Sen. Angara, Senate staff positibo rin COVID-19 CASES PUMALO NA SA 707

UMAKYAT na sa 707 ang huling bilang ng Department of Health (DOH) sa mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Sa isang virtual presser, kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na hanggang 4:00 ng hapon ng Huwebes ay nakapagtala pa ang DOH ng karagdagang 71 bagong kaso ng sakit, mula sa dating 636 lamang, kaya’t umakyat na ito sa kabuuang 707. Nadagdagan naman ng pito ang mga pumanaw kaya mula sa dating 38, umabot na ito sa 45. Nadagdagan naman ng dalawa ang bilang ng mga pasyente…

Read More

Naka-home quarantine, wala sa ospital BBM TINIYAK NA MAAYOS ANG KALAGAYAN

BONGBONG MARCOS-3

INIHAYAG ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na gumaganda ang kanyang pakiramdam at kasalukuyang sumasailalim sa self-quarantine sa kanyang tahanan. Sa opisyal na pahayag, sinabi ni Marcos na masyado siyang nasiyahan at nagulat sa dami ng nag-aalala sa kanyang kondisyon pero tiniyak na walang dapat ipag-alala ang lahat dahil bumubuti ang kanyang kalagayan, taliwas sa kumakalat na balita. “I am deeply touched and overwhelmed by your concern over my condition. Don’t worry, I am doing ok and contrary to popular belief, I am home on self-quarantine,” ayon kay Marcos.…

Read More

Para sa pagbili ng medical supplies at PPE P14-M NA CASH DONATION TINURNOVER NG GLOBE SA PGH

MATAGUMPAY na nakalikom ang Globe ng P14-M na kanilang tinurnover sa PGH Medical Foundation, Inc. (PGH-MFI). Ang nasabing halaga ay nakalap sa pagtutulungan ng loyal Globe customers na nag-donate ng mahigit sa P9-M sa pamamagitan ng kanilang rewards points, at ng initial pledge ng kumpanya na P5-M na cash donation. Bahagi ito ng marubdob na pagsisikap ng telco na makapagkaloob ng kagyat na tulong sa medical frontliners sa PGH, na itinalaga ngayon bilang eksklusibong COVID-19 hospital ng Department of Health (DOH). Ang pondo ay ginamit ng PGH-MFI sa pagbili ng…

Read More

RIZAL GOV POSITIBO SA COVID-19

KINUMPIRMA sa Facebook post ni dating Antipolo City Mayor Junjun Ynares III na tinamaan ng coronavirus disease ang inang si Rizal Governor Rebecca Alcantara-Ynares. Nasa stable naman aniyang kondisyon kahit at nasa isolation na ang gobernadora. Minabuti na rin nilang ilagay sa isolation ang amang si dating Governor Ito Ynares. Hinala ng pamilya Ynares, nakuha ni Gov ang virus sa araw-araw na pag-iikot sa kanilang mga kalalawigan para alamin ang mga pangangailangan sa pinaiiral na Enhanced Community Quarantine. Kaugnay nito, pinayuhan ng dating alkalde ang mga nakasalamuha ni Gov Ynares na…

Read More

BALIWAG MAYOR LIGTAS NA SA COVID-19

BULACAN – Ligtas na si Baliwag Mayor Ferdie Estrella sa coronavirus disease (COVID-19) at handa na muling magtrabaho, makaraang magnegatibo sa ikalawang pagsusuri sa nasabing nakamamatay na sakit. Samantala, dalawa pang COVID cases ang kumpirmadong nadagdag sa talaan ng Bulacan Provincial Health Office kaya’t umakyat na sa sampu ang naitalang tinamaan ng naturang sakit. Ayon kay Baliwag Municipal Administrator Eric Tagle, inaaasahang anumang araw mula ngayon ay magsisimula na sa kaniyang trabaho bilang ama ng bayan ng Baliwag si Mayor Estrella upang agarang maihatid ang “Serbisyong May Malasakit”. Nais umano…

Read More

UNANG COVID-19 CASE SA CALAMBA NAITALA, 2 NAMAN SA SAN PEDRO

LAGUNA-Nakapagtala na ng unang kaso ng coronavirus disease 2019 ang lungsod ng Calamba. Ang pasyente ay isang lalaki na edad 45 at nagmula sa Barangay Canlubang. Isa siyang asymptomatic o hindi kinakitaan ng sintomas at may travel history sa ibang bansa. Sa huling ulat, mayroon nang 85 persons under investigation o PUIs ang lungsod at 1,313 persons under monitoring (PUMs). Pinaalalahanan ni Mayor Justin Chipeco ang mamamayan ng Calamba na sumunod sa mga patakaran ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil walang sinisino ang nakakamatay na sakit. Samantala, tinutunton na…

Read More

HOME GARDENING PARA IWAS BURYONG

IMINUNGKAHI ni Senador Cynthia Villar sa sinomang nababagot sa bahay habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ) na magsagawa ng home gardening na bukod sa magiging produktibo ang panahon, may inaasahan pang aanihin pagdating ng oras. Sa pahayag, sinabi ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food and on Environment and Natural Resources, na magandang oportunidad ang work suspension at mandatory home stay para makapagsimula ng makabuluhang gawain sa bahay. “Sa atin na nasanay na laging may ginagawa, nahihirapan tayo paano papalipasin ang oras. Planting is something you can…

Read More

COVID-19 UPDATE

636 – nagpositibo 26 – nakarekober 38 – nasawi INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 636 ang kabuuang bilang ng mga pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Sa case bulletin na inilabas ng DOH, hanggang alas-4:00 ng hapon ng Miyerkoles, Marso 25, ay nakapagtala pa sila ng karagdagang 84 na bagong kaso ng sakit, mula sa dating 552, kaya umakyat sa 636 ang confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas. Nadagdagan din ng tatlo ang mga namatay sa sakit na mula sa dating 35…

Read More

LGUs, BRGY. OFF’LS NA PASAWAY KASTIGUHIN

PUNA

ITINUTURO ng ilang delivery trucks, health workers at mga manggagawa na kaya hindi sila nakakarating sa kani-kanilang patutunguhan dahil sa mga pasaway na Local Government Units (LGUs) at barangay officials. Hindi raw po kasi sila pinadadaan ng mga ito sa kani-kanilang ipinatutupad na sariling lockdown sa kanilang lugar. Kung anu-ano raw pong mga dokumento ang hinahanap ng mga ito sa mga dumadaan sa kanila. Kaya hindi tayo magtataka kung bakit nauubusan na ng stocks na paninda sa mga groceries at supermarkets. Duda tuloy ng mga delivery truck na gustong manghingi…

Read More