PBBM TULOY TRABAHO KAHIT HOLIDAY SEASON

TULOY ang trabaho ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahit pa holiday season. Katwiran ni Pangulong Marcos, kailangan na mapabilis ang inisyatiba na naglalayong mapabuti pa ang buhay ng mga Pilipino. “Kahit sumampa na ang Christmas season at yung iba ay medyo vacation mode na, tayo ay patuloy pa rin ang lahat ng ating ginagawa para masigurong walang patid ang pagpapaganda ng kalagayan ng ating mga kababayan,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang weekly vlog. Ipinagmalaki ng Chief Executive ang Kadiwa stalls sa iba’t ibang bahagi ng bansa,…

Read More

Tradisyon sa Palasyo ibinalik PBBM NAMAHAGI NG AGINALDO SA 600 KABATAAN

(CHRISTIAN DALE) MAAGANG nakatanggap ng pamasko ang 600 na mga bata mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakanyang. May temang “Balik Sigla, Bigay Saya,” pinangunahan ni Pangulong Marcos ang nationwide gift-giving activity sa Kalayaan Grounds sa Malacañan Palace. Kasama ng Pangulo ang asawa na si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos. Naging pambungad sa talumpati ng Pangulo ang pagbati niya ng “Merry Christmas” sa mga bata. Ang nasabing event, ani Pangulong Marcos ay isinagawa upang matiyak na ang bawat kabataan ay makararanas ng “yuletide celebration.” “Napakasaya talaga at hindi kumpleto ang…

Read More

ENTREPRENEURSHIP ITINUTULAK NI PBBM SA OFWs

PINALAKAS ng gobyerno ang suporta nito para sa entrepreneurship bilang isa sa paraan upang makalikha ng karagdagang kita ang overseas Filipino workers at kanilang pamilya para suportahan ang kanilang mga pangangailangan. Tinuran ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa isang kalatas ng 2022 Go Negosyo OFW Summit, bagama’t hindi nakadalo ang Pangulo sa event ay patuloy naman ang ginagawa ng pamahalaan sa pag-explore sa entrepreneurship bilang plataporma upang matiyak ang pagbawi ng bansa mula sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic. Sinabi pa nito na ang kontribusyon ng OFWs sa Philippine…

Read More

Teves nanawagan kay PBBM dahil sa biglaang pagtaas ng krimen sa Negros Oriental

Nanawagan kahapon si Negros Oriental Rep. Arnie Teves kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) sa agarang pag-aksyon nito tungkol umano sa biglaang pagtaas ng kasong pagpatay sa kanyang probensya, ang isa dito ay na-involved ang kanyang personal driver. “Ako ay umaapela sa ating Presidente, President BMM, na kung maari ay pakitingnan nyo po ang patuloy na pagtaas ng krimen sa aking probensya, at sa ating National Bureau of Investigation (NBI) na paki imbestigahan po ninyo ang mga kasong ito,” sabi ni Teves. Noong Lunes, bandang 2:30 p.m., tinambangan at…

Read More

KADIWA PROJECT TULOY-TULOY – PBBM

(CHRISTIAN DALE) SINIGURO kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatuloy ang implementasyon ng Kadiwa project kahit tapos na ang Kapaskuhan. Kinilala ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan na mag-alok ng abot-kayang halaga ng produkto sa Filipino consumers. Sa isinagawang Kadiwa ng Pasko caravan sa Quezon City, hangad ni Pangulong Marcos na makipag-tie-ups sa Local Government Units (LGUs) upang matiyak ang tagumpay ng proyekto. “Magtutulungan na ang Office of the President (OP) at ang ating mga LGU para lahat dahan-dahang kumakalat ang dami nito. Kaya’t ‘yan po ang ating dapat…

Read More

PROPOSALS NG US SA EDCA NIREREPASO PA

NIREREPASO pang mabuti ng Malakanyang ang “requests at proposals” ng Estados Unidos kaugnay sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Binanggit ito ng Chief Executive sa isang event sa Quezon City nang tanungin ukol sa nirerepasong Mutual Defense Treaty, isang 70-year-old accord na nag-aatas sa Estados Unidos na idepensa ang Pilipinas mula sa anomang pagsalakay. “Well, the Mutual Defense Treaty is continuously under negotiation and under evolution. I always call it… it’s an evolution because things are changing. The request — there have been many requests and proposals from the Americans,…

Read More

PBBM sa mga Pinoy MAGING LAW-ABIDING AT MAPAGMATYAG

(CHRISTIAN DALE) MAARING maging bayani ang bawat Pilipino sa kani-kanyang pamamaraan at kontribusyon sa lipunan. Sa paggunita sa ika-159 kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio sa Monumento, Caloocan City, nag-alay ng bulaklak si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa kanyang pananalita ay ibinilang niya ang ilang sektor ng lipunan sa hanay ng mga makabagong bayani. Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nitong kayang gawin ng bawat isa na maging pinakamahusay na uri ng kanyang sarili. Winika ng Pangulo na magagawa ito katuwang ang mga makabagong bayani gaya ng mga doktor, nurse,…

Read More

PROSESO NG PAGNENEGOSYO PABIBILISIN NG MARCOS ADMIN

LALAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang executive order (EO) na naglalayong i-promote na gawing magaan at madali ang trabaho at pagnenegosyo sa Pilipinas kabilang ang pagproseso sa simpleng transaksyon na hindi tatagal ng mahigit sa “three working days.” Sa isang pagpupulong sa State Dining Room, ipinanukala ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual ang paglikha ng executive order ukol sa probisyon ng guidelines na magpapabilis sa pagpoproseso ng permit para sa strategic investments sa bansa at ang paglikha ng Green Lane. Binibigyang mandato ng EO ang mga kinauukulang…

Read More

85% Pinoy kumpiyansa PBBM ADMIN ‘ON THE RIGHT TRACK’

WELCOME sa Malakanyang ang resulta ng pinakahuling survey ng OCTA Research kung saan lumabas na mas maraming Pilipino ang naniniwala na nasa tamang direksyon ang Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos. Sa 4th quarter ng 2022 Tugon ng Masa survey, 85% ang sumagot at nagsabi ng Oo; 6% ang nagsabi ng hindi at 9% naman ang hindi raw alam o tumangging sumagot sa tanong na “kung nasa tamang direksyon ba ang Pilipinas base sa mga inilahad at ipinatutupad na programa at polisiya ng kasalukuyang administrasyon.” Sinasabing 91% ng mga Pilipino…

Read More