IBINALITA ng Inter-Agency Task Force (IATF) na natanggap na ng 34,253 manggagawa ang one-time P5,000 subsidy ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kanilang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP). Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang nasabing halaga ay tulong sa mga manggagawang lubos na apektado ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ). Maliban sa P5,000 CAMP subsidy, ang DOLE ay nakapag-distribute na rin ng 165,929 family food packs para sa mga manggagawa. Sa kabilang dako, sinabi ni CabSec Nograles na maaaring dumirekta ang mga apektadong manggagawa sa…
Read MoreCategory: COVID-19
COVID-19 POSITIVE SA BANSA, HIGIT 3K NA
NAKAPAGTALA ng 385 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health kaya pumalo na sa 3,018 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit na ito. 29 naman ang bilang na dumagdag sa mga namatay kaya umabot na ito sa 136. Isa naman ang dumagdag sa bilang ng mga nakarekober na sa sakit at nasa 52 na ang kabuuang bilang nito. D. ANIN 195
Read MorePILIPINAS NAGHAHANDA NA SA ‘WORST CASE SCENARIO’
NANINIWALA ang National Task Force na itinatag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na handa na sila sa worst case scenario sakaling tuluyang kumalat nang husto ang coronavirus 2019 disease sa bansa. Ito ay matapos ihayag ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging and Infection Diseases (IATF-EID), na siyang policy-making body ng NTF na pinamumunuan nina OPAP Secretary Carlito Galvez at Health Sec Francisco Duque bilang co-chair, na mayroon nang 1,950 hospital bed capacity na temporary quarantine ang gobyerno. Una rito, inilatag ni NTF Presidential Peace Adviser Galvez Jr.…
Read MorePROTESTA MAIIWASAN KUNG WALANG KUMAKALAM NA SIKMURA
KUNG magpapatuloy ang pagkalam ng sikmura ng mamamayan sa gitna ng enhanced community quarantine, dadami pa ang mga protesta kahit nagbabanta si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga ito. Ito ang paniniwala ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago kasunod ng protesta ng mga taga-Sitio San Roque sa Brgy. Pa-asa, Quezon City na ikinagalit ni Duterte at binantaan ang mga ito na babarilin kapag lumaban sa mga pulis. “Kung laging dadaanin sa takot ni Duterte ang mamamayan kaysa pakinggan niya, at kung patuloy na kakalam ang sikmura ng taumbayan, siguradong mas…
Read MorePASTOR NAGSILBING B-DAY GIFT ANG PAGGALING SA COVID
NAKALABAS na sa pagamutan ang pastor na dinapuan ng COVID-19 sa Calamba, Laguna kaninang alas-10 ng umaga. Ang nasabing pasyente ay na-admit noong Marso 24, 2020 sa Calamba Medical Center. Nagpositibo siya sa coronavirus disease 2019 base sa resulta ng swab test noong Marso 28 bagaman wala siyang travel history abroad. Matapos ang ilang araw na pagpapagamot sa ospital, nakauwi na ngayong araw ang pastor eksakto sa kanyang 66th birthday. Nais niyang i-celebrate ito sa kanyang tahanan sa Brgy. Canlubang, Calamba City. Siya rin ang kauna-unahan sa tatlong COVID Patient…
Read MoreCOVID CASES SA PINAS, 2,633; 51 NAKAREKOBER
NADAGDAGAN pa ng mahigit 300 ang kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa. Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na 322 ang panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw. Dahil dito, pumalo na sa 2,633 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit. May isang pasyente naman ang gumaling dahilan para umabot ang total recoveries sa Pilipinas sa 51. Labing isa naman ang nadagdag sa mga nasawi kaya umakyat na sa 107 ang bilang nito ngayon. Kaugnay nito, ikinatuwa ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang ulat na tatlong residente…
Read More‘DI NAGAMIT NA ENERHIYA SA ECQ ‘WAG SINGILIN SA CONSUMERS
KINALAMPAG ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) at power generating companies (GenCos) na palambutin ang ilang probisyon sa Power Supply Agreement (PSAs) upang hindi magbayad ang consumer sa hindi nagamit na reserbang kuryente dahil bumagsak ang pangangailangan sa enerhiya sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). Sa pahayag, pinangangambahan ni Gatchalian na pagbabayarin ang mga Pinoy consumer sa enerhiya na hindi nakonsumo kung hindi palalambutin ng ERC at GenCos ang probisyon sa PSAs na inaatasan ang mga distribution utilities (DUs) na bumili ng minimum amount ng…
Read MoreNEGOSYO TUTULUNGANG MAKABANGON
MAY ikinakasa na ang Department of Trade and Industry na pagpapatupad ng isang programa na tutulong sa mga negosyante para makabawi at makabangon sa mga nalugi nitong kita dulot ng krisis dahil sa COVID 19. Ayon kay IATF spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, inihahanda na ng DTI ang Enterprise Rehabilitation Financing Program o ERF. Aniya, isang bilyong piso ang inihandang pondo para dito ng gobyerno na ang layunin ay matulungan ang mga bumagsak na negosyo sa paraang sila ay makapagsimulang muli. Layon aniya ng nasabing programa na maagapang magsara…
Read MorePagtugis sa hoarders, scammers ang unahin DEFENSOR SA NBI: STOP THIS STUPIDITY!
“WILL the NBI please stop this stupidity”. Ito ang reaksyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kaugnay ng paghahabol ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga taong tumutulong para labanan ang COVID-19. Ayon kay Defensor, imbes na abalahin ng nasabing ahensya ang kanilang sarili sa pag-iimbestiga sa mga taong tumutulong sa mamamayan sa gitna ng krisis sa kalusugan ay dapat ituon na lamang ang kanilang sarili sa mga tiwaling negosyante na nagtatago ng medical equipments. “They should run after hoarders of medical equipments such as masks, PPEs, gloves among…
Read More