COVID-19 VACCINATION BILL IPAPASA NG SENADO NGAYONG LINGGO

KUMPIYANSA si Senate Majority Leader Migz Zubiri na maipapasa na nila ngayong araw (Lunes) ang Senate Bill 2057 o ang COVID-19 Vaccination Program upang magkaroon ng kumpiyansa ang mga lokal na pamahalaan at maging ang mga manufacturer sa pagsupply ng bakuna sa bansa. Sinabi ni Zubiri na dahil certified as urgent ang panukala, maaari nilang tapusin ang approval nito hanggang 3rd reading sa loob ng isang araw. “Actually priority po namin yan, by tommorrow (Lunes), first hour ‘yan ang ita-tackle namin at wala na po ako ibang agenda na ilalagay…

Read More

INDEMNIFICATION FUND SA COVID-19 VAX PROGRAM, MAAARING IPA-BID SA MGA INSURANCE COMPANY

IMINUNGKAHI ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na ialok sa mga insurance company ang pagpapasagot sa posibleng pananagutan ng gobyerno sa pagpapabakuna kontra COVID-19. Ipinaliwanag ni Sotto na sa pamamagitan nito ay mababawasan ang gastusin ng gobyerno. Sa panukala sa Senado, maglalaan ang gobyerno ng P500 milyong pondo para sa mga babakunahan na magkakaroon ng adverse effect o malalang side effects. “Ang P500 milyon na nakalagay doon pero pwede tayong magpa-bid sa insurance companies so hindi kailangan ang gobyerno ang sasagot baka mas maliit doon,” diin ni Sotto. “For…

Read More

MANILA LGU NAGBAYAD NG P38.4-M SA COVID VACCINES

IBINIDA ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagpauna na itong magbayad ng P38.4 milyon para sa 800,000 doses ng AstraZeneca anti-COVID vaccines para sa 400,000 indibidwal na tuturukan ng tig-2 doses. “Tiyak na na nakasisiguro na tayo, kasi sa kontrata, maaaring me katiyakan pero ang initial payment ay nakapagbibigay ng kapanatagan ng kalooban para sa mamayang taga-lungsod na me darating nang mga bakuna sa Maynila,” ayon sa alkalde. Sinabi pa nito na inaasahan ang pagdating ng AstraZeneca vaccines sa pagitan ng Abril hanggang Setyembre ngayon taon. “Ibinigay ko…

Read More

3 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA NATOVAS

TATLONG COVID-19 patients ang namatay sa Navotas City noong Pebrero 19 habang lumobo sa 174 ang active cases matapos na 17 ang magpositibo sa swab test at apat lamang ang gumaling. Umabot na sa 5,821 ang nasapol ng pandemya sa lungsod. Sa bilang na ito ay 5,461 na ang gumaling at 186 ang namatay. Isa namang COVID-19 patient ang namatay sa Valenzuela City at umakyat muli sa 190 ang active cases lungsod matapos na 12 ang magpositibo sa nasabi ring petsa. Walang naitalang nakarekober sa naturang araw, ayon sa City…

Read More

BATAS PARA SA COVID 19 VACCINATION PROGRAM, MAGBIBIGAY NG PEACE OF MIND SA LGUs

TINIYAK ni Senador Sonny Angara na mas marami ang kapakinabangang makukuha ang mamamayan sa pagpasa ng panukala kaugnay sa COVID-19 vaccination program at matiyak ang kaligtasan ng publiko. Sinabi ni Angara na siyang sponsor ng Senate Bill 2057 at chairman ng Senate Committee on Finance na saklaw ng panukala ang ilang mga aspeto sa pagpapatupad ng vaccination program mula sa procurement ng bakuna hanggang sa pagbibigay nito sa mamamayan. “Contrary to the perception of some people, this measure is more than just establishing an indemnification fund, but it is also…

Read More

SINDIKATO NG FAKE COVID VAX TUGISIN

HINILING ni Senador Nancy Binay sa Philippine National Police (PNP) na maglunsad ng malawakang pagtugis sa sindikato at grupong kriminal na gumagawa at nagbebenta ng pekeng bakuna sa halip na pagtuunan ang “perceived threats.” Sa pahayag, umapela rin si Binay sa PNP na maging maingat sa kanilang oversight sa pangangalap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa ilegal na pagbabakuna, clandestine vaccination clinics, manufacturing at pagbebenta ng pekeng COVID-19 vaccines. “Instead of spending time questioning innocent individuals, pursuing false leads and chasing phantoms, bakit di na lang habulin yung mga sindikatong nagkakalat…

Read More

NAVOTAS COVID CASES SUMAMPA SA 141

ISANG COVID-19 patient sa Navotas City ang namatay noong Pebrero 17, ang ika-183 binawian ng buhay sa lungsod dahil sa pandemya. Sumampa naman sa 141 ang active COVID cases sa lungsod matapos na anim ang magpositibo sa swab test, habang apat ang gumaling. Umabot na sa 5,779 ang nasapol ng pandemya sa lungsod at 5,455 sa mga ito ang nakarekober na. Kaugnay nito, dalawang polymerase chain reaction (PCR) thermal cyclers ang ipinagkaloob ng Department of Budget and Management, sa pangunguna ni Sec. Wendel Avisado, sa Navotas. Ang mga naturang aparato…

Read More

Solons nababahala sa kawalan ng ideya ni PDu30 MASS VACCINATION ‘DRAWING’ LANG?

(BERNARD TAGUINOD) NAALARMA ang grupo ng mga mambabatas sa Kamara sa kawalan ng ideya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mass Vaccination Plan kaya hindi maiwasang isipin ng mga ito na ‘drawing’ o malabo na mabakunahan ang 70% ng mga Pilipino bago matapos ang taon. “Kaya ba this year? Lumalabas na puro drawing at hangin ang pangakong bakuna,” pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas dahil mistulang clueless umano ang pangulo sa vaccination plan ng gobyerno sa huling pulong ng mga ito sa Malacanang. Hanggang ngayon ay hindi pa dumarating ang…

Read More

PINAS KAKAPUSIN NG COVID VACCINE

HINDI malayong kapusin ang Pilipinas sa suplay ng COVID-19 vaccine sa first at second quarter ng taon dahil karamihan sa western vaccines ay ginagamit ng Europa at United States. Gayunman, kumpiyansa si Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang Pilipinas ay may sapat na suplay ng bakuna ngayong taon para maisakatuparan ang vaccination program. “Sa first quarter, second quarter, magkakahirapan pa rin po tayo dahil kasi ‘yong karamihan ng mga western vaccines ay ginagamit po ng mga tiga Europe at America,” ayon kay Galvez. “Kung titingnan po natin ‘yong…

Read More