WHISTLEBLOWER SA MISSING 34 SABUNGERO ILALAGAY SA WPP

PINAG-AARALAN ng Philippine National Police at Department of Justice ang panibagong twist sa kaso ng 34 nawawalang sabungero sa paglutang ng isang alyas “Totoy”. Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP at DOJ para sa paglilitis sa mga suspek na idinadawit sa pagkawala mga mga sabungero. Habang bukas naman ang DOJ na busisiin ang mga isiniwalat ng sinasabing whistleblower sa kaso ng nawawalang mga sabungero, bilang tugon sa lumabas na ulat na patay na ang mga ito at inilibing sa Taal lake. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nais niyang…

Read More

JAAF receives donation from Araneta City hotels’ choir win

In a symbolic gesture of giving back, the J. Amado Araneta Foundation (JAAF) received a special donation from Araneta Hotels Inc. (AHI) during a ceremonial turnover on June 19. The donation was part of the prize money won by Novotel and ibis Styles Manila Araneta City, both being managed by AHI, after emerging as global champions in the Accor Choir Games last December 2024. The donation will fund JAAF programs on scholarships, youth development, and education. Present during the turnover ceremony were (from left) Darwin Labayandoy, Novotel Hotel Manager; Diane…

Read More

Anyare sa P75 bilyong pondo? PINOY NGANGA SA MAHARLIKA

PANAHON na para i-account ng Palasyo ng Malacañang ang Maharlika Investment Fund (MIF). Ito ang iginiit ni outgoing Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera dahil halos tatlong taon mula nang buuin ang MIF at itatag ang Maharlika Investment Corporation (MIC) ay wala nang naririnig dito. “It is time to account for the Maharlika Investment Funds,” ani Herrera dahil pera ng taumbayan aniya ang ginamit ng MIC sa mga investment na pinasok ng mga ito. “Seventy five bill (P75 billion) of public funds were plowed into the fund as required by…

Read More

PAYO NI ENRILE DAPAT SUNDIN NG SENATOR-JUDGES

IGINIIT nina Senate Minority Leader Koko Pimentel at Senador JV Ejercito na dapat pakinggan ng senator-judges sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ang mga pahayag at payo ni dating Senate President at ngayon ay presidential legal counsel Juan Ponce Enrile. Sinabi ni Pimentel na si Enrile ay beterano na sa paghawak ng impeachment trial. Makabubuti rin anyang pakinggan nila ang iba pang mga opinyon lalo na ang pananaw ng legal scholars  o’ legal experts na kumwestyon sa mga nagiging hakbangin ng Senate impeachment court tulad ng ginawang…

Read More

ALERT LEVELS SA ISRAEL, IRAN POSIBLENG ITAAS NA

KINOKONSIDERA ng gobyerno ng Pilipinas na itaas ang alert levels sa Israel at Iran habang nagpapatuloy ang pag-atake sa pagitan ng dalawang bansa. “We are considering the same, but in fact, we are already acting as if both countries were on Alert Level 3 or voluntary repatriation,” ang sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega sa isang panayam. Tinitingnan din aniya ng gobyerno ang sitwasyon sa mga apektadong lugar at ang kaligtasan ng mga Pilipino bago pa itaas ang alert level. Ang Israel ay kasalukuyan nasa Alert Level 2…

Read More

PH LAWMAKERS, LAWBREAKERS – CALLEJA

TINAWAG ng isang law professor na lawbreakers ang mga senador sa gitna ng mabagal na pag-usad ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. “Our senators — lawmakers are lawbreakers!” ani Atty. Howard Calleja. Partikular na pinatutsadahan nito si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa lantaran umanong paglabag sa saligang batas at ang mismong sariling Senate impeachment rules na nagresulta ng pagkaantala at paghinto ng paglilitis ukol sa inihaing reklamo laban kay Duterte. “These senators are supposed only to listen to the evidence and decide to convict or acquit,…

Read More

PAGBABAYAD NG P28-B SA HACIENDA LUISITA PINALAGAN

KINONDENA ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang desisyon ng Court of Appeals na nag-uutos sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Land Bank of the Philippines (Landbank) na bayaran ng mahigit P28.488 bilyon bilang “just compensation” ang mga Cojuangco-Aquino at Lorenzo. Ayon sa KMP, ang desisyon ng appellate court ay patunay ng walang hanggang inhustisyang dulot ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa mga manggagawang-bukid at magsasakang matagal nang niloloko ng huwad na reporma sa lupa. Iginiit ni Danilo Ramos, Tagapangulo ng KMP, habang ang mga tunay na nagbubungkal…

Read More

51 NPA NAPATAY SA LOOB NG 6-BUWAN

IPINAKITA ng Armed Forces of the Philippine ang patuloy na paghina ng Communist New People’s Army sa inilabas nilang datos na umabot sa 871 miyembro at tagasuporta ng New People’s Army (NPA) ang kanilang naneyutralisa loob lamang ng nakalipas na anim na buwan. Sa nasabing bilang 51 communist terrorists ang napatay ng mga tauhan ng pamahalaan sa tuloy-tuloy na focus at intelligence driven operation na kanilang inilunsad sa iba’t ibang area of operation mula Enero 1, 2025 hanggang sa kalahatian ng buwan ng Hunyo. Base sa estadistika, 44 NPA ang…

Read More

SONA NI PBBM BOBOYKOTIN NI VP SARA

MULING ibo-boycott ni Vice President Sara Duterte ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa July 28, 2025 kasabay ng pagbubukas ng 20th Congress. Sa panayam ng mga mamamahayag kay House Secretary General Reginald Velasco, kinumpirma nito na nagpadala ng sulat si Duterte para ipaalam na hindi dadalo sa ikaapat na SONA ni Marcos. Gayunpaman, sinabi ni Velasco na hindi pa rin ipaookupa ang upuan ni Duterte at mga staff nito sa gallery ng plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagbabaka-sakaling magbabago ang…

Read More