COVID DEATHS NG PINAS, HALOS 5K NA

UMAKYAT na sa halos limang libo katao ang nasasawi sa COVID-19 sa Pilipinas. Ito ay makaraang makapagtala ng panibagong 55 na pagkamatay na naghatid sa kabuuang bilang na 4,984. Samantala, pumalo naman sa 286,743 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa, ayon pa rin sa ulat ng Department of Health (DOH). Sa inilabas na case bulletin ng ahensya, pitong laboratoryo ang bigong makapag-submit ng kanilang mga report sa COVID-19 Data Repository System kaya ang new cases ay nasa 3,311 lamang. “Of the 3,311 reported cases today, 2,774…

Read More

PROACTIVE AT AGRESSIVE PROGRAM IKAKASA VS COVID-19

IKINUKONSIDERA ng liderato ng COVID-19 Task Force na gamiting sistema sa pagtugon sa pandemya ng COVID-19 ang modelo ng Taguig City. Sa eksklusibong panayam ng SAKSI Ngayon kay Testing Czar Vince Dizon, inihalimbawa nito ang ginawa ng Taguig local government sa pangunguna ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, na simula pa noong Marso ay nagsagawa na ng contract tracing, testing at paggagamot sa mga may sakit. “On track po tayo sa target na 1 million tested individuals, nag-aaverage ng 25,000 per day, at sa programa at sistema ng LGU ng…

Read More

20 milyon Pinoy lang ang sagot ng gobyerno COVID-19 VACCINE ‘DI LIBRE SA LAHAT

DALAWAMPUNG milyon sa 110 milyong Filipino lamang ang libreng pababakunahan ng gobyerno kapag nagkaroon na ng bakuna sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Ito ang pahayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje sa pagdinig ng House committee on appropriation sa P203.1 billion pondo ng ahensya sa 2021. “Hindi ho natin babakunahan lahat. Ang una pong isinalang-alang natin, pati yung mapo-produce na vaccine next year cannot be able to cover the global demands,” ani Cabotaje sa pagtatanong ni Quirino Rep. Junie Cua. Ayon sa opisyal, P12. 9 billion ang…

Read More

18 INMATES, JAILGUARD SA BULACAN NAGPOSITIBO SA COVID-19

CITY OF MALOLOS, Bulacan – Labing-walong preso at isang jail guard sa Bulacan Provincial Jail ang muling nagpositibo sa coronavirus disease at kasalukuyan nang naka-isolate. Ayon kay provincial warden Ret. Col. Marcos Rivero, ang 18 detainees at prison guard ay sumalang sa swab test nitong nakaraang Biyernes makaraang makitaan ng sintomas. Ang mga preso ay nasa edad 50 pataas na mayroong lagnat at ubo at naka-isolate sa isang selda habang ang jail guard ay naka-home quarantine sa sa bayan ng Pandi. “Ang instruction ni Gov. Daniel Fernando ay panatilihin ang…

Read More

Kahit walang cash advance sa Western companies PINAS MANANATILI SA GAVI VACCINE ALLIANCE

MANANATILING miyembro ng Gavi Covax VaccinE Alliance ang Pilipinas sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi ito magbibigay ng cash advance sa Western countries para lamang makasiguro ang bansa na makakukuha ng madidiskubreng COVID-19 vaccine. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ipinahihiwatig lamang ng pahayag na ito ng Pangulo kung bakit humihingi na ang Western companies ng reservation fee gayong isinasailalim pa sa clinical trial ang mga dinidiskubreng covid vaccine. Hindi aniya maunawaan ng Punong Ehekutibo kung bakit maagang humihingi ng bayad ang ilang Western…

Read More

CALOOCAN COVID CASES UMAKYAT SA 7,216

PUMALO na sa sa 7,216 ang tinamaan ng COVID-19 sa Caloocan City, at 212 na ang namatay dahil sa nasabing sakit, batay sa ulat ng Caloocan Health Department noong Miyerkoles, Setyembre 16. Sa nasabing bilang ng mga nagpositibo ay 6,198 na ang nakarekober. Samantala, limang pasyente ang binawian ng buhay dahil sa pandemya sa lungsod ng Malabon noong Miyerkoles at 176 na ang COVID death toll sa siyudad. Ayon sa Health Department ng lungsod, ang mga namatay ay buhat sa Barangay Catmon (1), Longos (1), San Agustin (1), at Santulan…

Read More

COVID CASES SA VALENZUELA, PUMALO NA SA 6,200

LUMUBO na sa 6,200 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ng Valenzuela at 171 na sa mga ito ang ang namatay, ayon sa City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Sa ulat ng ng Valenzuela CESU dakong alas-11:00 ng gabi noong Setyembre 15, nakasaad na 1,115 ang active COVID cases at 4,914 na ang gumaling. Samantala, isang COVID-19 patient ang namatay sa Barangay San Agustin, Malabon City noong Setyembre 15, ang ika-171 na binawian ng buhay sa lungsod dahil sa nasabing sakit. Ayon sa Malabon City Health Department, 35…

Read More

HIGIT 10K COVID TEST KADA ARAW, NAISASAGAWA NA NG PINAS

UMABOT na sa mahigit 10,000 COVID test ang naitatala kada araw ng gobyerno. Ito ang sinabi ni Chief Implementer Secretary Carlito Galvez sa gitna ng datos na iprinisinta nito sa Malakanyang na umaabot na sa halos tatlong milyon o nasa dalawa punto siyam na milyon na ang sumalang sa corona virus test. Ayon kay Galvez, ang datos ay 2.6 percent na ng populasyon ng bansa. Kaya ikinatutuwa nila ang nasabing development na kung saan, may isang araw pa na pumalo sa 43,555 ang kabuuang nai-covid test at ito ay nitong…

Read More

Apela sa private hospitals sa patuloy na hawahan COVID BEDS DAGDAGAN – DUTERTE

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga private hospital na dagdagan ang hospital beds na laan para sa COVID-19 patients bunsod na rin ng patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa coronavirus pandemic. “What struck my attention is ito sana appeal to private hospitals to increase the number of beds dedicated to COVID patients. Kung sana ho madagdagan ninyo,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi. Ani Pangulong Duterte, kailangan ng pamahalaan ang suporta ng mga private hospital dahil sa patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases…

Read More