TINIYAK kahapon ni Senadora Grace Poe na makararating sa lahat ng mamamayang Filipino ang pondong P200 bilyon na kakailanganin ayuda habang isinasakatuparan ang enhanced community quarantine sa Luzon hanggang Abri 14. “We support the government’s move to provide more funds to combat and mitigate the impact of COVID-19,” banggit ni Poe. Idiniin din ni Poe na “We have to ensure that adequate funds are earmarked for social assistance. These funds need to reach the poorest of the poor, not only in Luzon, but all over the country.” Inilabas ng senadora ang kanyang…
Read MoreCategory: COVID-19
PONDO VS COVID HUWAG TIPIRIN – MARCOS
INIHIRIT ni Senador Imee Marcos na maglaan ang pamahalaan ng emergency budget na P750 bilyon kontra sa COVID-19 sa harap ng isasagawang special session ng Kongreso ngayong araw ng Lunes. Ayon kay Marcos, bilang Senate commitee on economic affairs chair, ang P750 bilyong emergency package na tinawag na Pag-ASA o Alaga, Sustento at Pag-angat, ay naglalayong mapabilis at magtuluy-tuloy ang suporta at proteksyon ng mga health worker, pagkain at tulong pinansyal sa mahihirap na Pinoy at stimulus package sa mga industriyang matinding tinamaan ng virus na may milyun-milyong mga manggagawa. Naniniwala si…
Read MoreIbibigay sa virtual session ng Kongreso EMERGENCY POWER KAY PDU30
TULOY na ngayong umaga (Lunes) ang virtual special session ng dalawang Kapulungan ng Kongreso para pagkalooban ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap sa coronavirus disease o COVID-19. “Congress will be granting President Rodrigo Duterte the authority to specifically realign government funds for food, allowances to help the affected families, boost the medical requirements of the people and protection of those who are in the frontline especially our doctors, nurses and all medical personnel,” ani House majority leader Martin Romualdez. Subalit sa panukalang batas na inakda ni Albay…
Read MoreP50-B ATRASO NG POGO SINGILIN NA
IGINIIT ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na piliting singilin ang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa P50 Billion buwis na hindi nila binayaran noong 2019 ngayong kailangan ng gobyerno ng pondo para labanan ang COVID-19. Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang nasabing pahayag dahil nangangailagan ang gobyerno ng malaking pondo para sa laban kontra COVID-19 at pantulong sa mga apektadong sektor ng lipunan lalo na ang mga manggagawa. “If only the PAGCOR and BIR could compel these POGOs from paying their tax due…
Read MoreMAG-AMANG COVID POSITIVE SA BULACAN PUMANAW NA
BULACAN – Binawian na ng buhay ang mag-ama na kumpirmadong dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), mula sa bayan ng San Ildefonso, ayon sa ulat ng Provincial Health Office (PHO) noong Sabado. Pinangangambahan namang kontaminado na rin ng nakamamatay na sakit ang kanilang buong pamilya makaraang mabatid na bago nakitaan ng sintomas ang mag-ama ay nagdaos pa sila ng birthday party. Base sa report ni Dra. Joy Gomez, director ng Bulacan PHO, namatay noong Biyernes ang 89-anyos na ama. Naunang pumanaw ang 65-anyos nitong anak noong Marso 17 na umuwi…
Read MoreDILG : LGUs, BRGY. OFF’LS NA PASAWAY AARESTUHIN
NAGBABALA ang Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa mga Local Government Unit at Barangay officials na ipapaaresto ang mga ito kapag naging pasaway. Ginawa ng DILG ang babala matapos may natanggap na reklamo na may mga abusadong LGUs at barangay officials na sinasamantala ang enhance community quarantine (ECQ) para gamitin na makalap sila ng pondo para sa personal na pangangailangan. Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Ano na kapag napatunayan nilang may LGUs at barangay officials na nasasangkot sa ilegal na gawain ay siguradongnsususpindehin o ikakalaboso. “Certainly they…
Read MoreDUQUE NEGATIBO SA COVID-19
KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na nagnegatibo na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Health Secretary Francisco Duque III. Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, lumabas na ang resulta ng COVID test na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kay Duque nitong Sabado ng gabi at lumitaw na negatibo siya sa naturang virus. Sa kabila nito, mananatiling naka-home quarantine ang kalihim ngunit tuloy ang pagtatrabaho nito. Nauna rito, kusang nag-home quarantine si Duque matapos magkaroon ng close contact sa isang direktor ng DOH na nagpositibo sa…
Read MoreCOVID – 19 cases sumirit 73 KASO NAITALA SA MAGDAMAG
UMAKYAT na sa 380 ang kumpirmadong COVID -19 cases sa bansa matapos makapagtala ng 73 na bagong kaso sa loob lamang ng magdamag. Nabatid kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, 380 na ang confirmed COVID-19 cases sa bansa hanggang ngayong umaga lamang ng Linggo, mula sa dating 307 kaso na naitala nila hanggang 4:00 ng hapon ng Sabado. Ang mga pasyente aniya ay binigyan ng patient ID number na PH308-PH380. Samantala, kinumpirma rin ni Vergeire na nadagdagan ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit sa nakalipas na magdamag. Iniulat niya na…
Read MoreRAKET SA DISINFECTION, NABUKING NG PNP
IBINULGAR ng liderato ng Philippine National Police ang modus operandi ng mga mapagsamantala sa umiiral na coronavirus disease outbreak sa bansa para pagkakitaan. Kahapon ay naglabas ng babala ang PNP-Joint Task Force-COVID Shield sa publiko laban sa tinatawag na “disinfect and sanitation” scams kasunod ng coronavirus disease (COVID-19) crisis. Ayon kay TF-CV Shield commander, P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang national government at local government units lamang ang maaaring gumawa ng nasabing mga hakbang. Kasabay nito, hinikayat ni Gen. Eleazar ang publiko na agad i-report sa mga awtoridad ang mga indibidwal…
Read More