BRP ANG PANGULO IPAGAGAMIT SA COVID PATIENTS

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine Navy na i-convert o gawing isang ospital para sa mga pasyente na may coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang BRP Ang Pangulo, presidential yacht. “Ang Philippine Navy, inalert ko sabi ko yung mga barko ninyo na magaganda, yung Pangulo, yung barko ng presidente ng Pilipinas, maganda ‘yan. Sabi ko sa Navy, gawaing ospital agad, pati magtulong sila ng iba. …Magkukulang tayo sa mga health workers at doctors,” ayon sa Pangulo sa kanyang Presidential Message, Biyernes ng gabi, Abril 3. Pumiyok si Pangulong Duterte…

Read More

P8K CASH, P1,500 FOOD PACKS TINIYAK NI PDUTERTE

EKSAKTONG P5,000 hanggang P8,000 cash ang ipamimigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bawat pamilya ng 18,000 mahihirap na pamilyang Filipino. Iba pa ang P1,500 halaga ng food packs, banggit ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa media makaraang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkoles ng gabi na DSWD na ang “solong mamamahagi” ng tulong-pinansiyal at pagkain sa mga apektado ng coronavirus  disease – 2019 (COVID – 19). Kakambal sa nasabing utos, tinanggal ni Duterte sa local government units (LGUs) ang karapatan at papel sa pamamahagi ng…

Read More

PAGPASA SA NATIONAL ID PINAMAMADALI

KAILANGANG masubaybayan ng gobyerno ang pagpapatupad ng National ID system sa bansa para mapabilis ang pagtugon sa kalusugan at kalamidad sa hinaharap. Paliwanag ni Senador Sherwin Gatchalian, ito ay upang maiwasan na maulit ang mga pagkakamali na nagawa sa pagsubaybay sa mga taong pinaghihinalaang may impeksyon sa COVID-19, ayon kay Senador Win Gatchalian. Ang nasabing batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 2018 ay naglalayong magkaroon ng isang identification card ang bawat Pinoy. Sinimulan ng pamahalaan ang pilot testing ng National ID noong nakaraang taon na orihinal na…

Read More

MAY SINTOMAS, PRAYORIDAD SA MASS TESTING

HINDI lahat ay isasalang sa mass testing sa April 14 kundi iyon lamang mga pasyenteng symptomatic o may sintomas ng COVID-19. Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mayroon pa ring protocol na kailangang sundin sa isasagawang mass testing kaya hindi lahat ng tao sa bansa ay sasailalim dito. Gayunman, pag-uusapan pa, aniya, sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang iba pang mga hakbang para sa mass testing. Una nang sinabi ni Presidential Peace Adviser at National Task Force COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na target ng gobyerno…

Read More

PINAS MAY 8 HEALTH FACILITIES NA PARA SA COVID-19 TEST

MAYROON nang 8 health facilities ang Pilipinas na may kakayahan na magsagawa ng COVID-19 tests. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang 8 health facilities ay ang Research Institute for Tropical Medicine, Baguio General Hospital and Medical Center, San Lazaro Hospital, Vicente Sotto Memorial Medical Center, Southern Philippines Medical Center, University of the Philippines-National Institutes of Health, Western Visayas Medical Center at Lung Center of the Philippines. “At this point, we cannot overemphasize how important it is for our health professionals and workers to properly identify and treat not…

Read More

MAY COVID-19 SA NAVOTAS, UMAKYAT SA APAT

APAT na ang positibo sa COVID-19 sa lungsod ng Navotas, ayon kay City Mayor Tobias Tiangco. Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ng alkalde na nakatanggap siya ng update mula sa City Health Office na mayroon na namang nag-positibo sa COVID-19 sa lungsod, ang pang-apat na kaso ng nasabing sakit. Ayon pa kay Tiangco, ang pasyente ay residente ng Brgy. North Bay Boulevard South Kaunlaran. “Isinugod po siya sa Navotas City Hospital noong March 31 dahil inuubo po siya at hirap siyang huminga. Kinuhanan po siya ng specimen at kanina…

Read More

21 COVID-19 POSITIVE SA MALABON, VALENZUELA

PUMALO na sa 21 ang naitalang mga kaso ng COVID-19 positive sa lungsod ng Malabon at Valenzuela. Ayon sa ulat, mula Abril 1 ay umakyat na sa siyam ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Malabon City kung saan tatlo sa mga ito ang namatay, habang isa naman ang nakarekober. Si patient 9 ay isang lalaking 85-anyos at residente ng Brgy. Bayan-bayanan na binawian ng buhay sa Manila Doctors Hospital. Umakyat naman sa 12 ang naitalang positibo sa COVID-19 sa Valenzuela City matapos na isang 29-anyos na lalaki ang nadagdag na…

Read More

MAY COVID-19 SA MAYNILA, 127 NA

UMAKYAT na sa 127 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa Maynila, ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Sa kanyang Facebook Live, inanunsyo ng alkalde ang nadagdag na 11 pang kaso mula sa 116. Nasa 337 naman ang bilang ng PUIs sa lungsod. Lima ang gumaling na at nagnegatibo na sa naturang sakit na binigyan ng ‘send-off ceremony’ ng Manila Infectious Disease sa Sta. Ana Hospital. Ayon pa sa alkalde, mayroon pang 1,324 na tinutugunan ngayon ang health care workers matapos matanggap ang sagot sa isinagawa nilang online health…

Read More

SOLON SA BOC: NASAMSAM NA BIGAS, PAGKAIN,I-DONATE

UMAPELA si Davao City Rep. Paolo Duterte sa Bureau of Customs (BOC) sa Davao City na i-donate na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nakumpiska at inabandonang shipment ng mga bigas at pagkain. Ginawa ni Duterte ang panawagan upang maipamahagi na ang mga ito sa mga tao na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ). Ayon sa anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, may 100 hanggang 300 container ng bigas ang inabandona o kaya nakumpiska ng BOC sa Davao bukod sa 100 hanggang 300 containers ng mga dried…

Read More