TRAVEL RESTRICTIONS SA 30 BANSA, EXTENDED

EXTENDED ang travel restrictions sa mahigit 30 bansa hanggang Enero 31, 2021 Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na palawigin ng hanggang sa nabanggit na petsa ang entry travel restrictions at rules na naaangkop sa lahat ng byahero na mula o manggagaling mula sa mga bansang: The United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, The People’s Republic of China, kabilang na ang Hong Kong Special Administrative Region, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, United States of…

Read More

27 NADAGDAG SA COVID CASES SA VALENZUELA

NADAGDAGAN ng 27 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City noong Enero 14, habang walo ang nadagdag sa Navotas at apat naman sa Malabon. Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, sa loob ng 24 oras ay tumalon mula sa 128 bandang alas-5:00 ng hapon noong Enero 13 patungo sa bilang na 155 kinabukasan. Umabot na sa 8,812 ang tinamaan ng COVID-19 sa Valenzuela. Sa bilang na ito ay 8,397 na ang gumaling at 260 ang namatay. Sa Navotas naman ay 5,515 na ang nagpositibo sa COVID, sa bilang…

Read More

PFIZER, GAMALEYA VACCINES PARATING

INAASAHANG made-deliver sa Pilipinas sa susunod na buwan ang mga bakunang dinevelop ng Pfizer at Gamaleya Research Institute. Tiniyak ng Malakanyang sa publiko na walang “favoritism’ sa pagbili ng tinaguriang potentially life-saving doses. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang maliit na volume ng bakuna ay magmumula sa Pfizer. Wala namang ibinigay na detalye si Sec. Roque sa bilang o dami ng doses na manggagaling naman mula sa Gamaleya, na nag-develop sa Sputnik V vaccine. Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na tanging ang vaccine doses ng China’s Sinovac ang…

Read More

Solon sa DOH: NEW COVID-19 VARIANT BANTAYAN

PINATITIYAK ng isang senador sa Department of Health (DOH) na nababantayan nito nang husto ang posibleng pagpasok ng panibagong variant ng COVID-19 sa bansa. Giit ni Senador Grace Poe, nagawa na ng lehislatura ang lahat para mapaglaanan ng sapat na pondo na mamagamit sa pagkuha ng serbisyo ng contract tracing, medical equipment at bakuna ngayong taon laban sa COVID-19 virus. “We ensured that there would be budget this year for contact tracing, medical equipment and vaccines. Unlike last year, the DOH should be better prepared to stop the spread of…

Read More

Muling paglobo nagsimula na? 44 NEW COVID CASES SA CAMANAVA

ISA ang patay sa Valenzuela City at isa rin sa Navotas City, habang 44 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing mga lungsod at sa katabing siyudad ng Malabon noong Enero 13. Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), umabot na sa 128 ang active COVID cases sa Valenzuela mula sa 108 noong nakalipas na araw. Umakyat na sa 8,779 ang confirmed cases sa Valenzuela, 8,391 ang gumaling at ang pinakahuling namatay na pasyente ang pang-260 pandemic fatality sa lungsod. Pito naman ang bagong naitalang kaso ng COVID sa…

Read More

IATF SINISI SA NEW COVID VARIANT SA PH *QC naghigpit sa health protocols

HINDI kasi nakikinig ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga ideya ng ibang tao kaya nakapasok sa bansa ang tinatawag na UK COVID-19 variant sa katauhan ng isang negosyanteng Filipino sa Kamuning, Quezon City. “We told you so, but you refused to listen,” ani BHW Party-list Rep. Natasha Co sa IATF, matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na mayroon nang kaso ng UK variant sa Pilipinas. Ayon sa mambabatas, nang magkaroon ng bagong COVID-19 variant sa UK ay agad nilang iminungkahi na ipagbawal mula ang paglabas at pagpasok ng…

Read More

Kahit nakapasok ang new covid variant GCQ PA RIN SA NCR

HINDI pa rin magbabago ang quarantine classification sa iba’t ibang lugar sa bansa lalo na sa Metro Manila. Ito’y sa kabila ng ulat na nakapasok na sa bansa ang bagong variant ng COVID-19. “Hindi pa po magbabago ang ating quarantine classification dahil monthly po na pinagdidesisyunan iyan ng IATF at nakadepende po iyan sa datos ‘no – iyong two week attack rate at saka iyong critical care capacity,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Disyembre ng nakaraang taon ay pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang general community quarantine sa Metro…

Read More

PRIORITY LIST PARA SA BAKUNA, BALANGKASIN NANG MAS MAAGA

HINIMOK ni Senador Joel Villanueva ang Inter-Agency Task Force na simulan na ang pagbalangkas ng listahan ng benepisyaryo para sa COVID-19 vaccination program upang makasigurong hindi magkakaroon ng overlap sa pagbabahagi ng bakuna. Ayon kay Villanueva, chairman ng Senate labor committee, kailangan ng malinaw na targeting ng mga benepisyaryo dahil maaaring maging bahagi ang isang tao sa higit sa dalawang kategorya na itinakda ng IATF sa kanilang priority list. “Dapat po sinisimulan na ang pagbabalangkas ng mga panuntunan ng IATF habang nakikipagpulong pa sila sa mga pharmaceutical firms na nais…

Read More

ISTRIKTONG QUARANTINE DEPENDE SA COVID CASES

NAKASALALAY sa available na data ang desisyon kung magpapatupad ang pamahalaan ng “stricter community quarantine” sa National Capital Region (NCR). Ito’y matapos na magbabala ang grupo ng mga researcher hinggil sa posibilidad na pagsirit ng COVID-19 cases sa NCR sa susunod na ilang linggo. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na susuriin ng pamahalaan ang data sa two-week attack rate at critical care capacity. Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Sec. Roque na ang healthcare system ay matutugunan ang sitwasyon. Sa huling report ng OCTA Research Team, nakasaad na ang bagong…

Read More