EO SA SRP NG SWAB TEST INAASAHAN SA SUSUNOD NA LINGGO

INAASAHANG ilalabas na sa susunod na linggo ang isang executive order na magpapataw ng maximum price para sa RT–PCR [reverse transcription polymerase chain reaction] o swab tests para sa COVID-19, ayon sa Department of Health. Sinabi ni Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nagsumite na ang DOH ng proposal para sa isang EO sa Office of the President para sa suggested retail price (SRP) sa coronavirus disease diagnostic methods. Nang tanungin kailan ilalabas ang EO, sinabi ni Vergeire: “Wala pang balita, pero baka next week.” Paliwanag niya, wala kasing batas ang…

Read More

MOLECULAR LAB SA TAGUIG PINASINAYAAN

SA pagpapalakas ng testing capacity ng Taguig City, pormal na binuksan sa publiko ng city government ang sariling Molecular Laboratory sa presensya ng COVID 19 National Task Force sa isinagawang pulong kahapon ng umaga sa Lakeshore, Bgy. Lower Bicutan. Sa Lakeshore complex din binuksan ang 70 kama para sa mga pasyente, bilang bahagi ng bubuksang 500-bed COVID-19 Lakeshore Mega Quarantine Facility sa Lower Bicutan, Taguig. Sa sandaling makumpleto na ang 500-bed capacity Mega Quarantine Facility, magagarantiyahan na magiging maginhawa ang panunuluyan ng mga pasyente dahil sa pagkakaroon ng sapat na…

Read More

Seniors pinag-iingat ng Malakanyang COVID-19 SEVERE CASES TUMATAAS

PINAYUHAN ng Malakanyang ang mga senior citizen na dagdagan pa ang ginagawang pag-iingat kasunod ng nakitang datos ng DOH sa hanay ng nasa critical cases ng COVID-19. Sa pinakahuling numerong inilabas ng DOH, tumaas ang porsiyento ng mga pasyenteng nakahanay sa critical status. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nasa 3 percent na ngayon ang porsiyento ng mga pasyenteng nasa kategoryang kritikal. Kaya paalala ng Malakanyang lalo na sa mga senior citizen na manatiling nasa bahay lalo’t sila ang madaling kapitan at malalang tamaan ng virus. Bukod sa mga nasa…

Read More

PRESYO NG SWAB TEST IRE-REGULATE

POSIBLENG magpatupad si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng price cap sa RT-PCR o swab tests para sa COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi posibleng magpalabas si Pangulong Duterte ng isang executive order na magre-regulate ng presyo ng swab tests. “I don’t think it is impossible for him to issue this executive order. Alam ko po may mga nagnanais sa inyo bagama’t non-profit kayo na kumita; huwag naman po,” ayon kay Sec. Roque. Tinukoy nito ang naunang pagpapalabas ng Pangulo ng pagtatakda ng maximum retail price sa ilang…

Read More

‘HININGA TEST’ SA COVID-19, ISUSULONG

DATI laway, ngayon naman ay isusulong ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Maria Concepcion ang pagsusuri sa hininga ng tao kapag napatunayang epektibo ito sa pagbatid kung positibo o hindi, sa coronavirus disease-2019 (COVID-19) ang isang indibidwal. Dati, iwinasiwas ni Concepcion na “laway” ang gamitin sa COVID-19 test bilang paraan ng pagbatid kung tinamaan ng COVID-19, o hindi, ang mga Filipino. Iminumungkahi ni Concepcion ang ganitong ideya habang pinipilit ng Department of Health (DOH) na makapagsasagawa ito ng swab test at rapid test sa maraming Filipino. Bukod sa pagiging tagapayo…

Read More

Ilang lugar sa Pinas zero na sa covid ‘NEW NORMAL’ NA SA OKTUBRE

MAY ilang lugar sa bansa ang maaari nang isailalim sa “new normal” ngayong Oktubre. Ito’y dahil sa zero COVID-19 transmission sa ilang bahagi ng Pilipinas. Ang Community quarantine measures para sa buwan ng Oktubre “will not be the same,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Posible aniya kasing bawiin ang virus restrictions sa ilang lugar. Karamihan ng lugar sa Pilipinas ayon kay Sec. Roque ay nasa ilalim ng relaxed general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) hanggang sa katapusan ng buwan habang hangad ng pamahalaan na muling…

Read More

10 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA CALOOCAN

SAMPU pa ang nadagdag sa bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa Caloocan City noong Sabado, Setyembre 19. Batay sa pinakahuling ulat ng Caloocan Health Department, umakyat na sa 225 ang namatay dahil sa pandemya mula sa 215 noong Setyembre 17. Bukod dito, pumalo na sa 7,687 ang tinamaan ng nasabing nakamamatay na sakit mula sa 7,367, dalawang araw ang nakararaan, at mula naman sa 6,412 ay 6,734 na ang gumaling. Samantala, dalawa naman ang binawian ng buhay mula sa Barangay Hulong Duhat at Longos sa Malabon City kaya’t 180…

Read More

Sa loob ng 2 buwan P46.1-B INUTANG SA JAPAN VS COVID AT KALAMIDAD

KAMPANTE ang administrasyong Duterte na hindi magkakaroon ng problema ang mga ahensiya ng pamahalaan kung pera ang pag-uusapan sa loob ng isang taon dahil P46.10 bilyon ang ipinautang ng pamahalaan ng Japan sa Department of Finance (DOF). Natuwa si Secretary Carlos Dominguez III nang ibigay ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang P23.5 bilyon, o 50 bilyon yen, sa DOF. Ang P23.5 bilyon ay ang ikalawang bugso ng “post-disaster standby loan” ng pamahalaan. Ang P23.5 bilyong utang, ayon kay Dominguez, ay magiging “available for quick disbursement in the event of…

Read More

80 BEDS QUARANTINE FACILITIES SA MALOLOS PINASINAYAAN

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan– Pormal na pinasinayaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang P43 milyong halaga ng 80-beds capacity na We Heal As One Center isolation at quarantine facilities ng lungsod. Ayon kay DPWH First Bulacan District Engr. Henry Alcantara, ang 32-beds ay matatagpuan sa itinayong dalawang units na container vans sa isang bahagi ng Malolos City Government Center na katabi ng ginagawang Bulacan Cyber Park and Business District. Doon sa mga container vans na ginawang quarantine facility, bawat…

Read More