NAITALA ng Department of Health (DOH) ang pinakamaraming bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19, araw ng Linggo. 50 ang naidagdag sa bilang ng mga namatay na ngayon ay pumalo na sa 297. Umabot naman sa 220 ang naitalang bagong kaso nito kaya’t umakyat na sa 4,648 ang kabuuang bilang nito sa buong bansa. Naitala rin ang pinakamaraming bilang ng gumaling ngayong Linggo na nadagdagan ng 40 kaya 197 na ang kabuuang bilang. Sa kasalukuyan ay ang Pilipinas na ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong Timog Silangang Asia,…
Read MoreCategory: COVID-19
COVID-19 WAR ‘WAG HALUAN NG PULITIKA – REP. DEFENSOR
HINDI dapat haluan ng pulitika ang giyera kontra coronavirus disease 2019 o COVID-19 kung nais ng mga politiko na mapagtagumpayan ang labang ito ng buong bansa kasama ang taumbayan. Ginawa ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang nasabing panawagan matapos makaamoy na may “pulitika” sa pagharang ng Quezon City Hall social service na ipa-cremate ang mga namatay sa COVID-19 sa Lung Center of the Philippines (LCP) sa isang punerarya na konektado kay Quezon City Rep. Onyx Crisologo, anak ni dating Congressman Vincent “Bingbong” Crisologo. Tinukoy ni Defensor ang isang Carol…
Read MoreSakaling may lockdown extension pa rin pagkatapos ng Abril 30 PAGHANDAAN ANG PONDO – MARCOS
NANAWAGAN si Senator Imee Marcos na tiyakin ng pamahalaan na may iba pang mapagkukunang pondo bilang suportang pinansiyal sa mahihirap para maiwasan ang anomang kaguluhan, sakaling ma-extend pa ang lockdown matapos ang Abril 30. Ayon kay Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, tinatayang nasa P550-Billion pa ang maaaring maidagdag sa kasalukuyang P200-Billion emergency budget na ginagamit ngayong cash aid. Paliwanag ni Marcos, dapat kumilos agad ang Department of Finance o DOF sa pagkuha ng mga loan at samantalahin ang pagkakataong may mababang interest rates ang mga bangko dahil…
Read MoreKASO NG COVID-19, NASA 3,764 NA
NASA 3,764 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa kasunod ng 104 bagong kaso na naitala ngayong araw, base sa ulat ng Department of Health (DOH). Inanunsiyo ni Health Secretary Francisco Duque III na sumampa sa nasabing bilang matapos madagdag ang 104 panibagong kaso ng virus sa bansa sa magdamag. Ayon kay Duque, 14 pang pasyente ang nasawi kaya umabot na ang COVID 19-related deaths sa bansa sa 177. Ang bilang naman ng recoveries ay nadagdagan din ng 11 pasyente kaya ang kabuuang bilang nito ay pumalo sa…
Read More9 FRONTLINERS SA VALENZUELA, COVID-19 POSITIVE
PUMALO na sa 31 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 positive sa Valenzuela City makaraang sampu pang kaso ng naturang sakit ang nadagdag, kabilang ang siyam na frontliners. Ito’y ayon sa pinakahuling monitoring ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) noong Lunes, Abril 6. Si patient VC22 ay 27-anyos na babae; si VC23 ay 39-anyos na babae; VC24, 30-anyos na babae; VC25, 37-anyos na lalaki; VC26, 32-anyos na lalaki; VC27, 31-anyos na babae; VC28, 35-anyos na babae; VC29, 31-anyos na babae; VC30, 83-anyos na lalaki, at si VC31, ay 43-anyos…
Read MoreSa gitna ng krisis PDU30 NANAWAGAN NG PANALANGIN
HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na magsama-sama at magkaisang manalangin ngayong Holy Wednesday para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) na banta sa bansa. Sa televised address, tinawagan ng pansin ng Pangulo ang mamamayang Filipino na magsama-samang manalangin ngayong tanghali, at magbigay-pugay sa ‘indomitable spirit’ ng mga Filipino. “Unite in one prayer to God to fight our common enemy,” ani Pangulong Duterte. Aniya, ang Diyos lamang ang makalulutas ng problema kaugnay sa COVID-19. CHRISTIAN DALE 336
Read MoreECQ EXTENDED HANGGANG ABRIL 30
KINUMPIRMA ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na in-extend na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Luzon-wid quarantine hanggang 11:59 p.m. ng April 30. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na layon ng Pangulo na magkaroon ng sapat na panahon sa pamamagitan ng pag- extend ng enhanced community quarantine sa Luzon ng hanggang Abril 30 para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Aniya, tinanggap ng Pangulo ang rekomendasyon ng IATF-EID na palawigin pa ang enhanced community quarantine sa luzon. “Provided, that all…
Read MorePaalala ng PhilHealth sa accredited hospitals COVID PATIENTS ‘DI DAPAT SINGILIN
TINIYAK ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President retired Gen. Ricardo Morales na walang anomang dapat bayaran ang pagpapagamot ng isang COVID positive individual. Ani Morales, sasagutin lahat ng PhilHealth ang gastos base na rin sa itinatakda ng Bayanihan to Heal as One act. Aniya, umiiral ang ‘no balance policy’ sa ilalim ng Bayanihan Act at lagi nila itong ipinapaalala sa mga administrador ng mga pagamutang accredited ng PhilHealth. Tinatayang, nasa 5,000 ospital aniya sa buong bansa ang may accreditation ng PhilHealth. Sa kasalukuyan, ani Morales ay nasa anim na…
Read MoreANGARA, NAKA-RECOVER NA MULA SA COVID-19
KINUMPIRMA ni Senador Sonny Angara na idineklara na siyang COVID-19 at pneumonia free makaraan ang ilang araw na pananatili sa pagamutan. Sinabi ni Angara sa kanyang Facebook post na pinayagan na siyang umuwi ng kanyang mga doktor matapos na ring magnegatibo sa virus. Nagpasalamat naman ang senador sa kanyang mga doktor at nurse gayundin sa kanyang pamilya at mga kaibigan na sumuporta sa kanya sa panahon ng krisis. “Am truly grateful for the gift of life and even more so now for those at the frontlines who safeguard our lives…
Read More