KONGRESISTA ITINURONG ‘UTAK’ SA PAGHINGI NG DONASYON NG DPWH ENGINEER

SA counter-affidavit na inihain ni Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineer Abelardo Calalo, iginiit nito na ang perang nasamsam sa kanyang pagkakaaresto ay hindi suhol para kay Congressman Leandro Leviste kundi bahagi umano ng tinatawag na “donasyon” na ipinag-utos ni USWAG ILONGGO Party-list Rep. James “Jojo” Ang Jr. Ayon kay Calalo, natalakay umano sa kanilang Viber group chat ang utos ng kongresista na mangalap ng kontribusyon mula sa mga kontratistang may proyekto sa distrito. Idinagdag pa niya na matapos ang usapan ay binura umano ni Ang ang…

Read More

DND IKINATUWA MATAAS NA TIWALA NG PINOY SA MGA KAALYADO NG PILIPINAS

IKINAGALAK ng Department of National Defense (DND) ang resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagpapakita ng mataas na tiwala ng mga Pilipino sa mga bansang kaalyado ng Pilipinas. Ayon sa DND, ang resulta ay nagpapakita na tama ang postura ng bansa sa pagtatanggol sa rules-based international order. “The overwhelming public approval for our like-minded partners legitimizes our efforts and affirms our position to pursue convergence in the defense of the rules-based international order,” ayon sa inilabas na pahayag ng kagawaran. Batay sa survey na isinagawa sa…

Read More

Napagkamalang magnanakaw OBRERO NABARIL NG SEKYU

CAVITE – Arestado ang isang security guard nang mabaril ang isang obrero na napagkamalan nitong magnanakaw sa Bacoor City noong Martes ng madaling araw. Hawak na ng Bacoor Component City Police Station ang suspek si alyas “Alexander”, security guard at residente ng Brgy. San Nicolas 2, Bacoor City, Cavite, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries dahil sa reklamo ng biktimang si alyas “JR”, 31, binata, residente ng Brgy. Niog 1, Bacoor City, nilalapatan ng lunas sa Las Piñas District Hospital dahil sa tama ng bala sa katawan,…

Read More

KARAGDAGANG MGA BUTO, NATAGPUAN SA TAAL LAKE

MAY narekober na namang mga labi at personal na gamit sa Taal Lake sa patuloy na paghahanap sa mga nawawalang sabungero. Nakuha ang mga labi at iba pang mga gamit sa magkakahiwalay na search operation noong Setyembre 5, Setyembre 8, at Setyembre 9. Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa nakuhang mga ebidensya ang dalawang pinong lambat na may lamang 16 na hinihinalang buto ng tao. Mayroon ding nakuha na puting t-shirt, itim na jacket, kulay-rosas na tumbler, at itim na buhangin. Bukod pa rito, may nakuhang 10 piraso ng hinihinalang…

Read More

PAGSUSUMITE NG 2026 REVISED PROPOSED BUDGET NG DPWH HILING PALAWIGIN

HINILING ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, na palawigin ang deadline para sa pagsusumite ng 2026 revised proposed budget ng ahensya. Sa kanyang liham na naka-address kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at House Appropriations Panel chairperson Mikaela Suansing, sinabi ni Dizon na ang paunang itinakdang deadline ay sa Setyembre 12, 2025. Paliwanag ni Dizon, ito ay dahil na rin sa dami ng mga dokumento na kailangang rebyuhin kasama ang iba pang mga usapin na dapat matugunan ng ahensya, kaya…

Read More

CASINO OPERATORS SISILIPIN SA MONEY LAUNDERING NG DPWH OFFICIALS

IGINIIT ni Senador Erwin Tulfo na dapat masilip din sa imbestigasyon ang mga land-based casino makaraang lumutang ang money laundering scheme na isinasagawa umano ng ilang tauhan ng Department of Public Works and Highways. Kasunod ito ng pagbubunyag ni Senador Panfilo Lacson na nagawang makapagpalit ng milyon-milyong pisong cash sa chips at chips sa cash ng mga district engineer ng DPWH na isinasangkot sa katiwalian sa flood control projects. Ipinaliwanag ni Tulfo na dapat mahigpit ang pagpapatupad ng mga casino ng tinatawag na Know-your-Client upang matiyak na hindi sila nagiging…

Read More

Polong sa InfraComm: ‘Wag kami! FOCUS SA ISYU NG CO, ROMUALDEZ KICKBACK

UPANG maging kapani-paniwala ang imbestigasyon ng Infra Committee, dapat ibalik ang usapan kina House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa halip ilihis ang isyu laban sa pamilya Duterte. Bwelta ito ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte sa kanyang mga kasamahan na dumidinig sa usapin ng mga anomalya sa flood control projects. “Balik niyo yan sa usapang Martin Romualdez at Zaldy Co para may maniwala sa inyo, InfraComm. Huwag n’yong gamitin ang Davao at ang pamilya ko para lang ma-divert ang isyu at mailihis ang…

Read More

CHIZ PAGPAPALIWANAGIN SA TINANGGAP NA P30-M CAMPAIGN CONTRIBUTIONS

PAGPAPALIWANAGIN na ng Commission on Elections si dating Senate President Francis Chiz Escudero at ang kontratistang si Lawrence Lubiano kaugnay sa ₱30-milyong campaign contribution ng Centerways Construction and Development Corporation sa senador. Sa panayam kay Comelec Chairman George Erwin Garcia dito sa Senado, kinumpirma niyang ilalabas ngayong Huwebes ang show cause order laban kay Lubiano, presidente ng Centerways Construction. Bibigyan si Lubiano ng limang araw upang magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat sampahan ng election offense dahil sa pagbibigay ng kontribusyon kay Escudero. Kapag nakapagsumite na siya ng tugon, susunod…

Read More

MILD HYBRID VEHICLES PINASASAMA NG LCSP SA CODING EXEMPTION

HINILING ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na isama ang mild hybrid electric vehicles sa mga sasakyang exempted sa number coding scheme ng MMDA at iba pang LGUs. Giit ng grupo, nakasaad sa R.A. 11697 o Electric Vehicle Industry Development Act na kabilang sa mga non-fiscal incentives ang exemption sa unified vehicular volume reduction program o number coding. “Kung ang electric motor ay tumutulong man lang sa gasoline engine o nagpapatakbo ng ilang bahagi ng sasakyan tulad ng aircon o ilaw kapag naka-off ang makina, bakit hindi sila…

Read More