28 LUXURY VEHICLES NG DISCAYAS NASA KUSTODIYA NA NG ADUANA

NASA kustodiya na ng Bureau of Customs ang 28 luxury vehicles na inuugnay sa mag-asawang government contractor na sina Sarah at Curlee Discaya. Ayon sa ulat na Aduana, sinisimulan na nilang busisiin ang mga dokumento ng mga mamahaling sa sasakyan matapos na isurender ng pamilya Discaya ang umano’y 16 pang nalalabing sasakyan na target ng BOC. Ito ay matapos na ma-recover sa bisa ng search warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 18, ang naunang 12 sasakyan kasunod ng inspeksyon sa St. Gerrard Construction General Contractor & Development…

Read More

Itinangging nasa Hanoi, Vietnam na MAG-ASAWANG DISCAYA NASA BANSA PA – BI

ITINANGGI ng Bureau of Immigration na nakalabas na ng bansa ang mag-asawang Discaya. Ito ay makaraang may lumabas na ulat na nakalabas na ng bansa ang mag-asawang sina Sarah at Pacifico Discaya. Ang mag-asawang Discaya ay iniuugnay sa maanomalyang flood control projects sa bansa at kabilang sa listahan ng mga nasa ilalim ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO). Nauna rito, may mga ulat online na umano’y bumiyahe na ang pamilya Discaya patungong Hanoi, Vietnam. Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, wala pa silang natatanggap na impormasyon kung nasa ibang bansa…

Read More

NCRPO HANDANG ARESTUHIN ANG MGA RALIYISTA SA ST. GERRARD CONSTRUCTION

HANDA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na arestuhin ang mga raliyistang nangalampag sa St. Gerrard Construction sa Pasig City, ayon kay NCRPO chief PMGen. Anthony Aberin. Nauna nang sinalakay ng mga raliyista ang compound ng pamilya Discaya kung saan pinagbabato ng putik ang tarangkahan at nagsulat ng salitang “Magnanakaw” gamit ang pintura. Ayon kay Aberin, hindi nila palalampasin ang anumang pagkilos na hahantong sa kaguluhan, bagama’t tiniyak niyang paiiralin pa rin ng pulisya ang maximum tolerance. Nilinaw ng opisyal na wala pang pormal na reklamong inihahain laban sa…

Read More

PARTY-LIST REP UMALMA SA PAGKAKASAMA SA ILBO KAUGNAY SA FLOOD CONTROL ISSUE

PUMALAG ang isang kinatawan ng party-list matapos mapabilang sa nakalagay sa immigration lookout bulletin order na inilabas ng Department of Justice. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nakasama sa listahan ang pangalan ni Magsasaka Party-list Rep. Ferdinand Beltran batay sa hiling ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Rodante Marcoleta. Muling iginiit ng kalihim na ang pinagbatayan lamang ng kanilang inilabas na ILBO ay mula sa request ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Senado. Sinabi pa ni Remulla na posibleng hindi pa nakalabas ng…

Read More

2 BABAE, 1 PA TIMBOG SA BUY-BUST

INARESTO ng pulisya ang isang lalaki at dalawang babae na tinaguriang high-value individuals sa isang drug buy-bust operation sa Taguig nitong Setyembre 4. Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Southern Police District (SPD), katuwang ang Taguig City Police na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kinilala sa alyas Vince, 43; alyas Urmesh, 34; at alyas Jay, 33. Nasamsam sa operasyon ang 250 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.7 milyon at isang cellphone. (CHAI JULIAN) 156

Read More

PONDO NG PARTIDO, NAPUNTA LANG SA OPISYAL?

NAKAGUGULAT ang balitang lumulutang ngayon tungkol sa isang kilalang opisyal ng isang makapangyarihang partido pulitikal. Imbes daw na mapunta sa mga proyekto at pangangailangan ng kanilang grupo ang koleksyon mula sa mga miyembro, diretso raw itong napupunta sa bulsa ng naturang opisyal. Ayon sa mapagkakatiwalaang source, ginagastos lamang umano ng nasabing opisyal ang pondo sa luho—mga mamahaling kotse na nakaparada sa Davao del Norte at koleksiyon ng mga baril na dapat na raw siyasatin ng NBI at PNP. Hirit pa ng ilan, baka kailangan pang mag-SAF para sa posibleng raid.…

Read More

SUPORTA SA JEEPNEY DRIVERS AT MODERNIZATION PROGRAM, KULANG PA – REP. POE

QUEZON CITY — Nanawagan si Representative Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Party-list, Vice Chair ng House Committee on Appropriations, ng mas mataas na suporta mula sa gobyerno para sa mga jeepney driver na apektado ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program. Sa isang pagdinig sa Kongreso, iginiit ni Poe na ang presyo ng modernong jeep na umaabot sa ₱2 milyon kada yunit ay nagbabaon sa libu-libong tsuper sa pagkakautang. Aniya, hindi dapat maging kapalit ng modernisasyon ang pagdurusa ng mga driver, kundi dapat itong magbigay ginhawa at pag-angat sa…

Read More

SYNDICATED ESTAFA CASE NILULUTO VS QUIBOLOY?

MISTULANG inihahanda ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isa pang non-bailable case laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy kaugnay ng umano’y maling paggamit ng donasyon ng mga miyembro ng kanyang simbahan. Sa pagdinig ng House committee on justice na pinamumunuan ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, iminungkahi ni Manila Rep. Joel Chua ang posibilidad na kasuhan si Quiboloy ng syndicated estafa. Ayon kay Chua, ginagamit umano ang nakokolektang donasyon, kabilang ang mula sa mga miyembro sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos, para pondohan ang…

Read More

Sa gitna ng mga kontrobersya ZALDY CO SUMIBAT PA-AMERIKA

KINUMPIRMA ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na nasa United States of America (USA) na si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co. Sa press conference kahapon, sinabi ni Atty. Princess Abante, spokesman ng Kamara na inalam nito sa Office of the Secretary General ng Kamara kung nasaan ang kontrobersyal na mambabatas. “He’s out of the country. I understand nasa United States siya for medical treatment with travel authority,” ani Abante subalit wala itong maibigay na kopya ng travel authority at kung kailan ito umalis. Bago ito, lumabas na…

Read More