UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na sundin ang ‘home quarantine’ rules at physical distancing. Inamin ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi pa rin naibababa ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) gayung dalawang linggo na lamang ang itatagal bago mag-expire ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon. Aniya, patuloy pa rin kasi ang pagtaas ng kaso ng infected ng virus na umabot na sa 5,453 kung saan mula sa nasabing bilang ay 349 ang namatay habang 353 naman ang gumaling. “Nakikita po natin na tumaas, bumaba at pataas…
Read MoreCategory: COVID-19
PRIVATE DETECTIVES AT MGA SEKYU GAGAWING FORCE MULTIPLIER KONTRA COVID-19
SA pagnanais na maipatupad nang maayos ang enhanced community quarantine (ECQ) at 24-oras na curfew hour sa Parañaque City ay ipinag-utos ng naturang local government unit ang pagde-deputize ng private detectives, security guards at kanilang mga tauhan upang magsilbing force multipliers ng police force ng lungsod. Sa ilalim ng nilagdaang executive order 30 ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez, inaatasan ang mga ahensya at negosyo sa larangang panseguridad sa loob ng hurisdiksyon ng lungsod na tumanggap ng direktang utos mula sa city chief of police para tumulong sa istriktong…
Read MoreDELAY SA PAMAMAHAGI NG CASH AID, BUBUSISIIN NG SENADO
TINIYAK ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na iimbestigahan nila ang delay sa pamamahagi ng cash aid para sa mga apektado ng enchanced community quarantine dahil sa COVID-19. Kasabay nito, nanawagan si Sotto sa mga lokal na pamahalaan na abonohan na muna ang financial assistance sa kanilang constituents na hindi sakop ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sinabi ni Sotto na maaaring abonohan muna ng lokal na pamahalaan ang tulong na kinalaunan ay maaari naman nilang singilin sa national government. “Abonohan mo…
Read MoreJOBLESS SA COVID-19, ISAMA SA 4Ps
UPANG maagapan ang pagdami ng mahihirap, ipinasasama ng isang mambabatas sa Kamara sa 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang mga nawalan at mawawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019. Ginawa ni 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero ang mungkahi dahil tiyak na marami aniya ang mawawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 na magiging dahilan ng pagdami muli ng mahihirap sa bansa. “Kailangang i-recalibrate ang 4Ps estimates. Sa tantiya ko, babalik sa higit 20% ang poverty rate natin o higit 4 million families. Maaaring dumoble rin ang unemployment numbers,” ani…
Read MorePAGBENTA SA MILITARY GOLF COURSES MALABO
MALABO umano ang rekomendasyon ng isang mambabatas na magsagawa ng bidding at ibenta na lamang ang mga military golf course para may magamit ang gobyerno sa kanilang mga hakbang sa pagtugon sa COVID crisis. Ayon sa isang senior military official, malabo ito dahil covered ng batas na kasama sa mga retention areas ang golf courses. Isa pa sa mga legal na aspeto na binanggit ng opisyal ang kaso ng Camp Gen. Emilio Aguinaldo na nasa bahagi ng Epifanio Delos Santos Ave. sa Quezon City na pag-aari ng mga Ortigas. “Sa…
Read MoreKASO NG COVID-19 SA PINAS PATULOY SA PAGTAAS
PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Sa pinakahuling tala ay 291 ang nadagdag na panibagong kaso kayat umabot na sa 5,223 ang kabuuang bilang nito. 20 naman ang dumagdag sa bilang ng mga namatay at pumalo na ito sa 335. Samantalang 53 recoveries naman ang nadagdag sa bilang kaya umakyat na sa 295 ang mga gumaling sa sakit. D. ANIN 388
Read MoreBabala ni PDu30 sa mga Pinoy SECOND AT THIRD WAVE NG COVID-19 PAGHANDAAN
DAPAT maging handa ang mga Filipino para sa dalawa pang ‘waves’ ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections. Ang paliwanag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang lahat ng confirmed COVID-19 cases ay nabibilang sa first wave of infections. Aniya, kalaunan ay masusundan ito ng second at third wave na kinabibilangan naman ng mga taong hindi pa nade-develop o ngayon pa lamang nade-develop ang sintomas. “Ganoon ang epidemic. Habang namamatay ‘yung unang tinamaan, ‘yung iba nahawa lang, bago lang, sila ang second wave,” aniya pa rin. Sinabi ng Pangulo na ang third…
Read MorePERSONAL INFO NG COVID-19 CASES MANDATORY NA
“PARA matulungan ang contact-tracing efforts ng ating pamahalaan, mandatory o required na po ang paglalahad ng personal na information pagdating sa ating mga COVID-19 cases,” ito ang inihayag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID). Ito ay matapos iatang sa balikat ng Office of Civil Defense ang pangangasiwa sa contact tracing ng mga hinihinalang infected ng coronavirus disease sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic. Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, layunin ng paglalahad ng personal na impormasyon ng mga pasyente na mapadali ang contact…
Read MoreCOVID-19 test coverage nilagyan ng deadline PHILHEALTH KINASTIGO NG SOLON
KINASTIGO sa mababang kapulungan ng Kongreso ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa itinakda nitong panuntuan na ang sasagutin lamang ay ang mga taong magpapa-test sa COVID-19 hanggang Abril 14, 2020. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, hindi dapat magtakda ng deadline ang PhilHealth dahil walang nakaaalam kung kailan matatapos ang salot na dulot ng COVID-19 kaya pinalawig ang Enhanced Community Quarantine hanggang Abril 30, 2020. “The COVID-19 virus knows no deadline and won’t hesitate from infecting people after April 14 even April 30 or until government take necessary…
Read More