TULUYAN nang pinagtibay ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukala na magpapabilis sa pagbili at administrasyon ng bakuna laban sa COVID-19 para sa mamamayang Pilipino. Sa botong 22 pabor, inaprubahan ng Senado sa hybrid plenary session ang Senate Bill No. 2057 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021. Sinabi Senador Sonny Angara, chairperson ng Committee on Finance at isponsor ng panukala, na mapabibilis nito ang pagbili at administrasyon ng COVID-19 vaccines upang wakasan ang pandemya nang mas maaga at simulan ang pagpapasigla sa pagbangon ng ekonomiya…
Read MoreCategory: COVID-19
KALIGTASAN MAS PAHALAGAHAN KAYSA PAGLULUWAG SA NEGOSYO
DAPAT manaig ang pagtiyak sa kaligtasan ng bawat mamamayang Pilipino mula sa banta ng coronavirus 2019 (COVID-19). Ito ang binigyang-diin ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso bagaman sinusuportahan umano niya ang unti-unting pagbubukas ng mga negosyo upang maibalik sa normal ang paghahanapbuhay ng marami at iba’t ibang economic activities. Giit ni Deputy Speaker for Trade and Industry at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian, sa inaasahang pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines at agarang pagtuturok nito, dapat tandaan ng lahat na hindi pa rin nito ginagarantiyahan na magiging ligtas…
Read MoreSa ‘half-baked’ EUA sa Sinovac PUBLIKO LALONG TINAKOT NG FDA
INILARAWAN ni House minority leader Joseph Stephen “Caraps” Paduano na “half-baked” ang inisyung Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drugs Administration (FDA) sa Sinovac. Bukod dito, lalo lang umanong nagdulot ng pangamba sa publiko ang mga deklarasyon ng FDA kaugnay sa pagiging epektibo ng nasabing bakuna. Ginawa ni Paduano ang pahayag matapos sabihin ni FDA director general Eric Domingo, na bagama’t aprubado na ang EUA ng Sinovac ay hindi ito inirerekomendang gamitin sa medical frontliners at mga senior citizen dahil sa mababang efficacy nito. “This only indicated that the…
Read MoreCOVID-FREE CERTIFICATE PAIIRALIN SA PASAY
NAGLABAS ng resolusyon at mas naghigpit ang mga barangay sa lungsod ng Pasay bilang pag-iingat laban sa COVID-19. Nakasaad sa resolusyon na kinakailangan ng barangay ID o quarantine pass ang mga hindi residente ng lungsod. Kailangan din ng covid-free certificate sa bawat barangay. Naglagay rin ng checkpoint sa mga barangay na may pinaka-aktibong kaso ng COVID-19. Duda ni Punong Barangay Ruth Cortez, nagmumula sa labas ng kanilang komunidad ang virus ng COVID-19 kung kaya’t mas mahigpit ang paiiraling “preventive measures” ng lungsod. (MARINHEL T. BADILLA) 215
Read More24/7 VACCINATION HUBS SA TAGUIG DINAGDAGAN
MAGIGING 42 na ang 24/7 vaccination hubs ng lungsod ng Taguig dahil dalawa pa ang idadagdag ng administrasyon ni Mayor Lino Cayetano. Ang dalawang karagdagan ay nakapuwesto sa Bonifacio Global City (BGC) sa Barangay Fort Bonifacio at malapit sa isang mall sa Barangay Calzada-Tipas. Ang 24-hour vaccination hubs ay siguradong magiging mas convenient sa mamamayan ng lungsod at higit na magiging accessible sa mga residente, paliwanag ni Cayetano. Binanggit ni Cayetano na “our target here is not only speed but safety and efficiency and accessibility. Our 24-hr hubs and our…
Read MoreMETRO MAYORS PUMABOR SA ‘NO VACCINE, NO MGCQ’
NIRERESPETO ng mga mayor sa Metro Manila ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi muna ilagay sa ilalim ng MGCQ ang kabuuan ng Kalakhang Maynila hanggang walang bakuna kontra COVID-19 na available sa bansa. Ito ang tiniyak kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos makaraang ianunsyo ng pangulo sa kanyang lingguhang pulong na ‘No Vaccine No MGCQ’. Tiniyak ni Chairman Abalos na ang mga Metro Manila mayor ay laging nakabase sa anomang desisyon ng pangulo at tutugon nang mabilis at maayos sa kautusan ng Punong Ehekutibo.…
Read MoreDIGONG PABOR MAGPATUROK NG SINOPHARM VACCINE
MAS pipiliin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maturukan ng China-based drugmaker Sinopharm’s COVID-19 vaccine. “He (President Duterte) has said that his preference is for Sinopharm,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na mas pipiliin niya na maturukan ng bakuna mula sa Chinese vaccine manufacturers. Gayunpaman, hindi siya matuturukan ng Sinovac’s COVID-19 vaccine dahil hindi ito inirerekomenda sa mga senior citizen. Ang Food and Drug Administration (FDA), na nagbigay ng emergency use authorization sa Sinovac vaccine ay nagpahayag na ang nasabing bakuna ay maaari…
Read MorePara sa mga makararanas ng negatibong epekto ng covid vaccine P500-B INDEMNITY FUND PINAGTIBAY NG KONGRESO
TULAD ng inaasahan, pinagtibay na ang panukalang batas na magpapabilis sa pagbili ng bakuna kasama na ang paglalaan ng P500 billion para ipagamot at kompensasyon sa mga makararanas ng negatibong epekto ng COVID-19 vaccines. Sa botong 225 pabor, walang tumutol at 6 naman ang hindi bumoto o nag-abstain, tuluyang pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8648 na sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent ay agad itong isasalang sa ikatlo at huling pagbasa. Ang orihinal na layon ng nasabing panukala ay payagan ang mga Local Government Unit…
Read MoreInutang kailan mararamdaman? PINAS BAON NA WALA PANG BAKUNA
(BERNARD TAGUINOD) NABAON na sa utang ang gobyerno dahil sa COVID-19 response subalit hanggang ngayon ay hindi pa nararamdaman ng publiko ang mga inutang na ito ng pamahalaang Duterte. Ito ang pahayag ni House deputy minority leader Carlos Zarate dahil hanggang ngayon ay wala pang aktuwal na bakunang dumating sa bansa kahit napakarami na aniyang inutang ng pamahalaan. “Muli ang ating panawagan sa pamahalaan Duterte. Napakarami na ang inutang ninyo. Dapat mararamdaman na ng mamamayan ang kagyat na tugon para bumalik tayo, makabangon ang ating ekonomiya,” ayon sa mambabatas. Base…
Read More