MAKARAANG maglabasan ang isang viral video ng pagmamaneobra sa isinasagawang online survey, kinastigo ng iba’t ibang grupo ng mga vlogger at netizens ang Rappler dahil umano sa garapalang manipulasyon sa hangaring ikondisyon ang isipan ng publiko pabor sa kanilang isinusulong na kandidato para pangulo. Partikular na tinukoy ng mga vlogger at netizens ang pinakahuling online survey ng Rappler kung saan nagtalaga ang digital news organization ng kanya-kanyang emoticons na kakatawan sa bawat kandidato para sa 2022 presidential derby – wow emoticon para kay dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, puso naman…
Read MoreCategory: BBM
Ginamit sa pagsabotahe kay Bongbong SMS BLASTING DEVICE BAWAL IBENTA – NTC
NAGBABALA ang National Telecommunication Commission (NTC) na mahigpit na ipinagbabawal ngayon ang pagbebenta o pag-angkat ng SMS Blasting Device na umano’y ginamit sa pananabotahe sa pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Inatasan din ng NTC ang Facebook, Lazada at Shopee na itigil ang pagbebenta online ng nasabing text blast device, lalo pa’t wala anila silang binibigyan ng pahintulot sa paggawa, pagbenta at pamamahagi ng nasabing makabagong gadget. “The NTC has not authorized the importation, manufacture, sale/distribution, or type approval of the…
Read MoreMisteryosong text alerts pinabubusisi sa NTC BONGBONG SINASABOTAHE
(JESSE KABEL) ‘NAGSIMULA na ang bakbakan’ para sa nalalapit na 2022 general elections. Reaksyon ito ng kampo ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kaugnay ng kumalat na emergency text alerts na nagpo-promote ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo. Giit ng kampo ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa pagkapangulo, malinaw na pananabotahe ang pakay ng text alerts at wala silang kinalaman dito. Panawagan ng kampo ni Marcos, isang malalimang pagsisiyasat sa anila’y malinaw na pananabotahe sa dating senador na naghain na kamakailan ng kanyang kandidatura sa Commission on…
Read MoreNaghain na ng COC SAMA-SAMA TAYONG BABANGON – BONGBONG
NAKATUON si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkakaisa at sama-samang pagbangon sa gitna ng nararanasang kahirapan dala ng pandemya sa COVID-19. Bitbit ang naturang hangarin, kahapon ay pormal nang naghain si Bongbong ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-pangulo 2022 sa national elections sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP). Kasama ni Marcos ang asawang si Atty. Liza Araneta at mga anak na sina Ferdinand Alexander at Joseph Simon. Hindi magkamayaw ang mga supporter ng dating senador na sumisigaw ng suporta sa kanyang kandidatura nang lumabas ito…
Read MoreNanumpa sa Federal BONGBONG FOR PRESIDENT NA
TIYAK na ang pagsabak sa pampanguluhan sa 2022 elections ni dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos niyang manumpa bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) kahapon. Sa kanyang Facebook video, inanunsyo ni Bongbong na kanyang tinatanggap ang endorsement ng iba’t ibang grupo para lumahok sa 2022 presidential race. “I am announcing my intention to run for the Presidency of the Philippines in the upcoming 2022 elections,” ayon sa dating senador. “I will bring back unifying form of leadership in the country,” aniya pa. Bago ito, piniling maging low…
Read MoreOK ANG PASKO KUNG LAHAT AY BAKUNADO – BONGBONG
KUMPIYANSA si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na magiging tunay na masaya ang Pasko sa pasya ng gobyernong buksan ang pagbabakuna laban sa nakamamatay na COVID-19 sa higit na maraming Filipino. Ani Marcos, posible naman ang isang mas mainam na kapaskuhan sa sandaling mahagip ng gobyerno ang pagbabakuna sa 80-90% ng populasyon, na aniya’y pamantayan para sa target nitong herd immunity kontra COVID-19, kasunod ng pahayag ng Palasyo sa planong pagsisimula ng pagbabakuna ng “general public” sa pagpasok ng buwan ng Oktubre. “Hopefully maging maganda ang Pasko natin, mas marami…
Read MoreSURVEY RATING NI SARA BUMABA; BONGBONG DUMIKIT
BAGAMA’T nangunguna pa rin sa presidential survey, bumaba ng walong puntos ang rating ni Davao City Mayor Sara Duterte sa pinakahuling survey na isinagawa ng Pulse Asia Survey. Nakakuha si Mayor Sara ng 20 percent rating na bumaba mula sa 28 percent score noong Hunyo. Pumangalawa sa alkalde si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na may 15% ratings; sinundan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, 13% at Senator Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao, 12%. Hindi naglalayo sa puntos ang batang Duterte at si Marcos maging sa mga naunang survey. Nasa…
Read MoreBigwigs sa politics nagkakaisa para kay Bongbong ‘BEST BET’ BITBIT NG FEDERAL
(JOEL O. AMONGO/BERNARD TAGUINOD) PATULOY na nadaragdagan ang malalaking personalidad sa larangan ng pulitika – lokal man o nasyunal – na sumasapi sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) habang papalapit ang pagsisimula ng paghahain ng certificates of candidacy ng mga tatakbo sa 2022 elections. Nauna nang inendorso ng PFP si dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na kanilang pambato sa pagka-pangulo at inaasahan ding anomang araw ay sasapi ito sa partido. Sa national convention nitong nakalipas na Sept. 18 ay napagkasunduan na ipagpaliban ang paghalal ng chairman ng PFP dahil…
Read MoreMagpapasya bago ang deadline ng filing ng CoC – Federal BONGBONG INENDORSO NG IBA’T IBANG GRUPO
PINILING maging low profile ni former Sen. Ferdinand “Bongbong’ Marcos, Jr. sa gitna ng lumalaking grupo ng political parties na sumusuporta sa kanyang presidential bid, ngunit pinanatili niyang bukas ang lahat ng posibilidad sa alyansa at pagbuo ng malakas na tambalan para sa darating na halalan ang pag-uusapan. Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, spokesperson ni Marcos at hinalal na executive president ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), na nagpapasalamat ang dating senador sa bumubuhos na suporta mula sa major political parties, local chieftains at mga concerned citizen. “Naiintindihan natin that…
Read More