P2.5-B PONDO SA COVID VACCINE DADAGDAGAN

PUMAYAG ang ilang senador na itaas ang P2.5 bilyong pondo sa pagbili, pag-iimbak at distribusyon ng bakuna laban sa corona virus 2019 (COVID-19) sa ilalim ng panukalang P4.5 trilyong national budget para sa 2021, ayon kay Senate Presidente Vicente Sotto III. Sa pahayag, sinabi ni Sotto na hindi pa sigurado kung magkano ang idadagdag sa pondo upang mapabakunahan ang 50% hanggang 60% ng populasyon. “Yes, but I am not sure of the amount, ayon kay Sotto sa text message sa reporters nitong Linggo. Nakatakda sa 2021 budget ng Department of…

Read More

Impluwensya ng ASEAN kailangan GLOBAL PRICE CEILING SA COVID VACCINE IGINIIT

HINIKAYAT ni Senador Imee Marcos ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na gamitin ang impluwensya nito para masimulan ang bagong paraan sa pagnenegosyo ukol sa paggawa, pag-patent, pagpresyo at pamamahagi ng mga bakuna kontra sa COVID-19. Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, na ang mga hindi developed na bansa ay nananatiling nakaabang na lang sa presyong dikta ng mga pharmaceutical company na humahawak ng patent ng mga bakuna. Ayon kay Marcos, nagawa ng ASEAN na patibayin ang impluwensya nito bilang ‘trade bloc’ o pwersa sa…

Read More

COVID-19 cases sumirit DAVAO CITY BALIK-GCQ

SIMULA nitong Biyernes, Nobyembre 20, balik sa general community quarantine (GCQ) ang Davao City hanggang Nobyembre 30, bunsod ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang One Hospital Command Center ay itatatag sa lungsod para matiyak ang mahusay na referral system. Ang mga pribadong ospital ay binigyan ng mandato na dagdagan ang kanilang ward bed occupancy ng 20% hanggang 30%. “Further, efforts will be made to address the shortage of nurses in health facilities and to provide additional high-oxygen cannula, favipiravir (Avigan), remdesivir, medical…

Read More

POSITIBO SA COVID SA REGION 12, 3K NA

NORTH COTABATO – Mahigit sa tatlong libo na ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong Region 12. Ito ay makaraang maitala ng Department of Health ang 57 bagong pasyente sa COVID-19 tracker. Dahil dito, mayroon nang 3,068 confirmed cases ang Soccsksargen. May 48 pasyente naman ang gumaling at nakauwi na sa kanilang mga tahanan mula sa isolation centers. Kaya hanggang noong Biyernes ng gabi, ang total number ng recovered patients ay umabot na sa 2,285. Dalawa naman ang iniulat na binawian ng buhay. Kabilang sa dalawa ang isang 64 -anyos na…

Read More

MGA ASO, COVID CONTACT TRACERS SA ANTIPOLO

HINDI na lang bantay sa bahay, kungdi bantay na rin laban sa sakit na COVID-19 ang mga aso. Ginagamit ng Lokal na Pamahalaan ng Antipolo City ang mga aso na dumaan sa buwan-buwang pagsasanay, para maka-amoy ng mga taong may COVID-19. Makatutulong ng mga nurse at doktor ang mga aso o K9 units dahil trained silang malaman kung positibo ang isang tao sa COVID-19 sa pamamagitan ng kanilang pang-amoy. Target ng LGU na bago pa man sumalang sa mismong antibody o RT-PCR swab test ang nagtutungo sa mega testing facility,…

Read More

5 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA CALOOCAN

LIMA pa ang nadagdag sa COVID casualties sa Caloocan City noong Nobyembre 5 kaya umabot na sa 314 ang bilang ng mga namatay sa pandemya sa lungsod. Lumobo rin mula 11,564 noong nakalipas na araw patungong 11,619 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID sa siyudad, habang 11,075 na ang gumaling mula sa dating 10,990. Samantala, isa naman ang namatay sa Navotas City dahil sa pandemya sa nasabi ring petsa at 149 na ang pandemic fatalities ng lungsod. Tatlo naman ang gumaling at dalawa ang nadagdag sa active cases na…

Read More

COVID-19 VACCINATION POSIBLE SA MAY, 2021

POSIBLENG mapasimulan na umano ang paglulunsad ng COVID-19 vaccination sa susunod na taon, ayon sa National Task Force Against COVID-19. Ayon kay NTF COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. ng OPAP, kung masusunod ang timeline at walang magiging sagabal sa programa, ang pinakamaagang petsa na mapasisimulan ang inoculation ng COVID-19 vaccines sa publiko ay sa buwan ng Mayo sa susunod na taon. Subalit dahil maraming proseso pa ang kailangang plantsahin bukod sa maaring maging sagabal sa procurement, delivery at storage ay posibleng maisakatuparan ang pagbabakuna bago magtapos ang susunod…

Read More

P20-M SHABU NASABAT SA TAGUIG

ARESTADO ang 12 katao, kabilang ang dalawang menor de edad, makaraang makumpiskahan ng P20.4 milyong halaga ng umano’y shabu sa Taguig City noong Miyerkoles. Kinilala nina Taguig City Police Station chief, P/Col. Celso M. Rodriguez at Southern Police District Director, P/BGen. Emmanuel B. Peralta, ang mga suspek na sina Patrick Ace Tiñga, high school undergraduate; Tom Jovy Cruz, negosyante; alyas Charles, menor de edad at Grade 9 student; Juan, menor de edad at Grade 8 student sa R. PAPA National High School; Elmer Bautista, seaman; Winston Ray Lopez, student aircraft…

Read More

INMATE SA MPD-STATION 3, PATAY SA COVID?

HINIHINALANG sanhi ng coronavirus disease ang ikinamatay ng isang inmate sa selda ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3 makaraang mahirapang huminga noong Miyerkoles ng gabi. Tinatayang nasa 45-anyos ang hindi pinangalanang biktima na ayon kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng MPD- Homicide Section, bandang alas-7:00 ng gabi nang dumaing ito ng hirap sa paghinga. Agad naman itong isinugod sa pinakamalapit na pagamutan subalit hindi na umabot nang buhay. Batay sa rekord ng pulisya, ang detainee ay may kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearm and Ammunition, New Anti-Carnapping…

Read More