TEVES IPINALILIPAT SA CAMP BAGONG DIWA

IPINALILIPAT na ng Manila RTC, Branch 51 sa Camp Bagong Diwa, Taguig City si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves, Jr. Kinumpirma ito ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves kaugnay sa kasong pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pa. Gayunman, nais munang malinawan ng kampo ni Teves kung aling utos ang susundin dahil sa naunang commitment order ng Manila RTC Branch 12, na dalhin ang dating kongresista sa Manila City Jail. Kung susundin kasi, ayon sa kampo ni Teves, ang memorandum ng Korte…

Read More

Sa kabila na idineklarang Abu Sayyaf free PHIL. ARMY MANANATILI SA SULU AT BASILAN

WALA pang planong magbawas ng pwersa ang Philippine Army sa lalawigan ng Sulu at maging sa Basilan na idineklarang Abu Sayyaf free na. “No, it will remain because we still have this role of, to be able to sustain the peace which is very important. The sustaining the peace and making sure development will flow in that area. So, confidence building is now on the works,” ayon kay Army Commanding General Roy Galido. Pormal nang idineklara bilang “ASG-free” o Abu Sayyaf free ang lalawigan ng Basilan, na dati’y kilalang balon…

Read More

TULAK TODAS SA BUY-BUST OPERATION NG PDEG

PANGASINAN – Patay ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga makaraang manlaban sa mga tauhan ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG), sa isinagawang anti-illegal drug operation noong Martes ng gabi sa bayan ng Urdaneta sa lalawigan. Ayon sa ulat ni PDEG Director Brig. Gen. Jason Capoy, dakong alas-10:30 ng gabi, napagkasunduan ng suspek at police poseur buyer na magkita sa isang lugar. Matapos ang nasabing transaksyon, nagbigay ng hudyat ang police poseur buyer sa kanyang mga kasamahan. Ngunit sa halip na sumuko si alyas “Dupax” ay binunot nito ang kanyang…

Read More

P.4-M DROGA, BARIL, BALA NASAMSAM SA ZAMORA DRUG GROUP

CAVITE – Tinatayang P400,000 halaga ng umano’y shabu, baril at bala ang nasamsam makaraang madakip ang lider ng Zamora drug group at tatlong iba pa na pawang nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Jerome”, lider ng Zamora drug group; “Lea”, “Jason” at “Orlando”, pawang nasa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya. Ayon sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement…

Read More

SAN JUANICO BRIDGE DAPAT MAINSPEKSYON KADA 3 YEARS

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may pangangailangan na inspeksyunin ang maintenance ng San Juanico Bridge kada tatlong taon. Ito’y upang matiyak na ligtas ang nasabing tulay sa mga gagamit nito. Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasabay ng pag-inspeksyon sa Amandayehan Port sa Basey, Samar. Ito’y isang alternatibong ruta, kung saan ginagamit ng mga sasakyan na hindi pinapayagan na dumaan sa San Juanico Bridge sa gitna ng rehabilitasyon nito. ”Noong nag-inspection ang DPWH para nga sa rehabilitation, ika nila delikado na ‘tong tulay na ito, ‘di namin…

Read More

ANTI-POGO BILL APRUB DIN SA KAMARA

PINAGTIBAY ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Pilipinas at iba pang kahalintulad na sugal. Sa botong 172 pabor, isa ang kumontra at zero abstention, ipinasa na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 10987 o “Anti-Offshore Gaming Operations Act” at inaasahang isasalang na ito sa bicameral conference committee. “Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) have become breeding grounds for criminality, corruption, tax evasion, money laundering, human trafficking, moral decay, and national security risks,” ani CIBAC party-list Rep. Bro.…

Read More

JOINT MARITIME PATROL SA NORTE PALALAKASIN KONTRA ‘FLOATING SHABU’

PALALAKASIN ng pambansang pulisya ang pagpapatrolya sa karagatan sa bahagi ng Norte, ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo. Sa press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi na Fajardo na mahigit 1.2 toneladang droga ang nakuha ng mga mangingisda sa karagatan ng Pangasinan, Ilocos at Pangasinan simula noong Hunyo 02. Tinatayang nasa mahigit P8.8 bilyong halaga ng droga ang natagpuan sa loob ng sako na palutang-lutang sa karagatan. Ayon kay Fajardo, nakikipag-ugnayan ang PNP sa Philippine Coast Guard at Philippine Navy para sa gagawing operasyon sa karagatan. Lumitaw sa…

Read More

CONTEMPT VS ROQUE, IBA PA INALIS NA NG KAMARA

MALIBAN kay dating Presidential spokesman Harry Roque na may arrest warrant dahil sa kasong kriminal sa isang korte sa Pampanga, maaari nang magpakita muli sa publiko ang kanyang misis na si Maila Roque matapos bawiin ng Quad Committee ang kanyang contempt order. Bukod sa misis ni Roque, pwede na ring magpakita muli ang dating economic adviser ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang kasama sina dating Police Col. Hector Grijaldo at SPO4 Arthur Narsolis. “The motion to lift the contempt order for Col. Grijaldo, spouses Myla and Atty.…

Read More

Senado ‘ginalaw na ang baso’ HOUSE PROSECUTORS: GAME NA

HANDANG-HANDA na ang prosecution panel ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa bakbakan sa Impeachment Court para litisin si Vice President Sara Duterte. Ito ang binigyang-diin ng tagapagsalita ng Kamara na si Atty. Princess Abante kasabay ng pahayag na ikinatuwa ng Kamara na matapos ang apat na buwan ay ‘ginalaw na ng Senado ang baso’. “Well, the House of Representatives welcome this development, ginalaw na po ang baso. Nakinig na po ang Senado sa mga pahayag, hindi lang ng Kamara kundi ng iba’t ibang sektor ng lipunan. At again, handa naman…

Read More