Umani ng positibong reaksyon sa publiko ang larawang ito na ipinost sa Facebook page ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio matapos silang magtagpo ni dating Senador Bongbong Marcos sa isang okasyon nitong Sabado. Tanong nila – Bongbong-Sara 2022 na ba? 268
Read MoreCategory: BBM
Pinatotohanan ng PUBLiCUS at Kalye Survey BONGBONG “BEST BET MO” SA 2022
ANG napakalaking numero ng pagsang-ayon ng mga Pinoy sa pagka-pangulo ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pinakabagong survey na inilabas ng PUBLiCUS Asia nitong Biyernes ay pagpapatunay lamang sa mga resulta sa isinagawang serye ng Kalye Survey sa unang dalawang linggo ng Oktubre. “Both the science-based and real-time street surveys also confirmed that Bongbong Marcos is widely chosen by the respondents as their Best Bet for president in next year’s elections,” ayon sa kampo ni Marcos. Sa inilabas na resulta ng PUBLiCUS Pahayag survey,…
Read More49.3% SWAK KAY BONGBONG, 21.3% KAY LENI, 8.8% KAY ISKO; LACSON AT PACQUIAO DIKIT SA 2.9% AT 2.8%
NANGUNA si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa mga tumatakbo sa pagka-Pangulo sa darating na 2022 election, ayon sa resulta ng pinakahuling presidential preference survey na inilabas ng PUBLiCUS Asia Inc. nitong Biyernes. Ayon sa lumabas na resulta, nakuha ni Marcos ang 49.3% ng mga boto ng respondents. Sumunod sa kanya si Leni Robredo na may 21.3%. Pumangatlo lamang si Manila Mayor Isko Moreno na may 8.8% at sinundan naman nila Ping Lacson na nagtala ng 2.9% at ni Manny Pacquiao na nakakuha lamang ng…
Read MoreP10 kada litrong bawas, posible OIL EXCISE TAX SUSPENDIHIN – BONGBONG
SA gitna ng dikit-dikit na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, nanawagan si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Kongreso para suspendihin muna ang pagpapataw ng katumbas na buwis ng mga gasolina, krudo at kerosene na ibinebenta ng mga kumpanya ng langis sa bansa. Paliwanag ni Marcos, mas mabilis na matutugunan ng gobyerno ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis sa merkado kung isantabi muna ang excise tax ng mga produktong petrolyo. Sa tantya ng pambatong kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), P10 agad ang mababawas sa…
Read MoreSuporta sa unifying leader TRANSPORT GROUPS NAGKAISA KAY BBM
SA gitna ng kawalang direksyon ng administrasyon sa sektor ng transportasyon, mas piniling suportahan ng iba’t ibang transport groups ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang pangulo sa May 2022. Sa isang pulong na dinaluhan ng iba’t ibang transport groups sa himpapawid, karagatan at maging sa mga pangunahing lansangan, inihayag ng mga delegadong kinatawan ang suporta sa anila’y tahimik na tumulong sa kanilang hanay sa mga panahong wala silang anomang natatanggap na suporta sa administrasyon. Sa pinag-isang pahayag ng mga…
Read MoreSa 2022 presidential polls — MB online survey BONGBONG NAMUMURO SA LANDSLIDE WIN
SA kabila ng mga batikos na ibinabato sa kanya, lumilinaw ang tiyansa ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na magtala ng landslide na panalo sa darating na 2022 elections, ayon na rin sa resulta ng isang online survey na isinagawa ng isa sa mga pangunahing pahayagan sa bansa. Nanguna si Marcos sa mga Presidential candidates sa Manila Bulletin (MB) Online Presidential Survey na ginawa sa Facebook mula Oktubre 15 hanggang 17. Tinalo ni Marcos ang iba pang Presidentiables gaya nina Isko Moreno at Leni Robredo. Ayon sa datos Martes…
Read MoreNgitngit ng supporters inawat LET’S GIVE RAPPLER ANOTHER CHANCE – BONGBONG
SA gitna ng kabi-kabilang pambabatikos sa Rappler kaugnay ng nabistong manipulasyon sa resulta ng kanilang kontrobersyal na online survey ng mga kandidato para pangulo sa nalalapit na Eleksyon 2022, nanawagan si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa kanyang tagasuporta na tigilan ang patutsada. Giit ni Marcos, bigyan ng pagkakataon ang nasabing news organization na ituwid ang anomang pagkakamaling nagawa, lalo pa’t nais lamang marahil ng mga indibidwal sa likod ng nabistong manipulasyon na tupdin ang iniatang na trabaho sa kanila. “Let us give Rappler another chance,” hiling ng pambato ng…
Read MoreSafety ng bakuna dapat ding tiyakin sa mga magulang BAKUNADO BIGYAN NG INSENTIBO – BONGBONG
BILANG tugon sa daing ng mga hindi pa bakunadong manggagawang diumano’y hindi pinapayagang magbalik-trabaho, nanawagan si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa mga negosyante na magbigay ng insentibo sa mga bakunadong empleyado sa halip na pagkaitan ng hanapbuhay ang iba pang katuwang sa kanilang negosyo. Bagamat aminado ang dating senador, na pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para sa nalalapit na 2022 presidential derby, na kailangang protektado maging ang mga lugar ng pagnenegosyo, mas mainam aniyang himukin ang kanilang mga empleyado na magpabakuna kontra COVID-19 na kapwa pabor sa…
Read MoreRAPPLER TUMIKLOP NANG MABISTO SA PANDARAYA NG SURVEY VS BBM
TINANGGAL ng Rappler ang presidential survey nito sa Facebook matapos magalit ang netizens dahil natuklasan ang ginagawang pandaraya sa naturang survey kay Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Fedinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Humingi ng paumanhin ang Rappler at nagpaliwanag na tinanggal ang survey dahil hindi umano ito ayon sa kanilang layunin. Ngunit inulan pa rin ng batikos sa mga vloggers ang media outfit dahil sa pagtangka nitong linlangin ang publiko. “Hindi kinaya ng sistema ninyo, hindi kinaya ng program niyo, Facebook and Rappler, kung tinambakan man nila agad si Leni ng…
Read More