Naitala ng JTF COVID Shield sa 200-day community quarantine NAKAWAN BUMABA NG 60%

BUMABA ng 60 percent ang robbery and theft cases sa loob ng unang 200 araw nang pagpapairal ng community quarantine simula Marso 17 kumpara sa kapareho ring panahon bago nagpatupad ng mahigpit na mga hakbangin para maiwasan ang paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19). Kaakibat din nito ang pagbaba ng mga insidente ng walong focus crime na tinututukan ng Philippine National police (PNP). Sa kabuuan, ayon sa Joint Task Force COVID Shield, ang Pilipinas ay nakapagtala ng 46% decline para sa eight focus crimes ng PNP – murder, homicide, physical injury,…

Read More

Palasyo kampanteng matutugunan ang mga pasyente PINAS ’20TH HIGHEST’ INFECTION SA COVID

KAYANG pangalagaan ng Pilipinas ang mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus. Reaksyon ito ng Malakanyang makaraang maging “20th highest” ang infection caseload sa bansa. Araw ng Huwebes nang kumpirmahin ng Health department na may 314,079 COVID-19 infections, dahilan para maging “top 20th” ang Pilipinas na may pinakamaraming kaso ng respiratory disease, ayon sa Johns Hopkins University (JHU) coronavirus dashboard. “With 5,562 deaths, the country’s mortality rate is at around 1.75, “which means that although numbers are up, we are able to take care of those who get severely or critically ill,”…

Read More

COVID-19 CASE SA KAMARA LAGPAS 7 DOSENA NA

Lagpas na  sa pitong (7) dosena na ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 o Covid-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos makapagtala ng dalawa pang kaso kahapon. “We have two (2) new confirmed cases,” ani House Secretary General Jose Luis Montales, Biyernes ng umaga kaya umakyat na sa 85 ang naitalang kaso sa Kapulungan muna noong Marso. Ayon kay Montales, ang isa sa dalawang timaan ng covid-19 ay nagtatrabaho sa Administrative Department subalit isang buwan na umano naka-WFH o work-from-home. “The second is from our Payroll Group, Accounting Service. She last…

Read More

2 TIMBOG SA PAMEMEKE NG COVID-19 TEST RESULT

RIZAL – Arestado ang dalawang miyembro ng Rizal Provincial Security Division sa ikinasang entrapment operation ng Antipolo City police kahapon kaugnay ng pamemeke umano ng mga ito ng resulta ng COVID-19. Sa ulat mula sa tanggapan ni PLTCOL Jose Joey C. Arandia, Antipolo City Police chief, alas-10 ng umaga nang ikasa ang operasyon sa Sumulong Extension, Brgy. Dela Paz, sa naturang lungsod laban sa mga suspek na sina Arnel Perocho y Capada, ng Brgy. Muzon, Taytay, Rizal at Edgardo Juanillo y Rapas, ng Sitio Pinagmisahan, Brgy Dela Paz, Antipolo City.…

Read More

“ALPAS KONTRA COVID-19” IBINAHAGI SA BULACAN FISHERS, FARMERS

MAY kabuuang 305 Bulakenyong magsasaka at mangingisda mula sa 21 bayan at tatlong lungsod ng lalawigan ng Bulacan ang tumanggap ng tulong pangkabuhayan at makinarya mula sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ginanap na programa ng “Ahon Lahat, Pagkain Sapat (ALPAS) Kontra COVID-19” sa Bulacan Capitol Gymnasium nitong Martes. Ayon kay DA Secretary Dr. William Dar, nakatuon ang kanilang tanggapan sa mga lugar na nakatanggap na ng makinarya mula sa Philippine Center for Postharvest Development…

Read More

Paghihigpit sa Metro Manila kailangan pa rin GROWTH RATE NG COVID-19 PUMALO SA 200%

UMAKYAT sa 200% ang growth rate ng COVID-19 cases sa Metro Manila at kabilang ito sa mga dahilan kung bakit may ilang lugar ang isinailalim sa quarantine classification. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang growth rate at average daily attack rate ay ang factors na kinonsidera ng pamahalaan para sa quarantine classifications. “Kinukumpara ‘yung figures every two weeks. ‘Yung daily attack rate po, ilan ang nagkaroon per 100,000. At ‘yung growth rate, gaano kabilis nag-doble din ‘yung mga kaso,” ayon kay Sec. Roque. “Mataas pa. Ibig sabihin po…

Read More

MECQ SA LANAO AT MARAWI CITY

INILAGAY ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Lanao del Sur kabilang na ang Marawi City sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) simula Oktubre 1 hanggang Oktubre 31, 2020. Habang ang Iloilo City ay inilagay naman sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) simula rin sa Oktubre 1. Matatandaang, inilagay ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Iloilo City sa ilalim ng MECQ at mananatili ito hanggang Setyembre 30, 2020. Sa kabilang dako, mananatili naman ang Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) classification. Ang…

Read More

Babala ng WHO bago magkaroon ng anti-covid vaccine GLOBAL DEATH TOLL PAPALO SA 2 MILYON

MALAKI ang posibilidad na umakyat sa dalawang milyon ang bilang ng mga mamamatay sa buong mundo dahil sa COVID-19 bago pa man maipamahagi sa lahat ang madidiskubreng bakuna para rito. Ito ang babala ng World Health Organization (WHO). Nabatid na nangangamba ang WHO na dumoble ang bilang ng mga mamamatay na biktima ng covid kung hindi pag-iibayuhin ang mga panuntunan kung paano ito maiiwasan. Ayon kay World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom, aabot na sa isang milyon ang bilang ng mga namatay sa nakalipas na siyam na buwan mula…

Read More

HIGIT 7K KASO NG COVID-19 NAITALA SA TAGUIG

PUMALO na sa 7,151 ang kabuuan bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig, bunsod ng 76 na bagong kaso sa nakalipas na 24-oras. Sa tala ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Units (CEDSU), ang mga karagdagang kumpirmadong kaso ng nakahahawang sakit ay mula sa Barangay Bagumbayan Bambang, Calzada, Hagonoy, Ibayo, Lower Bicutan, New Lower Bicutan, Napindan, San Miguel, Sta Ana, Tuktukan, Ususan, Wawa at Central Bicutan. Kasama rin sa may mga bagong kaso ng COVID-19 ang Central Signal, Fort Bonifacio, North Signal, Pinagsama, South Daang…

Read More