PERSONS WITH COMORBIDITIES ‘DI PA TIYAK SA BAKUNA

SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na may pag-uusap pang ginagawa ang Inter-Agency Task Force (IATF) ukol sa kung isasama sa priority list na mabakunahan laban sa covid ang mga tinaguriang may comorbidities gaya ng mga diabetic at may heart condition. Ayon kay Sec. Roque, may kani-kanyang tindig ang mga nasa IATF patungkol sa usapin na hanggang ngayo’y hindi pa napagdedesisyunan at patuloy pa ring pinag- uusapan. Kung siya lamang aniya ang tatanungin ay pabor siyang maisama na sa priority list ang mga may comorbidities ngunit kailangan pa rin pag-usapan…

Read More

BAKUNA SISIGURUHING LIGTAS AT EPEKTIBO

HUMIRIT ang mga eksperto ng tiwala ng publiko para sa Food and Drug Administrarion (FDA) ngayong abot-kamay na ang bakuna kontra COVID-19 para sa mga Pilipino. Ayon kay Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination at Professor Emeritus sa College of Medicine-UP-Manila Dr. Lulu Bravo, maraming mga eksperto sa FDA na nagsasaliksik sa mga bakunang paparating ng Pilipinas. Ito’y para masiguro aniya na ang matatanggap na mga bakuna na ibibigay sa mga Pilipino ay ligtas at epektibo. Giit pa ni Dr. Bravo, daraan ang lahat sa proseso ng FDA para…

Read More

‘DI LAHAT MAKAA-AVAIL NG PFIZER VACCINE

NAG-ABISO ang Malakanyang na hindi kasiguraduhan na sa sandaling makapasok sa bansa sa Hulyo ang bakuna sa covid ng Pfizer ay puwede na itong maging available sa lahat ng gustong magpabakuna ng nabanggit na brand. Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa reaksiyon ng ilang sektor sa kanyang naging pahayag na huwag nang maging pihikan pa sa pagpili ng bakuna. Aniya, bagamat posibleng maging available na ang Pfizer sa July, hindi pa rin lahat ay puwedeng piliin ang naturang brand dahil hindi aniya ito magagamit sa mga probinsiya dulot…

Read More

SOLON KAY GALVEZ: BAKUNA MADALIIN

UMAPELA ang isang senador kay vaccine czar Carlito Galvez na bilisan pa ang proseso ng pagpili ng bakunang gagamitin sa bansa. Ayon kay Senador Christopher Bong Go, dapat makarating na agad sa local government units (LGUs) ang bakuna para makapagbakuna na ng mamamayan bagama’t dapat unahin ang frontliners tulad ng mga doktor, nurse, guro, sundalo at pulis. Sa kabila nito, buo pa rin aniya ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Galvez. Samantala, inamin ni Go na wala itong matukoy na petsa kung kailan talaga darating sa bansa ang mga…

Read More

TAKOT NG PUBLIKO SA COVID VACCINES TUGUNAN – SOLON

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na tugunan ang pangamba ng taumbayan sa bakuna, lalo na’t mahalaga ang magiging papel nito sa pagwawakas ng pandemya at sa ligtas na pagbabalik-eskwela ngayong taon. Reaksyon ito ng mambabatas base sa lumabas sa ilang survey na malaking bahagi ng publiko ang nangangambang magpabakuna laban sa COVID-19. Para sa senador, ang kawalan ng tiwala ng publiko sa bakuna ay maituturing na resulta ng “Dengvaxia damage,” kaya patuloy ang duda at takot ng publiko sa pagbabakuna. Nagbabala si Gatchalian na kung kalahati ng bansa…

Read More

SINOVAC UNANG COVID VACCINE NA ITUTUROK SA PINOY

ANG COVID-19 vaccine na Sinovac mula sa China ang natatanging opsyon para sa pagbabakuna sa mga Pilipino hanggang sa kalagitnaan ng taon. Ang first batch ng Sinovac vaccine ay nakatakdang dumating sa bansa sa Pebrero habang ang doses mula sa Western drug makers ay magiging available pa lamang sa buwan ng Hunyo. “Pagdating po ng bakuna hanggang Hunyo, wala po talagang pilian ‘yan dahil iisa lang po ang bakuna na magiging available. Iyon nga po iyong galing sa Tsina,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Kahapon, pinasaringan ni Sec. Roque…

Read More

1K PH HEALTH WORKERS ISINAILALIM SA SALIVA TEST VS COVID-19

INIHAYAG ni Senador Richard Gordon na nagsagawa ng pilot saliva testing ang Philippine Red Cross sa mahigit 1,000 healthcare workers sa bansa bilang pagtalima sa pangangailangan ng Department of Health upang makuha ang pag-apruba sa bagong testing method. Sa pahayag, sinabi ni Gordon, chairman at CEO ng PRC, na mas mabilis, mas madali at mas mura ang saliva testing bilang alternatibo sa swab test dahil simple at maikli lamang ang proseso. Aniya, nakipagtulungan ang PRC sa 15 ospital ng DOH sa Metro Manila upang maisagawa ang Saliva RT=PCR Test Pilot…

Read More

Covid vaccines parating na PAGBABAKUNA AARANGKADA SA PEBRERO

KINUMPIRMA ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na makapagsisimula na ang gobyerno na magbigay ng bakuna kontra COVID 19 sa susunod na buwan. Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, inihayag ni Galvez na maidedeliber na sa bansa ang bakuna sa unang linggo ng susunod na buwan. Inihayag din ni Galvez sa pagdinig na karamihan sa bakuna na kanilang kukunin ay mula sa US drug maker na Novavax. “Our main volumes will be coming from Novavax with 30 to 40 million doses,” saad ni Galvez. Idinagdag ni Galvez na…

Read More

70% ng Pinoy takot BILYONG PONDO MASASAYANG SA BAKUNA

(BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG simulan na ng Department of Health (DOH) ang malawakang information campaign sa kahalagahan ng bakuna laban sa COVID-19 dahil kung hindi ay masasayang lang ang bilyun-bilyong piso na halaga ng bibilhing bakuna ng gobyerno. Ginawa ni Deputy Speaker Neptali “Boyet” Gonzales II ang nasabing panawagan kay Health Secretary Francisco Duque habang hindi pa dumarating ang mga inoder na COVID-19 vaccines. “While the country is still currently at the phase of waiting for the arrival of the vaccines, now is the right time to launch a massive educational…

Read More