HINDI REHISTRADONG COVID VACCINE, DONASYON – MALAKANYANG

HINIKAYAT ng Malakanyang ang publiko na huwag mag-isip ng masama sa hindi rehistradong COVID-19 vaccine na itinurok sa ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG). Ang katuwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, donasyon lamang ito at walang pondo na ginamit para ibili nito. Tikom naman ang bibig ni Sec. Roque sa detalye hinggil sa pagkakaturok ng bakuna sa mga miyembro ng PSG na nauna nang isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. “Wala pong bayad ang pagturok sa PSG. Huwag nating masamain dahil para ito sa ikabubuti ng kalusugan ng presidente,”…

Read More

LOCKDOWN MULI, POSIBLE

MAPIPILITAN ang pamahalaan na ilagay muli ang Pilipinas sa ilalim ng lockdown sakali’t mkapasok at kumalat sa bansa ang natukoy na bagong coronavirus strain mula sa United Kingdom. “Actually iyong lockdown is a possibility. I said we are making some projections. But if the severity in numbers would demand that we take corrective measures immediately then we’ll just have to go back to lockdown,” ayon kay Pangulong Duterte. Gayunman, nilinaw ni Pangulong Duterte na ang muling pagsasailalim sa bansa sa lockdown ay depende sa malalang bilang ng posibleng magkaroon ng…

Read More

Sa importasyon ng covid vaccines SUPER GREEN LANE HIRIT SA BOC

INATASAN ng mababang kapulungan ng Kongreso ang Bureau of Customs (BOC) na bigyan ng special lane o “super green lane” ang importasyon ng COVID-19 vaccines upang mabilis itong makalabas dahil napakahalaga nito ngayon sa taumbayan at maging sa ekonomiya ng bansa. Ginawa ni House ways and means chairman Joey Salceda ang nasabing kautusan para mabigyan ng top priority ang clearance processing ng mga aangkating bakuna kasama na ang iba pang medial supply na kailangan sa immunization tulad ng heringgilya. “We need all the vaccines we can get, and if the…

Read More

PAG-URONG NI DUTERTE SA PILOT FACE-TO-FACE CLASSES SINUPORTAHAN

SANG-AYON si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag munang ituloy ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa bansa sa Enero 2021. Nauna rito, nitong Sabado, Disyembre 26, ay inatasan ni Pang. Duterte ang mga educational institution na huwag munang magsagawa ng face-to-face classes sa susunod na buwan dahil nananatili pa rin ang banta ng pandemya, at ngayong may sumulpot na bagong strain ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ikinatuwa naman ni Go ang direktiba ng pangulo dahil matagal na rin siyang nagpahayag ng kanyang reserbasyon laban…

Read More

$325-M PAMBILI NG BAKUNA, IPAUUTANG NG ADB SA PINAS

HANDANG pautangin ng Asian Development (ADB) ng 325 milyong dolyar ang Pilipinas upang magkaroon ito ng perang ipambibili ng milyun-milyong bakunang panlaban sa COVID-19. Ayon sa kay ADB country director Kelly Bird: “The Philippines can access between $400- (million) and $500-million lending for vaccine procurement. At the moment, the government has requested approximately $325 million from the first component of the facility – that’s the vetted response component. And that’s dedicated for financing the procurement of vaccines”. Pananaw ito ng ADB sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na mangutang sa…

Read More

NTF kinalampag ng solon MAGHANDA SA BAGONG COVID STRAIN

INUSISA ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ang paghahanda ng National Task Force (NTF) on COVID-19 para hindi makapasok sa Pilipinas ang bagong strain ng SARS-CoV-2 virus na nadiskubre sa United Kingdom (UK) na naging dahilan ng pagsasara at patuloy pang pagsasara ng mga border ng iba’t ibang bansa sa mga bumibiyahe mula roon. Ayon sa senador, ang bagong strain na tinawag ng mga dalubhasa na B.1.1.7, ay may mahigit 20 mutations mula sa kasalukuyang strain ng virus at pinaniniwalaang mas nakahahawa, at mas mabilis kumalat sa mas mataas na…

Read More

Dedikasyon kinikilala sa mundo – Rep. Defensor FILIPINO NURSES WALANG TAKOT SA COVID-19

(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG walang takot sa deadly virus kung magtrabaho ang mga Pinoy nurse sa ibang bansa kahit pa malagay sa panganib ang kanilang buhay. Para kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, ang works ethics at dedikasyon ng mga Filipino nurse sa abroad ang naglalagay sa kanilang sarili sa panganib sa COVID-19 dahil mas maraming oras ang ginugugol ng mga ito sa mga pinapasukang ospital kahit walang pandemya. “Filipino nurses in America, for instance, won’t hesitate to perform additional work on weekends and holidays, or to work the graveyard shift,…

Read More

Ayudang P165.5-B sa Bayanihan 2 wa epek MSMEs BANGKAROTE PA RIN

UMABOT na sa P105.8 bilyon ang nailabas mula sa P165.5 bilyong pondong nakalaan sa ikalawang batas hinggil sa Bayanihan, ngunit mistulang bangkarote pa rin ang kalagayan ng maliliit na negosyante at mga manggagawa. Nakasaad sa website ng Department of Budget and Management (DBM) na P105.8 bilyon na ang naipamahagi mula sa P165.5 bilyon ng Bayanihan to Recover as One Act. Layunin ng pondo ay ayuda sa mga negosyanteng nakapaloob sa hanay ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), milyun-milyong manggagawa, pinakamahirap na mga pamilya at gastusin ng iba’t ibang ahensya…

Read More

Publiko pinakalma ni Lorenzana BALIK-MECQ SA METRO MANILA, FAKE NEWS

MARIING pinabulaanan kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kumakalat na balitang muling isasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila. “I would like to inform the public that the current situation in Metro Manila is stable and manageable and does not warrant a shift back to MECQ,” ayon kay DND Secretary Delfin Lorenzana. Nilinaw rin ng kalihim na walang katotohan na nanggaling sa PNP ang memo na kumakalat sa social media na nagsasabing ibabalik sa mas mahigpit na community quarantine ang National Capital Region. Pero sinabi ng…

Read More