BBM 53% SA PULSE ASIA SURVEY; LENI 20%

RUMATSADA muli ang tambalan nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at running-mate na si Davao City Mayor Sara Duterte sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey na isinagawa ‘nationwide’ nito lamang Disyembre 1-6, taong kasalukuyan. Sa tanong na kung ngayong gaganapin ang halalan sa pampanguluhan, si Marcos ay nakakuha ng 53 percent, malayong hindi hamak sa pumapangalawang si Leni Robredo na may 20 percent. Parehong may eight percent at tabla sa ikatlong puwesto ang mga katunggali nilang sina Isko Moreno at Manny Pacquiao. Pang-apat si Ping Lacson na may…

Read More

Kritiko supalpal sa dokumento ng BIR TAX DUES NI BONGBONG BAYAD NA

BINASAG ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. nitong Miyerkoles ang paninirang ginagawa ng mga kritiko hinggil sa umano’y hindi niya pagbabayad ng buwis, nang ipakita nila ang sertipikasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagpapatunay na mali ang lahat ng akusasyon laban sa dating senador. Sa ipinatawag na press conference, mala-bombang pinasabog ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni Marcos Jr., ang katotohanan nang ipresenta niya ang BIR certification na inisyu noong Disyembre 9, 2021 na nagpapatunay na bayad na ng dating senador…

Read More

500 BATA SA MARCOS VILLAGE AT AETA COMMUNITIES SA PAMPANGA AT TARLAC, PINASAYA NI BBM

NAGING maligaya ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ng may 500 bata mula sa Marcos Village sa Mabalacat at mga Aeta communities sa Pampanga at Tarlac nang handugan sila ng aginaldo ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. nitong Martes. Mainit na sinalubong siyang sinalubong ng mga bata a Marcos Village gymnasium kung saan isinagawa ang Christmas gift giving. Sinabi ni Marcos na ang Pasko ay sumisimbolo sa kapanganakan ni Jesus kaya’t dapat itong ipagdiwang taun-taon, lalo na ng mga batang paslit. “Alam nyo po talagang para…

Read More

BBM-Sara UniTeam: DAGDAG RUTA SA MGA RO-RO MAGPAPABILIS NG RESPONDE SA KALAMIDAD

ITUTULAK ng BBM-Sara UniTeam na mapalawak ang Roll-On/Roll-Off (Ro-Ro) Terminal System ng bansa upang pabilisin ang pagtugon at pagbibigay ng tulong sa mga lugar na tinatamaan ng kalamidad. Sinabi ni dating Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na dahil sa pagiging arkipelago ng bansa, kakailanganin ng mas epektibong paraan ng pamamahagi sa mga tulong gaya ng relief goods at heavy equipment. “The country’s unique archipelagic layout is a challenge when it comes to disaster response. Island municipalities can be easily isolated for days, with help only being sent via airdrops…

Read More

RMN-APCORE SURVEY: 55% PARA KAY MARCOS; ROBREDO, 13%; DOMAGOSO, 13%; PACQUIAO, 4%; LACSON, 3%

TULOY-tuloy sa pag-alagwa ang kandidatura ni Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., laban sa mga katunggali nang muli na namang manguna sa nakalipas na face-to-face survey na inilunsad ng Radio Mindanao Network (RMN)-APCORE. Isinagawa ang survey noong Nobyembre 23-29, taong kasalukuyan. Mula sa 2,400 respondents, mahigit sa kalahati nito ang bumoto kay Marcos na nakakuha ng 55 percent. Malayong nakasunod sa kanya sina Leni Robredo at Isko Moreno na kapwa may 13 percent votes. Si Bong Go na pormal nang umatras sa kandidatura nitong nakalipas na linggo…

Read More

SIARGAO, CAPIZ, NEGROS OCCIDENTAL AT MASBATE SUNOD NA HINATIRAN NG TULONG NINA BONGBONG AT SARA

TULOY-tuloy ang paghahatid ng tulong nila Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at Sara Duterte sa mga nasalanta ng super typhoon ‘Odette’ at sinuyod naman nila nitong Lunes (Disyembre 20), ang Siargao, Capiz, Negros Occidental at Masbate. Pinangunahan ni Marcos, ang paghahatid ng relief goods sa iba’t ibang lugar na matinding tinamaan ng bagyo kasabay ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para matukoy pa ang problema sa kanilang mga lugar. Bawat pinuntahang lugar ay binigyan ng team ni Marcos, ng tig-P1 milyong cash at 2,000 bags ng relief goods. “Bukod sa…

Read More

BBM-SARA UNITEAM: MGA KABATAAN SA MINDANAO ILILIGTAS NG SPORTS

PAIIGTINGIN ng BBM-Sara UniTeam nina Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential bet Inday Sara Duterte ang mga programang pampalakasan sa Mindanao upang mailayo ang mga kabataan sa karahasan at makapagsanay ng mga bagong atleta na magbibigay karangalan sa bansa. Ito ang sinabi ng ng dalawa matapos iulat ng Save The Children Philippines na noong 2019, mahigit 1.8 milyong kabataan mula sa Mindanao ang lubhang naapektuhan ng mga kaguluhan at labanan sa nasabing rehiyon. Ayon pa sa ulat, maraming mga kabataan ang nasugatan, nagkasakit, at dumaan sa psychological trauma…

Read More

Sa Leyte, Butuan, Cebu, Bohol at Masbate SERYE NG RELIEF AIDS NINA BONGBONG AT SARA TULOY-TULOY

NAGLUNSAD nitong Linggo (Disyembre 19) ng serye ng relief operations ang tambalan nina Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at Inday Sara Duterte sa iba’t ibang lugar na nasalanta ng super typhoon Odette na kinabibilangan ng Leyte, Butuan, Bohol at Cebu. Matatandaan na bago pa man humagupit ang bagyong Odette, nauna nang pinakilos ng BBM-Sara UniTeam ang kanilang mga volunteer para mag-preposition ng mga pagkain, gamit at iba pang kailangang ibigay na tulong bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyo. Agad na nagtulong-tulong ang mga volunteer para mag-repack ng mga relief goods sa…

Read More

BBM-SARA UNITEAM ON FOUR-PROVINCE SWING TO DELIVER AID FOR ‘ODETTE’ VICTIMS

MAASIN City, Southern Leyte – THE BBM-Sara UniTeam on Sunday visited several provinces hit by Super Typhoon Odette (international name: Rai) and turned over to local officials their assistance for displaced residents. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and House Majority Leader Martin Romualdez met with Southern Leyte Gov. Damian Mercado at the provincial capitol here and handed over P2 million financial assistance and P2.5 million worth of relief goods from UniTeam in a simple ceremony. Maasin City Mayor Nikko Mercado and his father, Public Works and Highways (DPWH) Sec. Roger Mercado…

Read More