MASS TESTING SA PARAÑAQUE, 95 PORSYENTO NEGATIBO SA COVID

NAKAPAGSAGAWA na ng mass testing ang Parañaque City Health Office (CHO) sa 3,321 indibidwal sa lungsod kung saan 95% sa mga nakuhanan ng rapid testing ay negatibo ang naging resulta sa coronavirus disease o COVID-19. Ayon kay Dr. Olga Virtusio, hepe ng CHO, 590 residente ng lungsod sa kabuuang bilang ng nagpa-test ay may kasong probable kaya awtomatikong dinala sa isolation facility na itinalaga ng lokal na pamahalaan. Idinagdag pa ni Virtusio na bukod sa mga residente ng lungsod, kung saan nakatuon ang pagmamalasakit ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez,…

Read More

P200-M BULACAN INFECTION CONTROL CENTER, MAGAGAMIT NA

PINASINAYAAN na ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel Fernando ang P200-million 3-storey extension building ng Bulacan Medical Center (BMC) na siyang magsisilbing Covid centralized quarantine center sa probinsiya matapos isagawa ang blessing at inagurasyon nito sa araw mismo ng Labor Day sa Malolos City. Ayon kay Fernando, ito ay tatawaging Bulacan Infection Control Center na may 250-bed capacity na siyang gagamitin sa mga pasyenteng kumpirmado, suspected at probable sa sakit na COVID-19. Ayon kay Dr. Protacio Badjao, head ng provincial hospitals, may halagang P200M ang ginugol…

Read More

COVID-19 CASES SA PINAS, HALOS 9K NA

SASAMPA na sa 9,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas. Base sa pinakahuling update ng Department of Health (DoH) ngayong araw, pumalo na sa 8,928 ang bilang ng mga dinapuan ng virus sa bansa. Nadagdagan ito ng 156 sa nakalipas na 24-oras. Nakapagtala rin ng 24 namatay kaya may kabuuan na itong 603. Umakyat naman sa 40 ang nadagdag na recoveries ngayong araw at may kabuuan na itong 1,124. Kaugnay nito, nasa 3,401,318 na ang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa buong mundo. Ang 2,028,641 (98%)…

Read More

ECQ EXTENSION SA ALBAY AT ZAMBOANGA, OK SA IATF

PABOR ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pagpapalawig o ekstensyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Albay at Zamboanga City. Subalit, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na depende pa rin kung aaprubahan ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. “Yes. Yesterday by the IATF,” ayon naman kay Department of the Interior and the Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa public briefing sa tanong kung inaprubahan ba ng IATF ang extension ng ECQ sa dalawang nasabing lugar. “‘Yung rekomendasyon ng IATF para…

Read More

Sa mabilis na pagtukoy sa may COVID-19 1 BATALYONG TRACKER IKALAT

ISANG batalyon ng mga sinanay na “tracker” ang magiging susi sa paghinto ng pagkalat ng COVID-19 pandemic sa mga lugar na sumailalim mula sa enhanced community quarantine (ECQ) patungong general community quarantine (GCQ). Ito ang panawagan ni Senador Nancy Binay dahil maaari aniyang tumindi ang pagkalat ng virus sa mga isinailalim na sa GCQ. “Habang tumatagal, numinipis ang hanay ng ating health workers pati na ang ating mga taong inaasahan sa barangay. The first step once ECQ is lifted is to see to it that the LGU is ready and…

Read More

Muling pagputok ng COVID-19 sa GCQ areas, posible POLICE FORCE, CHECKPOINTS DODOBLEHIN

MAGLALAGAY pa ng mas maraming mobile checkpoint ang Joint Task Force COVID Shield bukod sa pagpapaigting ng beat patrols sa mga lugar na inilagay sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) para matiyak na susunod pa rin ang taumbayan sa mga itinakdang alintuntunin para maiwasan ang muling pagkalat ng coronavirus sa kanilang lugar. Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, ipinag-utos ni Chief PNP General Archie Gamboa na lumikha ng mas mahigpit na security guidelines na susundin ng kapulisan sa GCQ areas at ilalim…

Read More

SPECIMEN COLLECTION BOOTHS NG DOST IPINAMAMAHAGI NA SA MGA OSPITAL

SINIMULAN na ng Department of Science and Technology (DoST) ang pagpapadala o pag-deploy ng specimen collection booths sa iba’t ibang ospital sa bansa. Ang specimen collection booths ay gawa sa plywood walls, may clear waterproof acrylic window at mayroon ding air conditioning para sa kaginhawahan ng medical personnel na gagamit nito sa mga pasyenteng magpapakuha ng specimen. Mayroon din itong roof-mounted ventilator na may filter, slanted specimen table para mapanatili ang distansiya ng pasyente at ng tester at mayroon ding positive pressure sa loob ng booth para maiwasang mapasok ng…

Read More

GOBYERNO PINALALATAG NG RECOVERY PLANS SA POST-ECQ

NANAWAGAN ang isang advocacy group sa gobyerno ngayong Araw ng Paggawa na magporma na ng post-ECQ recovery plans. Ang Power for People Coalition (P4P), isang grupo na may adbokasiya para sa clean energy and power consumers, ay nanawagan na bigyan pansin ang bigat na dinadala ng mga manggagawa sa pagharap nila sa panganib sa kanilang kalusugan, kakulangan ng kita at pag-aalala kung paano nila mababayaran ang basic utilities ngayong may COVID-19. Habang ang gobyerno ay sinasabing ibinasura na ang bayarin para sa utilities sa panahon ng ECQ, karamihan sa mga…

Read More

PUBLIKO HUWAG SISIHIN SA PAGKALAT NG COVID-19 – SOLON

WALANG ibang dapat sisihin sa  pagkalat ng COVID-19 kundi ang gobyerno at hindi ang taumbayan. Ito ang sinabi ni Senador Leila De Lima dahil ang kapalpakan aniya ng mga ahensya ng pamahalaan ang ugat ng pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19. “Huwag n’yong gawing punching bag ng frustration n’yo ang taumbayan dahil pumapalpak kayo. Baka nakakalimutan ninyong dinadanas natin ang kalbaryong ito dahil mismo sa inyo. Kayo ang nagpapasok ng Chinese Communist Party (CCP) virus sa atin. Kayo ang hindi kaagad kumilos. Minaliit n’yo ito sa umpisa at tinawanan.…

Read More