MAKARAAN ang mahigit isang buwan, naglabas nang muli ng COVID-19 update ang Information Office ng pamahalaang lungsod ng Caloocan, at nakasaad sa ulat na 11,564 na ang positive cases at 309 na ang namatay. Nakasaad sa ulat na may petsang Nobyembre 4, na 10,990 ang bilang ng mga nakarekober sa pandemya sa lungsod. Bago ito, Oktubre 1 pa huling naglabas ng update sa pandemya ang Caloocan. Sa nasabing petsa ay 8,998 pa lamang ang positive cases sa lungsod, 8,146 ang nakarekober at 250 pa lamang ang namatay. Samantala, sa lungsod…
Read MoreCategory: COVID-19
MALABON KASAMA SA COVID-19 HIGH RISK AREAS
KABILANG ang lungsod ng Malabon sa siyam na lugar na COVID-19 high-risk areas dahil sa mataas na kaso kada araw at attack rates, ayon sa lumabas na resulta ng pag-aaral kaugnay sa nasabing sakit. Ayon sa ulat ng Octa Research Team na may petsang Nobyembre 2, kada araw ay 29 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Malabon mula Oktubre 25 hanggang 31 at may 6.6 % attack rate o bagong kaso kada 1,000 populasyon. Ayon naman sa Malabon City Health Department, siyam ang nadagdag na confirmed cases noong Nobyembre 4…
Read MoreINFORMATION LITERACY SAGOT SA COVID-19 ‘INFODEMIC’
HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang mga pribado at pampublikong paaralan na paigtingin ang kanilang mga programa laban sa pagkalat ng mga maling impormasyon o minsinformation, lalo na ang mga bagay na may kinalaman sa COVID-19. Aniya, ang mahigit 25 milyong mag-aaral sa bansa ay mataas ang exposure sa iba’t ibang anyo ng media dahil sa distance learning. Babala pa ni Gatchalian, mas nanganganib ang mga estudyante na makatanggap ng mga maling impormasyon na maaaring magdulot ng kalituhan. Sabi ng mambabatas dahil ang media and information literacy ay saklaw ng…
Read MoreMALABON COVID DEATHS PUMALO NA SA 211
BINAWIAN ng buhay ang isang pasyente mula sa Barangay Baritan nitong Oktubre 30, nabatid mula sa Malabon City Health Department kaya’t sumampa na sa 211 ang COVID-19 death toll ng lungsod. Samantala, 18 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 5,589 na ang positive cases, 142 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Baritan (1), Concepcion (2), Dampalit (1), Flores (2), Longos (2), Maysilo (1), Niugan (1), Panghulo (2), Tinajeros (3) at Tonsuya (3). Nabawasan ng tatlo ang datos ng mga kumpirmadong kaso…
Read MoreMAYOR NG LIAN, BATANGAS PUMANAW SA COVID-19
PUMANAW ang alkalde ng Lian, Batangas matapos makipaglaban sa COVID-19. Kinumpirma sa Facebook page ng Municipality of Lian, Batangas na sumakabilangbuhay noong Sabado ng gabi si Mayor Isagani Bolompo habang nakaratay sa Lung Center, Quezon City. Ayon sa impormasyon, si Balopo na isa ring doktor, ay unang isinugod noong October 17 sa Western Medical Center sa bayan ng Balayan nang makaranas ito ng sintomas ng COVID-19. Matapos sumailalim sa swab test, nagpositibo ito kaya agad ding inilipat sa Lung Center. Dakong alas-10:30, Sabado ng gabi nang ihayag ng kanyang doctor…
Read More5 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA VALENZUELA
LIMA ang namatay na COVID-19 patients sa Valenzuela City sa loob ng isang araw, nabatid mula sa City Epidemiology and Surveillance Unit. Mula sa bilang na 232 dakong alas-8:00 ng gabi noong Oktubre 22, umakyat na sa 237 ang pandemic death toll sa lungsod sa parehong oras kinabukasan. Umakyat din ang confirmed cases mula 7,631 patungong 7,653 at ang bilang ng mga gumaling mula 7,230 ay umakyat na sa 7,245. Nadagdagan din ng dalawa at naging 171 ang dating 169 active COVID cases sa siyudad. Samantala, isang pasyente ang binawian…
Read More2 DOKTOR SA GENSAN, 2 ANAK POSITIBO SA COVID
GEN. SANTOS CITY – Isang mag-asawang doktor at dalawang anak ng mga ito ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod na ito, iniulat nitong Sabado. Ayon sa ‘profiling’ ng City Inter-agency Task Force on COVID-19, ang mga positibo ay isang babaeng doktor na naka-destino sa rural health unit, at mister nito na isang medico legal officer ng isang law enforcement agency. Habang naging positibo rin ang 7-anyos na lalaki at 6-anyos na babae na mga anak ng mag-asawa nang ma-exposed sa kanilang mga magulang. Kasalukuyang umabot na sa 665…
Read MoreMAYOR SA DAVAO DEL NORTE, NA-COVID
DAVAO DEL NORTE – Maging ang alkalde sa bayan ng Sto. Tomas nitong lalawigan ay hindi nakaiwas sa sakit na coronavirus disease (COVID-19). Mismong si Mayor Ernesto Evangelista ang nagkumpirma sa pamamagitan ng Facebook page ng nasabing bayan, na positibo ito sa COVID-19 matapos lumabas ang resulta ng test sa kanya ng Davao Regional Medical Center noong Huwebes ng hapon, Oktubre 22. Si Evangelista ang pinakaunang alkalde ng probinsiya na dinapuan ng nasabing sakit matapos ma-expose sa isang COVID-19 positive na indibidwal noong Oktubre 14. Inilarawan na symptomatic ang mayor…
Read More635 HEALTH WORKERS SA DAVAO REGION TINAMAAN NG COVID-19
DAVAO City – Aabot na sa 635 ang health care workers (HCWs) sa buong Davao Region, ang dinapuan ng COVID-19 simula nang tumama ang pandemya noong Marso. Sa inilabas na datos ng Department of Health-Davao Region (DOH-Davao) nitong Biyernes, hanggang Oktubre 19, umabot na sa 635 ang infected HCWs, 496 ang naka-recover at nasa 135 ang patuloy na nagpapagaling. Habang nakapagtala ng apat na HCWs na namatay sa nasabing sakit. Ayon sa kagawaran, halos mga nurses ang dinapuan ng COVID-19, sa 164 kaso at dalawa sa kanila ang namatay. Sinundan…
Read More