HINDI pa man pormal na nasisimulan sa Senado ang impeachment trial, inihain ni Senador Robin Padilla ang Senate Resolution 1371 na nagdedeklarang terminated o tapos na nag impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Ikinatwiran ni Padilla na mag-aadjourn sine die na ang Kongreso sa Hunyo 13 at lahat ng proceedings nito ay matatapos na. Binanggit niya sa resolusyon na hindi maaaring tumawid sa 20th Congress ang impeachment dahil sa kawalan ng hurisdiksyon. Nakasaad din sa resolusyon ang Rule 44 Sec. 123 ng rules of the Senate kung saan…
Read MoreCategory: BALITA
2 HOLDAPER SA TONDO TIMBOG SA 3 MINUTES RESPONSE NG NCRPO
ARESTADO ang dalawang hinihinalang mga holdaper sa isinagawang 3 minutes response ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) nitong Martes ng madaling araw sa Tondo, Manila. Sa direktiba ni Police General Nicolas Torre III, PNP chief, bandang alas-2:10 ng madaling araw nang holdapin ang 33-anyos na driver sa Honorio Lopez Boulevard sa Barangay 129 sa Tondo, sakop ng MPD-Raxabago Police Station 1. Agad namang nagresponde ang mga tauhan ni Police Major General Anthony Aberin, NCRPO chief, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang holdaper na may edad na…
Read More8 TAGUIG POLICE SINIBAK SA WARRANTLESS SEARCH
IPINASIBAK ni NCRPO Director Police Major General Anthony Aberin ang walo sa 10 pulis na sangkot umano sa pagpasok sa isang bahay nang walang search warrant noong Pebrero 9, 2025. Batay sa isinagawang comprehensive investigation ng Disciplinary Authority ng NCRPO, lumitaw na napatunayang nagkasala sa kasong grave neglect of duty ang substation commander at maparurusahan ito ng one rank demotion. Limang pulis naman ang napatunayang nagkasala sa kasong grave misconduct, less grave misconduct at conduct of unbecoming of a police officer, na may kaparusahang pagkakasibak sa serbisyo. Habang napatunayan namang…
Read MoreSENATOR-JUDGES NANUMPA NA
NANUMPA na ang mga senator-judge para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Martes. Suot ng 21 senador na nanumpa ang Oxford crimson robes na inihanda para sa impeachment proceedings. Hindi naman nagsuot ng robe sina Sen. Imee Marcos, Sen. Cynthia Villar at Sen. Robin Padilla bagaman nanumpa sila nang may reserbasyon. (DANNY BACOLOD) 258
Read More40TH ANNIVERSARY IPAGDIRIWANG NG DAY BY DAY JESUS MINISTRY
IPAGDIRIWANG sa Hunyo 15, araw ng Linggo, ang ika-40 anibersaryo ng Day by Day Jesus Ministry na gaganapin sa Space One, Ayala, Makati City Itatampok sa pagdiriwang ang isang espesyal na Prayformance ng KALOOB Dance Ministry sa ganap na alas-3:00 ng hapon, na magpapakita ng pagsamba sa pamamagitan ng cultural dance at musika. Ang milestone event na ito ay bilang pagpaparangal sa apat na dekada ng pananampalataya, komunidad, at paglilingkod sa Diyos, sa pangunguna ng Punong Pastor at Tagapagtatag nito na si Dr. Ed Lapiz. Layunin ng samahan na magkaisa…
Read MoreSa akusasyong illegal logging DATING TANOD SINAMPAHAN NG CYBER LIBEL NG KAPITAN
QUEZON – Nagreklamo ng cyber libel ang isang kapitan ng barangay matapos akusahan sa social media ng umano’y pagkasangkot sa illegal logging ng isang dating tanod sa Tayabas City. Personal na humarap sa himpilan ng pulisya noong Lunes ng hapon, Hunyo 9, ang biktimang si “Rudy”, 56-taong gulang na kapitan ng Barangay Alitao, at ini-report ang serye ng umano ay mapanirang-puri at malisyosong post laban sa kanya. Ayon dito, nagsimula ang paninirang-puri noong Marso 12, 2025, alas 9:30 ng gabi, kung saan nag-post ang suspek na si “Liberato”, dating barangay…
Read MoreMAHIGIT 3K KRIMINAL NAARESTO NG PRO3 SA 5 BUWAN OPERASYON
NAKAPAGTALA ng mahigit sa 3,674 kataong naaresto ang Police Regional Office 3, sa limang buwang operasyon kontra kriminalidad. Sinabi ni PRO 3 Director Police Brig. General Jean Fajardo, may kabuuang 783 most wanted persons habang 2,891 wanted person ang kanilang nahuli mula Enero 10 hanggang Hunyo 8, 2025 taong kasalukuyan. Kabilang sa mga arestado ang 35 most wanted person na may kasong pamamaslang, 155 naman sa kasong panghahalay, 24 sa pagnanakaw, 124 may kaugnayan sa droga, habang 445 ang may iba’t ibang kaso. Kaugnay nito, pinuri ni Fajardo ang kasipagan…
Read MoreSC KINALAMPAG SA KASO NI DATING PAGSANJAN, LAGUNA MAYOR E.R. EJERCITO
KINALAMPAG kahapon ng 39 bangkero ang Korte Suprema para hilingin ang agarang pagpapalabas ng pinal na desisyon sa kaso ni dating Pagsanjan, Laguna Mayor E.R. Ejercito. Nagsagawa ng kilos-protesta ang naturang grupo sa harapan ng gusali ng Supreme Court sa Padre Faura St., Ermita, Manila. Binigyang-diin ng lider na si Rojelio Allas ng United Boatmen of Pagsangjan Inc., aabot sa 1,974 ang kanilang miyembro na pinagsamantalahan ng kasalukuyang elected mayor na si Emilio Ramon Pelayo Ejercito III sa katatapos lang na 2025 midterm elections. Giit ni Allas, taong 2008 pa…
Read MoreSENIOR CITIZEN ITINUMBA NG TANDEM
CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang riding in tandem na bumaril at nakapatay sa isang 61-anyos na tricycle driver habang nag-aabang ng masasakyan sa isang terminal sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi. Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Efreb Honor y Camerico, 61, ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan. Mabilis namang tumakas makaraan ang pamamaril ang dalawang suspek na nakasuot ng itim na kapote at itim na bonnet at lulan ng itim na motorsiklong Honda Wave.…
Read More