GLOBAL DEATH TOLL SA COVID-19, 1.1 MILYON NA; KASO SA PILIPINAS, 356,618

PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga nasasawi sa COVID-19 sa buong mundo na sa huling ulat ay mayroon nang kabuuang 1,118,321 milyon. Base sa Reuters tally, sa umakyat na sa 39.7 milyon ang tinamaan ng sakit sa buong daigdig. Lumalabas din sa report na isa sa bawat limang namamatay dahil sa COVID-19 ay galing sa Amerika na itinuturing bilang hardest-hit country na may 224,730 deaths mula sa 8,010,443 cases. Pangalawa pa rin sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng nasabing sakit ang Brazil na sa huling ulat ay nakapagtala…

Read More

2 empleyado COVID positive HALL OF JUSTICE SA DAVAO ISINARA

DAVAO City – Pansamantalang isinara ang Hall of Justice sa lungsod makaraang sampu sa mga empleyado nito ang nagpositibo sa COVID-19. Simula ngayong araw, Oktubre 19 hanggang 30 isasara ang bulwagang katarungan., Napag-alaman, dinapuan ng naturang sakit ang mga empleyado ng Municipal Trial Court in Cities Branch 3. Dahil dito, ipinag-utos ni Mayor Sara Duterte ang mandatory swab test sa mga empleyado ng MTCC. Bukod sa Hall of Justice, mahigpit ding mino-monitor ang ilang mga empleyado ng Sangguniang Panlungsod (SP) matapos makitaan ng sintomas ng COVID-19. Kahit na hindi sinabi…

Read More

MALABON COVID-19 CASES PUMALO NA SA 5,275

ISA na namang COVID-19 patient ang namatay sa Barangay Catmon, Malabon City noong Huwebes, ayon sa ulat ng City Health Department. Habang walo naman ang nadagdag na confirmed cases nitong Oktubre 15 at sa kabuuan ay 5,275 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa Malabon, 161 dito ang active cases. Ang mga bagong nagkasakit ay mula sa Barangay Baritan (1), Catmon (3), Hulong Duhat (1), Santulan (2), at Tonsuya (1). Nadagdagan naman ng 41 ang mga pasyenteng gumaling. Sila ay mula sa Barangays Baritan (8), Bayan-bayanan (2), Catmon (3), Concepcion…

Read More

3 BRGY. SA NAVOTAS, ZERO COVID NA

NAITALANG zero COVID-19 na ang Barangay Bagumbayan North, Bagumbayan South at San Rafael Village, ayon kay Mayor Toby Tiangco. Anim naman ang gumaling sa COVID-19 sa lungsod noong Oktubre 15, ngunit may nadagdag na limang bagong kumpirmadong kaso. Sumampa na sa 5,031 ang tinamaan ng COVID sa Navotas. Sa bilang na ito, 144 na ang namatay, 114 ang active cases at 4,773 ang gumaling. “Natutuwa po tayo na pababa na ang bilang ng mga nahahawaan sa ating lungsod. Nagpapasalamat din tayo sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa ating…

Read More

Pagluluwag ng protocols tuloy GOBYERNO TIWALANG HINDI SISIPA ANG COVID CASES

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para pag-ugatan ng spike o pagsipa ng kaso ng COVID-19 ang nagsisimula nang pagluwag ng lockdown ng pamahalaan. Kabilang na rito ang unti-unting pagpapahintulot sa mga public transport na magdagdag pa ng kanilang pasahero sa mga susunod na araw. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, naniniwala silang nabigyan na ng sapat na kaalaman ang mga tao para magkaroon ng sapat na proteksiyon kontra sa corona virus. Aniya, sa loob ng anim hanggang pitong buwang pakikibaka sa COVID-19 ay kumbinsido silang alam na ng publiko ang…

Read More

Tiniyak ng Malacanang COVID-19 VACCINE MAY PONDO NA

INIULAT ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon na siyang pondo para bumili ng COVID-19 vaccine para sa mga Filipino. Sa kanyang public address, Miyerkoles ng gabi ay sinabi ng Pangulo na may 130 milyong Filipino ang mabibigyan ng bakuna laban sa nakamamatay na coronavirus. “Nakahanap na ako ng pera. I have the money already for the vaccine, but hahanap pa ako ng maraming pera, because you know there are now 130 million Filipinos,” ayon kay Pangulong Duterte. “And to me, ideally, all should have the vaccine, without exception. Lahat. Para…

Read More

Isasailalim sa granular lockdowns 11 LUGAR SUMIPA ANG COVID CASES

IPATUTUPAD ang “granular lockdowns” at hindi stricter quarantine sa mga high-risk areas. Ito ang sinabi ni Secretary Carlito Galvez, chief implementer ng government’s response against COVID-19 kaugnay ng payo ng OCTA Research team na magpatupad ang pamahalaan ng stricter quarantine classification sa 11 lugar sa bansa na kabilang sa mga kinukonsiderang high-risk. “Ang ginagawa po natin granular (lockdown),” ayon kay Galvez nang tanungin kung ang 11 recommended areas ay ilalagay sa ilalim ng stricter quarantine status gaya ng enhanced community quarantine (ECQ).”‘Yung malakihang ECQ is not sustainable. Nakita namin ‘yung…

Read More

30 PRESO SA DAVAO, POSITIBO SA COVID

DAVAO City – Nilinaw ng isang mataas na opisyal ng Davao City Police Office (DCPO), patuloy ang operasyon ng Toril Police Station sa kabila ng pagsailalim sa lockdown sa nasabing piitan bunsod ng pag-positibo ng 30 preso nito. Ayon kay Col. Kirby John Craft, hepe ng DCPO, patuloy ang normal na operasyon ng nasabing istasyon katulad ng pagpapatrolya at paglalagay ng checkpoints ng mga pulis na walang direktang contact sa mga naging positibo. Isinailalim na sa kwarentinas ang 30 preso kasama ang mga pulis na na-expose sa mga ito. Nilinaw…

Read More

Naungusan ang Pakistan sa dami ng kaso PAGIGING TOP 19 NG PINAS SA COVID CASES PINALAGAN NG IATF

SINABI ng Inter-Agency Task Force (IATF) na hindi lang dapat nakapokus ang tingin ng John Hopkins University sa cumulative cases o mga nadaragdag na kaso ng COVID-19 sa bansa. Reaksyon ito ng IATF sa harap ng pag-akyat na ng Pilipinas sa ika-19 na spot ng mga bansang may pinakamaraming kaso ng coronavirus sa buong mundo. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, masyado kasing naha-higlight ang bilang ng mga nadaragdag at kabuuang kaso ng COVID-19 sa halip na mabigyang diin din sana ang bilang ng mga nakarerekober o gumagaling sa…

Read More