TWG SA BAGONG COVID-19 VARIANT ITINATAG NG IATF

NAGTATAG na ng Technical Working Group ang Inter-Agency Task Force (IATF) na tututok sa bagong variant ng COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, magiging trabaho ng TWG na i- monitor at alamin kung may nakapasok nang bagong strain ng covid sa bansa. Aniya pa, ang Technical Working Group din ang lilikha ng policy recommendation sa IATF partikular kung anong magiging tugon ng gobyerno sa bagong variant ng corona virus. Magsisilbi umanong chair ng TWG si DOH Undersecretary Maria Rosario -Vergeire habang co-chair naman si Executive Director Jaime Montoya ng…

Read More

BOCAUE MAYOR AT KONSEHAL, POSITIBO SA COVID-19

NAGPOSITIBO kahapon sa coronavirus disease (COVID-19) ang alkalde at isang konsehal ng munisipyo ng Bocaue, Bulacan. Kapwa kinumpirma nina Mayor Jose Santiago Jr. at Councilor Aldrin Sta. Ana nitong Miyerkoles sa pamamagitan ng kanilang Facebook account ang pagsailalim nila sa swab testing at ang positibong resulta nito. Ang swab test result ay lumabas Martes ng gabi mula sa Joni Villanueva Molecular Laboratory. Nabatid na makaraang mabatid ng alkalde na siya ay may nakasalamuhang nagpositibo sa nasabing virus ay agad siyang sumailalim sa swab test. “I immediately took swab test at…

Read More

74 OVERSEAS TRAVELLERS NAGPOSITIBO SA COVID-19

TINATAYANG may 74 overseas travelers ang nagpositibo sa COVID-19 habang nagpapatupad ang Pilipinas ng restriksyon o paghihigpit para maiwasan ang pagpasok ng bagong coronavirus variant sa bansa. Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon na ang 74 na kaso ay dumating sa bansa sa pagitan ng Disyembre 22, 2020 at Enero 3, 2021. Ang resulta ng pagsusuri ay isinagawa sa 3,610 travelers na bumalik na negatibo. May kabuuang 3,684 arrivals ang naitala sa nasabing panahon. “Mababa naman po siya pero hindi po talaga natin kayang…

Read More

P20K ang bentahan COVID VACCINES KALAT NA SA BLACK MARKET

(BERNARD TAGUINOD) IBINIBENTA sa halagang P20,000 ang Sinopharm vaccines sa black market partikular na sa mga Filipino community sa Binondo, Manila. Ito ang nakarating umanong report kay House committee on dangerous drug chairman Robert Ace Barbers hinggil sa COVID-19 vaccines na ilegal na ipinasok sa bansa. “Reports said the Sinopharm anti-covid vaccines were being sold in the black market for nearly US$400 or about P20,000, particularly to the Filipino-Chinese community in Binondo,” ani Barbers. Ang bentahan ng mga legal na bakuna lalo na ang mga ginagamit ngayon sa iba’t ibang…

Read More

37 nagpositibo PMA NAPASOK NA NG COVID-19

TINIYAK ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na ginagawa nila ang lahat para tuluyang makontrol at hindi na kumalat ang coronavirus sa loob ng akademiya matapos lumabas ang ulat na umaabot na sa 37 ang COVID-19 positive sa loob ng Philippine Military Academy. Inatasan ni AFP chief of Staff Gen Gilbert Gapay si PMA Superintendent Maj. Gen. Ferdinand Cartojano na gawin ang lahat upang matiyak na ligtas at hindi na kumalat pa ang coronavirus sa PMA ground partikular sa hanay ng mga kadete. Ayon kay AFP Spokesman Maj…

Read More

6 BAYAN SA BATANGAS COVID-FREE NA

BATANGAS-Wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa anim na bayan sa lalawigang ito batay sa huling ulat ng Batangas Provincial Health Office noong Linggo, Enero 3, 2021. Ang mga bayan ng Agoncillo, Sta. Teresita, Tingloy, San Nicolas, Taal at Tuy ay wala nang aktibong kaso ng corona virus. Gayunman, sa Batangas City, Tanauan City, Lipa City, San Jose, San Pascual, Bauan, Ibaan, Padre Garcia, Rosario, Balayan, Calaca at Sto. Tomas City ay mataas pa rin ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19. Sa huling datos ng PHO, umabot na sa…

Read More

35K MANILA RESIDENTS NAGPATALA PARA SA FREE COVID VACCINE

SINIMULAN na noong Sabado ang pagpaparehistro sa Maynila para sa libreng bakuna ng COVID-19, na umabot sa 35,491 katao. Ang mga naturang Manilenyo ang makikinabang sa P250 milyon inilaang budget ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19. Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, maaaring makapagparehistro sa https://manilacovid19vaccine.com, ang nagnanais na maka-avail ng libreng bakuna dahil ang rehistrasyon ay binuksan mula pa noong Disyembre 31, 2020. Nabatid sa alkalde, ang lokal na pamahalaan ng lungsod ay lumagda sa isang kasunduan sa Pfizer at…

Read More

COVID-19 VACCINE MANUFACTURERS NAGBABANATAN NA

SILA-SILA nagsisiraan. Ganito ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque dahil mainit na aniya gayon ang bakbakan ng mga pharmaceutical company na gumagawa ng bakuna laban sa COVID-19. Sa katunayan ani Sec. Roque, sila mismong mga producer ng covid vaccine ang nagsisiraan dahil sa laki ng demand nito sa pandaigdigang merkado. Hindi lamang aniya ang bakuna na nililikha ng China ang nakatitikim ngayon ng paninira kundi maging ang western countries na producer ng COVID-19 vaccine ay nagsisiraan na rin. Kaya ang panawagan ni Sec. Roque sa publiko, ay huwag agad…

Read More

EDUKASYON MAS CHALLENGING SA 2021

NANINIWALA si Senador Sherwin Gatchalian na mas magiging ‘challenging’ sa mga estudyante at guro ang 2021 lalo na sa gitna ng pinangangambahang bagong strain ng COVID-19. Sinabi ni Gatchalian na sa gitna ng halos isang taon nang pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19, marami pang dapat matutunan. Ito naman ang dahilan din ng kanyang pagpabor sa pag-atras ni Pangulong Rodrigo Duterte sa una nang inaprubahang face-to-face classes sa low-risk areas ngayong Enero, 2021. “After battling with the corona virus for almost a year, there are a lot of things that we…

Read More