PINALAYA ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 2,923 persons deprived of liberty (PDLs) mula Abril 1 hanggang Hunyo 11 ngayong taon. Ginanap ang seremonya kamakalawa sa New Bilibid Prison, Muntinlupa. Aabot na sa 23,579 ang kabuuang napalaya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang mga PDL ay pinalaya batay sa pagtatapos ng sentensya (2,373), acquittal (228), parole (212), habeas corpus (76), probation (59), at iba pang utos ng korte. Pinapurihan ni Catapang ang Supreme Court sa desisyon nitong…
Read MoreCategory: BALITA
PLUNDER ISAMPA VS VP SARA, ET AL – KAMARA
INAPRUBAHAN sa plenaryo ng Kamara kamakalawa ng gabi ang rekomendasyon ng House committee on good government and public accountability na kasuhan ng plunder si Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Base sa Committee Report No, 1503 na inilahad ng chairman ng nasabing komite na si Manila Rep. Joel Chua, bukod sa plunder case ay pinakakasuhan din si Duterte at iba pang mga opisyal ng OVP at DepEd noong panahong pinamumunuan nito ang…
Read More2 HOLDAPER NG GRAB TIMBOG SA MAAGAP NA DRIVER
ARESTADO ang dalawang hinihinalang mga holdaper makaraang maagap na sumigaw ang Grab driver na biktima ng mga ito, na may mga holdaper sa loob ng kanyang sasakyan, sa nagpapatrolyang mga awtoridad sa Honorio Lopez Boulevard, Barangay 129, Tondo, Manila noong Martes ng madaling araw. Kinilala ang nadakip na mga suspek na sina alyas “Ron-Ron”, 34, at “Buboy”, 22, kapwa ng Balut, Tondo, Manila. Base sa ulat ng 10 Charlie Sector at Police Mobile Unit ng Raxabago Police Station 1 ng Manila Police District, bandang alas-2:10 ng madaling araw, habang nagsasagawa…
Read MoreHindi ini-report ang insidente JAILER NATAKASAN NG PRESO, INARESTO
INARESTO ng kanyang kabaro ang isang jailer dahil sa kapabayaan sa trabaho makaraang matakasan ng preso at hindi ini-report ang insidente sa Caloocan City. Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Anthony Aberin, ang pulis na may ranggong staff sergeant, ay dinakip noong Martes dakong alas-10:00 ng umaga sa Samson Road, Barangay 8, sa nasabing Lungsod. Napag-alaman, natakasan ng isang person under police custody ang nasabing jailer sa detention facility ng Caloocan City Police Sub-Station 6 noong Hunyo 8, at nadiskubre lamang nitong Martes. Matapos…
Read MoreTEVES IPINALILIPAT SA CAMP BAGONG DIWA
IPINALILIPAT na ng Manila RTC, Branch 51 sa Camp Bagong Diwa, Taguig City si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves, Jr. Kinumpirma ito ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves kaugnay sa kasong pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pa. Gayunman, nais munang malinawan ng kampo ni Teves kung aling utos ang susundin dahil sa naunang commitment order ng Manila RTC Branch 12, na dalhin ang dating kongresista sa Manila City Jail. Kung susundin kasi, ayon sa kampo ni Teves, ang memorandum ng Korte…
Read MoreSa kabila na idineklarang Abu Sayyaf free PHIL. ARMY MANANATILI SA SULU AT BASILAN
WALA pang planong magbawas ng pwersa ang Philippine Army sa lalawigan ng Sulu at maging sa Basilan na idineklarang Abu Sayyaf free na. “No, it will remain because we still have this role of, to be able to sustain the peace which is very important. The sustaining the peace and making sure development will flow in that area. So, confidence building is now on the works,” ayon kay Army Commanding General Roy Galido. Pormal nang idineklara bilang “ASG-free” o Abu Sayyaf free ang lalawigan ng Basilan, na dati’y kilalang balon…
Read MoreTULAK TODAS SA BUY-BUST OPERATION NG PDEG
PANGASINAN – Patay ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga makaraang manlaban sa mga tauhan ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG), sa isinagawang anti-illegal drug operation noong Martes ng gabi sa bayan ng Urdaneta sa lalawigan. Ayon sa ulat ni PDEG Director Brig. Gen. Jason Capoy, dakong alas-10:30 ng gabi, napagkasunduan ng suspek at police poseur buyer na magkita sa isang lugar. Matapos ang nasabing transaksyon, nagbigay ng hudyat ang police poseur buyer sa kanyang mga kasamahan. Ngunit sa halip na sumuko si alyas “Dupax” ay binunot nito ang kanyang…
Read MoreP.4-M DROGA, BARIL, BALA NASAMSAM SA ZAMORA DRUG GROUP
CAVITE – Tinatayang P400,000 halaga ng umano’y shabu, baril at bala ang nasamsam makaraang madakip ang lider ng Zamora drug group at tatlong iba pa na pawang nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Jerome”, lider ng Zamora drug group; “Lea”, “Jason” at “Orlando”, pawang nasa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya. Ayon sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement…
Read MoreSAN JUANICO BRIDGE DAPAT MAINSPEKSYON KADA 3 YEARS
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may pangangailangan na inspeksyunin ang maintenance ng San Juanico Bridge kada tatlong taon. Ito’y upang matiyak na ligtas ang nasabing tulay sa mga gagamit nito. Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasabay ng pag-inspeksyon sa Amandayehan Port sa Basey, Samar. Ito’y isang alternatibong ruta, kung saan ginagamit ng mga sasakyan na hindi pinapayagan na dumaan sa San Juanico Bridge sa gitna ng rehabilitasyon nito. ”Noong nag-inspection ang DPWH para nga sa rehabilitation, ika nila delikado na ‘tong tulay na ito, ‘di namin…
Read More