PUMALO na sa mahigit walong libo ang positibong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH). Umabot sa 276 ang bagong kasong naitala kaya umakyat na sa 8,488 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa. Dalawampu naman ang nadagdag sa mga nakarekober sa sakit kaya umabot na sa 1,043 ang kabuuang bilang ng mga ito. Sampu naman ang mga namatay at sa kasalukuyan ay nasa 568 na ang kabuuang bilang nito. Magpapatuloy ang ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR at iba pang bahagi ng bansa hanggang sa Mayo…
Read MoreCategory: COVID-19
Isinusulong ng women inventors ‘SINTA’ LABAN SA COVID-19
ITINUTULAK ng Women Inventors Association of the Philippines, Inc. (WIAPI) ang paggamit ng Andrographis Paniculata o Sinta bilang food supplement sa mga pasyente ng coronavirus 2019 (COVID-19) sa bansa. Sa liham na kanyang ipinadala kay Sec. Fortunato Dela Peña ng Department of Science and Technology (DOST) kamakailan, ipinahayag ni Dra. Edinelda O. Calvario ang pagsuporta ng kanilang grupo sa kampanya ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang global pandemic outbreak. Ani Dra. Calvario, ang kasalukuyang President ng WIAPI, naniniwala ang Women Inventors na ang raw form ng Andrographis…
Read MoreMGA LUGAR SA ILALIM NG ECQ BINAGO NG PALASYO
INANUNSYO ng Malakanyang ang revised coverage ng enhanced community quarantine na magsisimula na bukas, May 1 kung saan kasama ang Visayan cities of Bacolod at Iloilo. Inilatag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga lugar na nananatili sa ilalim ng ECQ hanggang May 15. Ito, ayon kay Sec. Roque ay ang Metro Manila, Central Luzon maliban sa Aurora, Southern Tagalog Region (CALABARZON), Pangasinan, Benguet, Iloilo kabilang ang Iloilo City, Cebu, Bacolod City at Davao City. Ang iba pang bahagi ng bansa ay magsisimula na sa kanailang “new normal” o general…
Read MoreRECOVERIES SA COVID-19 HIGIT 1K NA
LAMPAS isang libo na ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease 2019 sa bansa matapos makapagtala ng 48 recoveries ngayong araw. Batay sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), hanggang alas-4:00, ngayong Miyerkoles ng hapon, 1,023 na ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa bansa. May 28 namang pasyente ang pumanaw kaya pumalo na ang COVID-19 related deaths sa 558. Mayroon namang 254 panibagong nagpositibo sa COVID-19 pandemic sa Pilipinas kaya sumampa na sa 8,212 ang bilang ng kumpirmadong kaso nito sa bansa. Pumalo na sa…
Read MorePARTIAL NA PAGBUBUKAS NG MM, POSIBLE SA MODIFIED QUARANTINE
NAGPAHIWATIG na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaari niyang buksan ‘partially’ ang Metro Manila sa ilalim ng modified community quarantine. Ang pakiusap naman ng Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi, Abril 27 ay hintayin lang ang guidelines para rito. “We might open partially, construction workers things like that. You wait for the… lalabas na po yung modified,” ayon sa Punong Ehekutibo. Modified quarantine aniya para payagan at masiguro na ang sektor ng lipunan ay hindi talaga magdikit-dikit. “Kaya modified muna eh kasi kung magsiksikan kayo diyan sa…
Read MoreHEALTH WORKERS, ISALANG SA LINGGUHANG COVID-19 TEST
HINIKAYAT ni Senador Richard Gordon ang Department of Health (DOH) na isailalim sa lingguhang COVID-19 test ang mga doktor, nurses at iba pang health workers. Ito aniya ay upang matiyak na mabantayan din ang kalusugan ng mga medical worker na pangunahing humaharap sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19. Iginiit ni Gordon na mahalaga ang papel na ginagampanan ng medical workers kaya’t dapat maipadama rin sa kanila ang tamang pangangalaga. Samantala, pabor si Gordon na payagan ang pansamantalang operasyon ng mga POGO sa bansa upang mapagkunan ng dagdag na pondo ng…
Read MoreROBOT GAGAMITIN LABAN SA COVID-19
SUSUBUKANG gamitin sa Centralized Quarantine Facility ng Bulacan Medical Center (BMC) ang mga robot Roving Doctor (RoviDoc) na naimbento ng mga propesor ng information technology sa San Jose Del Monte Campus ng Bulacan State University (BulSU). Ipinaliwanag ni Jayson Victoriano, direktor ng Institute for Innovation in Business and Emerging Technologies ng BulSU-San Jose Del Monte, ang nasabing RoviDoc ay tutugon upang matiyak ang kaligtasan din ng mga doktor at nurse na gumagamot sa mga may sakit na coronavirus disease o COVID-19. Dinisenyo ito upang siyang direktang kumalinga at magbigay ng…
Read MoreDAGDAG PONDO VS COVID-19 APRUB SA SENADO
TINIYAK ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na aaprubahan kaagad ng Senado kung kinakailangan ng panibagong supplemental budget upang labanan ang corona virus 2019 (COVID-19) at mabigyan ng kapangyarihan ang Executive Department na gumastos. Sa pahayag, sinabi ni Angara, chairman ng Senate committee on finance na nakahanda ang dalawang kapulungan ng Kongreso, partikular ang Senado, na pagtibayin ang supplemental budget. “If a supplemental budget is needed I’m sure both houses of Congress will hear and pass that to authorize the President and the Executive branch to spend more or to…
Read MoreECQ SA NCR, IBA PANG REHIYON TULOY HANGGANG MAY 15
TINANGGAP at inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na manatili ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR, Region III at iba pang itinuturing na high-risk areas. Sa kalatas na binasa ni Presidential spokesperson Harry Roque, inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), araw ng Huwebes, Abril 23, ay manatili ang enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region, Region III, Region IV-A at sa lahat ng high-risk areas hanggang Mayo 15. Ang mga lalawigan na kinukonsiderang Provinces high-risk ay sa…
Read More