POSITIBO na rin si Congressman Henry Villarica ng Ika-Apat ng Distrito ng Bulacan, sa coronavirus (Covid-19) disease, ayon sa lumabas na resulta mula sa Department of Health-Research Institute for Tropical Medicine (DOH-RITM) noong Huwebes ng gabi. Ayon sa Meycauayan City Information Office, si Villarica ay dinala sa Makati Medical Center noong Marso 18 at nananatili pa rin sa nasabing ospital ngunit maayos naman ang kondisyon. Bagama’t walang nakikitang sintomas ng sakit sa asawa nitong si Meycauayan City Mayor Linabelle Villarica, sumailalim na rin ito sa self-quarantine dahil sa close contact sa kanyang mister. Hindi…
Read MoreCategory: COVID-19
DURANTE: LOCKDOWN ‘DI SA BUONG MALACAÑANG
NILINAW ni PSG commander Colonel Jesus Durante III na magpapatupad ng lockdown ang Presidential Security Group (PSG) sa mga personnel nito at hindi sa buong Malakanyang. Aniya, inatasan niya ang lahat ng PSG personnel na mag-self quarantine epektibo bukas, Marso 28. Wala aniyang PSG personnel ang papayagan na lumabas ng Malacañang Complex hanggang Abril 10. Mananatili naman ang skeletal work force ng OP personnel at papayagan na pumunta sa kani-kanilang ‘respective offices’ sa loob ng Malacañang complex. Iyon nga lamang ay kailangan nilang sumailalim sa regular screening procedures. “The lockdown…
Read MorePSG HINIGPITAN NA ANG PAGTANGGAP NG BISITA NI PDU30
DADAAN na sa butas ng karayom sa higpit ng sistemang ipatutupad ngayon ng Presidential Security Group (PSG) sa pagtanggap ng mga bisita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang magpositibo sa coronavirus disease 2019 si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap na nasa Malacañang nitong nakalipas na Sabado. Sinabi ni PSG Commander Col. Jesus Durante na maliban sa pagtanggap ng bisita ay limitado na rin ang mga pulong ng Chief Executive. Ang huling pulong aniya ng Chief Executive ay ginanap sa Malago clubhouse sa PSG compound at walang personal contact sa mga…
Read MoreGOV’T OFFICIALS NA LUMALABAG SA QUARANTINE PROTOCOLS DAPAT IMBESTIGAHAN – MALAKANYANG
PABOR ang Malacañang na imbestigahan ang mga opisyal ng pamahalaan na lumabag sa health protocols na itinakda ng Department of Health (DOH) kung may reklamo laban sa mga ito. Reaksyon ito ng Palasyo kasunod ng mga batikos laban kina Sen. Koko Pimentel at ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap na kapwa nakihalubilo pa sa publiko kahit persons under investigation (PUIs) na at kalaunan ay nakumpirmang positibo sa COVID-19. Si Sen. Pimentel ay sinamahan pa ang misis sa Makati Medical Center at ito ay nagtungo rin sa supermarket sa Bonifacio Global…
Read MoreCOA DAPAT PA RING MAGTRABAHO KAHIT MAY KRISIS
NILINAW ni Senador Christopher Bong Go na tungkulin pa rin ng Commission on Audit (COA) ang mag-check sa paggastos ng gobyerno sa kanilang pondo. Subalit sinabi ni Go na sa panahon ngayon ng emergency, hindi maaaring maantala ang pagbili ng mga kailangang tulong ng mga ahensiya ng gobyerno para sa pagharap sa krisis ng COVID 19. Aniya, hindi maaaring paghintayin ang pagtulong sa mga mamamayan. Tiniyak naman ni Go na sinabihan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensiya na hindi ito ang panahon ng kurapsyon at mananagot pa rin…
Read MoreKABAGALAN NG DOH, PINUNA NG SENADOR
DISMAYADO si Senador Win Gatchalian sa kabagalan ng testing capacity ng Department of Health (DOH) sa COVID 19. Ito ay makaraang matuklasan ng senador na wala pang bagong pagamutan na nabibigyan ng akreditasyon ng DOH para magsilbing testing centers kahit may mga bagong suplay ng testing kits na dumating sa bansa mula sa South Korea at China para sa commercial use. Binigyang-diin ng senador na kahit matambak ang testing kits ay hindi rin agarang magagamit ang mga ito kung wala namang karagdagang pagamutan na magiging testing centers. Kaugnay nito, pinamamadali…
Read MoreE-PRESCRIPTION IPINAKUKONSIDERA NG DDB
UMAPELA ang Dangerous Drugs Board sa mga doktor, pharmacists at drug store personnel na ikonsidera ang paggamit ng electronic prescription para sa mga gamot kasama ang listahan ng dangerous drugs sa buong bansa habang nasa ilalim ng state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic. Noong nakaraang Linggo, naglabas ng advisory ang DDB na naglalaman ng guidelines sa paggamit ng electronic prescription para sa dangerous drugs. Ito ay nangangahulugan na ang mga pasyente, na may lehitimong pangangailangan, ay maaaring magtanong sa kanilang doktor para ipadala ang photo o electronic copy ng…
Read MoreCOVID POSITIVE SA LAGUNA MULING NADAGDAGAN
NADAGDAGAN pa ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Laguna kahapon. Sa bulletin na inilabas ng Biñan City Information Office ngayong araw ay tatlo na ang positibo sa siyudad. Ang mga bagong pasyente na tinamaan ng virus ay kinabibilangan ng isang lalaki na edad 39, residente ng Carmona Estates, Brgy. Timbao. Wala itong travel history ngunit nakaramdam ng mga sintomas noong Marso 6 at nakumpirma lamang ito nitong nakaraang Marso 21. Sa Calamba City naman ay nakapagtala na rin ng kauna-unahang kaso ng COVID-19. Ang pasyente ay isa ring lalaki…
Read MoreZAMBALES NAGTALA NA NG UNANG KASO NG COVID-19
ISANG balikbayang lalaki ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Zambales. Ayon kay Dr. Noel Bueno, head ng Zambales Provincial Health Office, ang nasabing pasyente ay isang 73 taong gulang na retired US Navy at residente ng Barangay San Gregorio sa bayan ng San Antonio. Base naman sa datos na ibinigay ni Dr. Bueno, ang nabanggit na pasyente ay may travel history mula lalawigan ng Cavite hanggang sa lungsod ng Maynila noong Marso 13 bago ito umuwi sa Zambales noong Marso 15 kung saan ay nakaranas na ito…
Read More