ESTUDYANTE MAS NATUTUTO SA F2F CLASSES – PRES. MARCOS

MAS malaki ang makukuhang karunungan ng mga estudyante sa loob ng silid-aralan dahil personal silang matuturuan ng mga guro. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbabalik ng face-to-face classes kahapon matapos ang dalawang taong online learning dahil sa COVID-19 pandemic. Kasabay nito, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga guro at mag-aaral na patuloy na i-obserba ang minimum health protocols upang matiyak na mananatili silang malusog habang natututo ng mga bagong bagay. Ito’y sa gitna na rin ng nananatiling banta ng COVID-19 sa bansa. Nauna rito, winelcome ni Pangulong Marcos…

Read More

Bunga ng aksyon ni PBBM kontra hoarding PRESYO NG ASUKAL POSIBLENG BUMABA SA P60/K

MAAARI pang bumagsak sa P60 ang presyo ng kada kilo ng asukal sa mga pamilihan ngayong linggo. Ayon kay Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, ito ay dahil posibleng maimpluwensyahan ng murang asukal sa mga supermarket ang bentahan sa mga palengke. Una nang ibinaba ng ilang malalaking supermarket ang presyo ng kanilang asukal sa P70 kada kilo mula sa kasalukuyang P100 hanggang P115 sa mga pamilihan. Tiwala rin si Panganiban na makatutulong ang ginagawang pagsalakay ng Bureau of Customs sa mga bodega na hinihinalaang sangkot sa hoarding at smuggling…

Read More

FL LIZA SINORPRESA NG DINNER NI PBBM

SINORPRESA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang asawa na si Unang Ginang Maria Louise “Liza” Araneta-Marcos na nagdiwang ng kanyang ika-63 taong kaarawan. Sa kanyang lingguhang BBM vlog na pinost, Lunes ng umaga, ibinahagi ni Pangulong Marcos kung paano ang kanyang pamilya, kaibigan at mga kasama ay nagtulong-tulong para maging matagumpay ang kanyang pa-sorpresang birthday dinner para sa asawa. “To my beloved wife, words have already been said as to how valuable she is as a person and how remarkable she really is. Sometimes it’s really hard to believe that…

Read More

PRESYO NG ASUKAL P70 NA LANG KADA KILO!

MAGANDANG balita para sa lahat! Bababa na ang presyo ng asukal sa mga susunod na araw. Ito’y matapos makipag-usap ni Executive Secretary Victor Rodriguez sa malalaking supermarket owners, tulad ng SM Supermarket, Robinsons Supermarket, at Puregold Supermarket, base na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Nabatid na ang kasalukuyang presyo sa merkado na P90 hanggang P110 per kilo ay ibababa na sa suggested retail price na P70 kada kilo ng asukal. “The President lauded the selfless response from these businessmen who are sacrificing not just their own…

Read More

PBBM, HUANG MULING TINIYAK NA PALALAKASIN ANG UGNAYAN NG PILIPINAS AT CHINA

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mananatili ang commitment nito na mas palakasin pa ang relasyon ng Pilipinas sa China. Ito’y matapos na makipagkita si Pangulong Marcos kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa Malakanyang noong Miyerkoles. “We welcomed the Chinese Ambassador to the Philippines, H.E. Huang Xilian, in a courtesy call yesterday,”ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post sabay sabing “We are very grateful for the visit, and we look forward to further strengthening the relationship between China and the Philippines for the benefit of…

Read More

FOOD SECURITY, ENERGY, HOUSING PLANS TINALAKAY SA CABINET MEETING

TINALAKAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at miyembro ng kanyang gabinete ang panukalang tiyakin ang food security, palakasin ang energy sector, at paghusayin ang housing program ng pamahalaan. Isa-isang nagpresenta ng kanilang plano ang Department of Agriculture (DA), Department of Energy (DOE), at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa idinaos na Cabinet meeting sa Malacañang Palace, nitong Huwebes. “The suggestions are still being fine-tuned,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles. “Hindi pa po kami nagri-release ng mga detalye na ito sapagkat kanina po ay pagkakataon para i-discuss…

Read More

PBBM at sugar industry stakeholders MAY KASUNDUAN NA SA SUGAR IMPORTATION

KINUMPIRMA ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na may nabalangkas nang mga hakbangin si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at mga stakeholders ng sugar industry kaugnay sa isyu ng asukal. Ito ay makarang makipagpulong ang Punong Ehekutibo sa mga stakeholders ng sugar industry kasama si Zubiri upang talakayin ang isyu sa importasyon ng asukal at iba pang usapin ng mga magsasaka sa bansa. Ayon kay Zubiri, naganap ang dalawang oras na pulong sa Malakanyang nitong Miyerkoles ng hapon. Ibinahagi ng Senate Leader na nagpasalamat sila kay Pangulong Marcos sa…

Read More

Kakapusan ng suplay ng asukal tinalakay FOOD MANUFACTURERS PINULONG NI PBBM

(CHRISTIAN DALE) TINALAKAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers, Inc. (PCFMI), ang posibleng solusyon sa kakapusan ng suplay ng asukal sa bansa. “Tayo ay nakipagtalakayan sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers upang masolusyunan ang kakulangan ng asukal sa bansa,” ayon Kay Pangulong Marcos sa kanyang official Facebook page. Wala namang ibinigay na karagdagang detalye sa usaping ito subalit tiniyak ni Pangulong Marcos na gagawin ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito upang pigilan ang pagtaas ng presyo ng asukal…

Read More

PAGPIGIL NI PBBM SA SUGAR IMPORTS BABALA SA IBA PANG SEKTOR

MAGSISILBING babala sa iba pang industry sectors ang pagharang kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang payagan ang importasyon ng asukal sa bansa. Ayon sa isang grupo, ang hakbang ng Pangulo ay nagpapakita na hindi nais ng kasalukuyang administrasyon ang “unusually high volume” ng importasyon. Ang pagharang ng Pangulo sa sugar importation ay nagsilbing mitsa upang mabigyan pa ng oportunidad ang agriculture sector at iba pang domestic producers na humaharap sa hamon ng walang habas na importation ng foreign products. “Like our peers in the sugar sector, we welcome…

Read More