MALABON COVID DEATH TOLL: 206

UMAKYAT na sa 206 ang COVID-19 casualties ng Malabon City matapos na isa na namang pasyente ang binawian ng buhay noong Oktubre 22. Ayon sa City Health Department, ang pinakabagong fatality ay buhat sa Barangay Potrero. Pito naman ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 5,406 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod, 190 dito ang active cases. Ang mga bagong nagkasakit ay mula sa Barangay Dampalit (1), Longos (2), Potrero (2) at Tonsuya (2). Sa kabilang banda, anim naman ang mga pasyenteng gumaling mula sa Barangay…

Read More

13 PRESONG RAPID TEST POSITIVE, PUMUGA SA CALOOCAN JAIL

TINUTUGIS ng mga pulis ang 13 positibo sa COVID-19 rapid antibody tests, na pumuga mula sa Caloocan City Hall Custodial Facility Unit nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad sina Martin Mama y Kaber, 46; Gerrymar Petilla y Bajar, 21; Hudson Jeng y Reyes, 42; Aldwin Jhoe Espila y Cruz, 25; Reymark Delos Reyes y Balaga, 27; Norbert Alvarez y Bogarin, 35; Mark Oliver Gamutia y Balarma, 21; Jovel Toledo Jr. y Cabrera, 27; Arnel Buccat y Salangsang, 19; Raymond Balasa y Fernandez, 35; Reynaldo Bantiling y…

Read More

2 PA PATAY SA COVID SA MALABON

PATAY ang dalawang COVID-19 patients sa lungsod ng Malabon at 71 ang nadagdag na bagong kaso noong Miyerkoles, Oktrubre 21. Ayon sa City Health Department, nagkaroon ng tig-isang namatay na pasyente ang mga barangay ng Maysilo at Santulan, ang pang-204 at 205 na pandemic fatalities ng lungsod. Samantala 5,400 na ang nagpositibo sa COVID sa lungsod, 191 dito ang active cases. Ang mga bagong nasapol ng COVID ay naitala sa Barangay Acacia (1), Baritan (2), Bayan-bayanan (1), Catmon (5), Hulong Duhat (1), Longos (10), Maysilo (1), Panghulo (2), Potrero (18),…

Read More

4 NAVOTAS BARANGAYS, COVID FREE NA

SA kabila ng pagkamatay ng tig-isang COVID-19 patient, 179 ang gumaling mula sa nasabing nakamamatay na sakit sa Valenzuela City, habang wala nang naitalang active COVID case sa apat na barangay sa Navotas City, noong Oktubre 21. Umabot na sa 7,186 ang recovered patients sa Valenzuela City mula sa 7,007 noong nagdaang araw. Bukod dito, 177 na lamang ang active COVID cases mula sa 337 o kabawasan ng 160, subalit nadagdagan ng isa ang mga namatay sa pandemya na umabot na ng 232. Sumipa naman sa 7,595 ang COVID positive…

Read More

Deadlock ng PhilHealth at Red Cross MAAARING MAGPATAAS SA COVID CASES

MAAARING dumami ang kaso ng COVID-19 dahil sa “deadlock” sa pagitan ng PhilHealth at Philippine Red Cross (PRC), ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco. “The issue has severely affected our testing capacity. With limited testing, our COVID cases could shoot up and we could lose all the gains we have achieved so far,” sentimyento ni Tiangco. Nabatid na huminto ang PRC testing sa Navotas noong Oktubre 14. Isang linggo bago ito, ang pang-araw-araw na average testing capacity ay 162 at bumaba ito ng 51% sa 84 ngayong linggo, patuloy…

Read More

MALAKANYANG UMAASANG MAY COVID VACCINE NA SA ENERO

NANANALIG ang Malakanyang na pagpasok pa lamang ng buwan ng Enero sa susunod na taon ay mayroon nang maaprubahang COVID-19 vaccine ang Food and Drug Administration sa ibang bansa makaraan ang third at final clinical trial. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naunang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi na siya makapaghihintay pa ng hanggang April 2021 bago makakuha ang bansa ng bakuna. Ito aniya ang dahilan kung bakit minamadali na nila ang pagrepaso sa timeline alinsunod sa nais ni Pangulong Duterte…

Read More

STORAGE NG COVID-19 VACCINES HAMON SA GOV’T

PARA sa Malakanyang, isang malaki at matinding hamon ang importasyon at storage set-up para sa COVID-19 vaccine. Ito’y sa kabila na may pondo na ang pamahalaan para pambili ng bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang “potential coronavirus vaccine” ay kailangan na nakatago sa malamig na storage facility, kung saan “they would be frozen at around -90 degrees Celsius.” Ang Pilipinas, ayon kay Sec. Roque ay may nag-iisang pasilidad sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa. Dahil dito, kailangan na magtayo ang pamahalaan ng…

Read More

POLICE COMMANDERS DAPAT KABISADO ANG TRAVEL PROTOCOLS – JTF COVID SHIELD

ITO ang dahilan kaya inatasan ng Joint Task Force COVID Shield ang lahat ng police commanders sa buong bansa na alamin at kabisaduhin ang travel protocols sa kanilang mga nasasakupang lugar. Nabatid na matapos makipag-koordinasyon ang JTF COVID Shield kina Secretary of the Interior and Local Government Eduardo Año at Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Pancratius Cascolan, ipinag-utos sa lahat ng police commanders na makipag-ugnayan sa kanilang mga respective Local Government Unit (LGUs), lalo na sa mga lalawigan at Highly-Urbanized Cities (HUCs), para madetermina kung kailangan pa bang…

Read More

BI EMPLOYEES BIBIGYAN NG LIBRENG COVID TEST

INANUNSYO ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na magbibigay sila ng free COVID-19 RT-PCR tests para sa mga empleyado nagkaroon ng mga sintomas ng COVID-19. “Being frontliners, BI personnel are one of the most at risk as we are in close contact with numerous people every day in the performance of our duties,” ani Morente. “This effort is to ensure the health and safety of everyone,” dagdag pa niya. Sinabi ni BI Deputy Commissioner Aldwin Alegre, chairman ng BI COVID Task Force, ang kanilang isasagawang swab testing ay…

Read More