAMPO NG KONGRESISTA SA ISYU NG PRIVACY
PINAG-AARALAN umano ng kampo ni House Infrastructure Committee lead chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon kung may nilabag sa kanyang privacy si Sen. Jinggoy Estrada matapos ilabas ng senador ang kanyang yearbook photo at address ng kanyang lola. Ayon kay Ridon, inilabas umano ni Estrada ang yearbook picture upang palabasin na magkakilala sila ng dating Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez, na nag-aral din sa parehong paaralan. “I will ask kung mayroon ba siyang actual violation of my privacy dito dahil nilabas niya ang address ng lola ko,”…
Read MoreNAGPONDO KAY ESCUDERO PINAGPAPALIWANAG NG COMELEC
NAG-ISYU ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) laban sa nagpondo umano kay Senator Chiz Escudero sa kanyang kampanya noong 2022 elections. Partikular na pinagpapaliwanag sa show cause order si Lawrence Lubiano, ang presidente ng Centerways Constructions and Development Corporation, na umamin sa Kongreso na nag-donate ng P30 milyong campaign contribution para senador noong 2022 elections. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, dapat ipaliwanag ni Lubiano kung bakit hindi dapat siya sampahan ng election offense na paglabag sa Section 95, (c) ng Omnibus Election Code. Binigyan si Lubiano…
Read MoreDISCAYAS ‘DI PASADONG STATE WITNESSES – SOLON
HINDI magkukuwalipika ang mag-asawang Pacifico “Curlee” at Rowena Cezarah Discaya bilang state witnesses dahil hindi sila ang ‘least guilty’ sa anomalya sa flood control projects. Ito ang idineklara ng lead chairman ng Infra Committee na si House committee on public accounts at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon matapos ang unang pagharap ng lalaking Discaya sa pagdinig noong Lunes. “Di sila kwalipikado base sa ‘least guilty’ na pamantayan. Para sa akin, kasama sila sa most guilty sa corruption sa flood control projects,” pahayag ni Ridon. Sa halip aniya na isailalim…
Read MoreBINATA NABITAG SA 2 COUNTS NG RAPE
ARESTADO ang isang 35-anyos na binata na suspek sa 2 counts ng rape sa Santiago City, Isabela makarang matunton sa Barugo Street, Barangay 776, Sta. Ana, Manila noong Martes ng umaga. Kinilala ang suspek na si alyas “Jayvee”, jobless, residente ng Santiago City, Isabela. Base sa ulat ni Warrant Section/Follow Up Unit and Intelligence Section na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, commander ng Sta. Ana Police Station 6 ng Manila Police District, kasama ang mga tauhan ng Regional Intelligence Unit PRO 2, bandang alas-11:45 ng umaga nang maaresto…
Read MoreRAPE SUSPECT NALAMBAT SA CALOOCAN CITY
SWAK sa kulungan ang isang 36-anyos na lalaki na suspek sa panghahalay makaraang malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City. Si Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio mismo ang nag-utos na tugisin ang suspek na si alyas “Popoy” na nakatala bilang no. 3 sa ten top most wanted persons sa NPD, at no. 5 TTMWP naman sa Caloocan City Police. Base sa impormasyon natanggap ng mga tauhan ni Caloocan City Police acting chief, P/Col. Joey Goforth, naispatan sa isang barangay sa lungsod ang presensya ni…
Read More