ISUSULONG ng Pilipinas ang strategic partnership sa Belgium at lalagda sa isang joint plan of action para sa taong 2023 hanggang 2027. Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng Filipino community, Lunes ng gabi sa Brussels. Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito na babanggitin niya ang intensyon ng Pilipinas sa royal audience kasama si King Philippe. “Our relationships have remained strong and vibrant based on shared values, common interest, and the good reputation that Filipinos have built not only here in Europe but all over…
Read MoreCategory: BBM
Sa dami ng kontra PRES. MARCOS JR. ATRAS SA MWF
KUMAMBYO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinusulong na Maharlika Wealth Fund matapos sabihing ipauubaya na lamang niya sa mga mambabatas ang desisyon sa pagbuo ng nasabing panukala. Kasunod ito ng anunsyo na hindi na kasama ang Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) sa mga pagkukunan ng pondo ng MWF. Sa panayam ng media na kasama sa eroplano ni Pangulong Marcos Jr., habang patungo sa Brussels Belgium, sinabi ng Punong Ehekutibo na hahayaan niyang gawin ng lehislatura ang kanilang trabaho para rito. Ito’y bagaman naniniwala aniya…
Read More10 EURO LEADERS MAKAKAPULONG NI PBBM
MAGKAKAROON ng bilateral talks si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 10 state leaders mula sa European Union para palakasin ang ugnayan ng Pilipinas sa Western world. Sinabi ni DFA Assistant Secretary for ASEAN Affairs Daniel Espiritu sa pre-departure press briefing sa Malakanyang na ang mga lider ng bansa na nakatakdang kausapin ng Pangulo ay kinabibilangan ng Belgium, Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, The Netherlands at European Union. “Marcos will conduct these extensive meetings at the sidelines of his three-day participation at the Association of Southeast Asian Nations…
Read MoreHIDILYN BINIGYANG PUGAY NI PBBM MATAPOS SUMUNGKIT NG GINTO SA COLOMBIA
MULI na namang nagpamalas ng natatanging galing ang kauna-unahan nating Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang pagkapanalo ng mga gintong medalya sa 2022 World Weightlifting Championships na isinagawa sa Bogotá, Colombia. “Kaisa ko ang buong bansa sa pagbibigay pugay sa iyo, Hidilyn, sa patuloy mong pagsusumikap upang magsilbing inspirasyon sa maraming Pilipino, at makapag-uwi ng karangalan para sa ating bayan,” ayon sa kanyang Facebook page. Nauna rito, pinuri naman ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala si Hidilyn Diaz-Naranjo matapos masungkit ang tatlong gold medal at…
Read MorePBBM BIYAHENG BELGIUM PARA DUMALO SA ASEAN-EU SUMMIT
TULOY ang byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Brussels, Belgium mula Disyembre 12 hanggang Disyembre 14 para dumalo sa ASEAN-EU Summit. “This is very important for the Philippines and for the president because the PH is currently the country coordinator of ASEAN in its relations with the EU. For two more years we will be the country coordinator. We were instrumental in cooperation with the EU and other members of ASEAN in preparing for this summit,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) – Office of ASEAN Affairs Assistant…
Read MoreNagbitbit kay PBBM pero walang gustong umanib PARTIDO FEDERAL NILALANGAW
ANIMO’Y sakit na iniiwasan ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) dahil bukod sa hindi gumagalaw ang kanilang bilang sa Kongreso ay hindi rin nadagdagan maging ang kanilang governors. Ang PFP ang partidong nagbitbit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong 2022 elections. Sa kabila nito, tila walang magic ang PFP dahil hindi naglipatan dito ang mga politiko sa ibang partido kahit mga kaalyado ng Pangulo. Taliwas sa kaso ng Lakas-Christian Muslim Democrat (CMD) na muling nadagdagan ang bilang ng kanilang governors matapos manumpa si Albay Governor Edcel Greco Lagman kay Speaker…
Read MorePBBM PUMIYOK: INFLATION ‘DI KAYANG KONTROLIN
AMINADO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang inflation ay “running rampant and out of control.” Gayunman, batid na aniya ng Philippine government ang “main drivers” ng inflation kasunod ng pagsirit sa 8.0% nitong Nobyembre. “We just received the poor news from the Philippine Statistics that November we hit 8%. And we are now trying to identify the areas of the economy that are – that are the main drivers of that inflation. The main drivers of that inflation, unfortunately, are still imported – is still imported inflation,” ayon kay…
Read MorePAGLABAN SA HIV, TB PINATUTUTUKAN NI PBBM
(CHRISTIAN DALE) IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Health (DOH) na gawing prayoridad ang kampanya laban sa human immunodeficiency virus (HIV) at tuberculosis (TB) infections maliban sa COVID-19. Dapat aniyang simulan ng gobyerno ang ‘refocusing” o muling pagtuon ng pansin sa general public health concerns habang tinutugunan ang pandemya. “Let’s start refocusing again on the general public health concerns. Siyempre COVID has not come away. [We] still have to deal with it,” ang sinabi ng Pangulo sa mga opisyal ng DOH sa isang pulong sa Malakanyang. “But…
Read MoreHousing backlog desididong punan PBBM NAMAHAGI NG HOUSE AND LOT
(CHRISTIAN DALE) PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ‘awarding of certificates’ ng house and lot sa mga benepisyaryo ng housing project ng National Housing Authority (NHA) kahapon sa Naic, Cavite. Kaugnay ito ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutugunan nito ang ‘housing gaps’ sa Pilipinas. Tinatayang nasa 30,000 housing units na ang naipamahagi sa buong bansa. “Ito ay isang kongkretong hakbang tungo sa pagkamit ng ating pangarap na mabigyan ng maayos na matitirahan ang ating mga kababayan. Ito ay malinaw na nagpapakita ng inyong dedikasyon sa inyong…
Read More