Kapag sumipa ang COVID-19 LOCALIZED LOCKDOWN NAKAUMANG SA MAYNILA

KUNG madaragdagan ang active cases ng COVID-19, hindi magdadalawang-isip na magpatupad ng mas istriktong localized lockdowns sa lungsod si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Ayon sa alkalde, sakaling magpatuloy ang nakikita nilang pagtaas ng mga kaso ng nasabing sakit ay hindi siya mangingiming mag-lockdown ng distrito o area upang makontrol ito. “Kung sakaling magtuloy iyong nakikita natin ngayon, hindi ako mangingimeng mag-lockdown in a concerned district or area kasi we continue to do self-prevalence or self-surveillance,” pahayag ng alkalde. Magiging naka-aalarma ang mga kaso ng COVID-19 sa Maynila kung…

Read More

2 NADAGDAG SA NAVOTAS COVID DEATHS

DALAWA sa tatlong nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa Navotas City ang namatay noong Disyembre 14, habang anim naman ang naitalang gumaling. Kaugnay nito, sinabi ni Mayor Toby Tiangco, nagbabala ang mga eskperto sa bansa na maaaring mangyari sa atin ang nangyari sa Canada kung hindi mag-iingat at babalewalain ng mamamayan ang minimum safety protocols na ipinatutupad. “Sa Canada, matapos ang selebrasyon ng Thanksgiving, nadoble ang bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19. Sa ngayon ay nalagpasan na ng nasabing bansa ang kabuuang bilang ng mga kaso sa Pilipinas…

Read More

EXPERTS: COVID CASES SISIPA SA ENERO

BINALAAN ng mga eksperto ang publiko upang manatiling maingat dahil posibleng sumipa ang kaso ng COVID-19 matapos ang kapaskuhan. Base sa pagtaya ng University of the Philippines OCTA Research Group posibleng pumalo na sa kalahating milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa pagdating ng katapusan ng taon. Ito ay dahil inaasahan na ang pagdami ng kaso ngayong holiday season. Ayon kay OCTA Research team Dr. Guido David, batay sa kanilang trajectory, posibleng umabot sa 475,000 hanggang 500,000 ang COVID-19 cases sa katapusan ng Disyembre. Hindi aniya maiiwasan ang mga selebrasyon,…

Read More

PUBLIKO BINALAAN SA PAGSIPA NG COVID CASES

PATULOY na mag-ingat at sumunod sa minimum health standards. Ito ang paalala sa publiko ng isang senador ngayong ipagdiriwang ang Kapaskuhan upang hindi ipagwalang-bahala ang pagkalat ng COVID-19 virus sa sarili at sa mga mahal sa buhay. Sinabi ni Senador Christopher Bong Go, chairman ng Senate Committee on Health, na dapat pa ring mag-ingat ang lahat upang maiwasan ang pagkalat ng virus. “Ngayong Pasko, mag-ingat tayo. Huwag muna magkumpyansa, ‘wag muna mag-party. Lampasan natin ang pandemya para makapag-celebrate tayo nang maayos sa susunod na taon,” aniya. Ipinaliwanag ni Go na…

Read More

Sa pagpasok ng Disyembre COVID-19 SUMIPA SA QUEZON CITY

KINUMPIRMA ni Dr. Rolly dela Cruz, hepe ng Epidemiology and Surveillance Disease Department, na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Quezon City nitong pagpasok ng Disyembre 2020. Sa cellphone interview kay Dr. Dela Cruz, sinabi niyang pangunahing dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ang paglabas ng mga tao ngayong pagpasok ng Disyembre. Ayon kay Dr. Dela Cruz, hanggang Disyembre 10, nakapagtala ang Quezon City ng active cases sa bilang na 886, habang 741 ang namatay, at 24,543 ang nakarekober, na katumbas ng 94%. Nakapagtala naman ng 26,170…

Read More

Posibleng sumipa matapos ang kapaskuhan – Imee GOBYERNO PINAGHAHANDA SA PAGLOBO NG COVID CASES

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa pamahalaan na paghandaan ang posibleng paglobo ng mga kaso ng COVID-19 pagkatapos ng Pasko. Ito’y kahit pa nananatili ang mga community quarantine, may karaoke ban at kinokonsiderang gagamitan ng yantok ang pagpapatupad ng health protocols. Sinabi ni Marcos na ang malapyesta kasing espiritu ng pagdiriwang ng Pasko at “quarantine fatigue” ay posibleng magdulot ng mas mataas pang kaso ng impeksyon na kapansin-pansing nanatiling mataas nuong katapusan nitong Nobyembre partikular sa Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Bacolod City,  Tacloban City, Iligan City at Lanao del…

Read More

Target ng uutanging P72-B – solons ELEKSYON HINDI BAKUNA?

(BERNARD TAGUINOD) DUDA ang mga militanteng mambabatas na ibubuhos sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 ang uutangin ng pamahalaan na P72 bilyon. Nabatid na nangangamba ang mga nasabing mambabatas na posibleng gamitin lang ng gobyerno ang nasabing pondo sa susunod na eleksyon. Sa virtual press conference ng Makabayan bloc, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, dahil lumpsum ang P72.5 billion ay nangangahulugan ito na walang direktang pagkukunan ng pondo kaya ang ending aniya nito ay uutang ang gobyerno para mapondohan ang COVID-19 vaccines. “Almost the entire P72.5…

Read More

P72.5-B BUDGET SA COVID VACCINE SAPAT NA

KUMBINSIDO  ang Malakanyang na sapat na ang 72.5 billion pesos na inilalaan ng gobyerno para ipambili ng bakuna kontra COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ito ay nakalaan para sa 60 milyong Pilipino na isasaprayoridad na maibigay sa mahihirap. Aniya, kakayanin na ng mahigit sa P72 bilyong budget na inilaan ng Kongreso para maitawid ang pagbili ng bakuna. Batay sa bersiyon ng Senado, nasa 83 billion pesos ang isinulong nitong halaga para sa pag-angkat ng covid vaccine. At kung sakali namang kulangin ay mayroon namang mapagkukunan galing sa uutangin…

Read More

COMPANY COMPLIANCE LABAN SA COVID-19, NAITALA SA 92%

HINDI itinanggi ni Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez na nung unang ipatupad ang guidelines kontra COVID-19 ay marami sa mga kumpanya ang non-compliant sa mga ipinatutupad na labor Standards ng DOLE. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Benavidez na noong pasimulan nila ang pag-iinspeksyon ay medyo mababa na talaga ang bilang ng mga kumpanyang sumusunod sa kanilang inilabas na mga direktiba. Ngunit, habang tumatagal aniya ang kanilang pag-iikot ay nakita nilang tumataas na ang compliance rate na sumipa sa 92%. Sinabi pa ni Benavidez na lumalabas sa kanilang datos, na…

Read More