3 LALAWIGAN UNDER MECQ

ISINAILALIM ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa modified enhanced community quarantine mula Mayo 10 hanggang Mayo 23, 2021 ang mga lalawigan ng Cagayan, Apayao at Benguet. Ang tatlong nabanggit na lalawigan ay mula sa ilalim ng general community quarantine (GCQ). Ang hakbang na ito ng IATF ay batay sa rekumendasyon ng Screening and Validation Committee at nakasaad sa Resolution No. 114-C ng IATF. Hindi naman kasama sa ilalim ng MECQ ang Baguio City. Sa ulat, tuloy lang sa kasalukuyang lockdown classification ang punong rehiyon ng Pilipinas bilang pagtugon ng gobyerno…

Read More

GCQ SA NCR PLUS POSIBLE SA MAYO 15

MAARING ilipat sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at apat na kalapit-lalawigan na mas kilala bilang “NCR Plus bubble” matapos ang Mayo 14, 2021. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, batay sa “formula,” gaya ng health care utilization rate, daily attack rate, at reproduction number, posible na isailalim sa GCQ ang NCR Plus bubble. Ani Sec. Roque, ang health care utilization sa Metro Manila ay ibinaba sa “moderate risk” category, ang attack rate ay nababawasan at ang reproduction number ay “less than 1” na. Magkagayon pa man, nananatiling…

Read More

93% COVID RECOVERIES NAITALA SA QC

NAKAPAGTALA ng 93% recoveries o katumbas ng 82,182 na gumaling mula sa COVID-19 ang Quezon City. Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), nasa 4,406 ang kumpirmadong active cases mula sa 87,630 na kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa lungsod. Dumaraan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa Department of Health (DOH) para masigurong ang mga pasyente ay mga residente ng Quezon City. Ayon pa sa kanila, maaaring magbago pa ang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil…

Read More

11 PA TUMBA SA COVID SA CALOOCAN

TANGING ang Caloocan City ang nakapagtala ng bagong namatay sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area, sa bilang na 11 noong Mayo 8. Habang umakyat sa 1,555 ang active cases at naitala ang total confirmed cases sa 28,142. Sa bilang na ito ay 25,782 na ang gumaling at 805 na ang namatay, na pinakamarami sa CAMANAVA. Sumegunda naman sa dami ng active cases ang Valenzuela City na may 1,071 aktibong kaso makaraang 129 ang nagpositibo at 164 ang gumaling. Pangalawa rin ang lungsod sa dami ng kumpirmadong kaso…

Read More

SERBISYO NG COVID REFERRAL CENTER MAS MAGIGING MAAYOS NA

MAAARI nang makapagbigay ang One COVID-19 Referral Center ng mas maayos at pinagbuting serbisyo sa callers sa oras na mailipat na ang headquarters nito sa mas malaking venue. Ayon kay treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega, nakagawa na ng kasunduan ang pamahalaan na ilipat ang referral center’s headquarters sa Philippine International Convention Center mula sa Metro Manila Development Authority complex. “The MMDA complex is becoming small for the number of workers and the number of gadgets that we have for the command,” ayon kay Vega. “Siguro po mga middle…

Read More

SUPPLEMENTS NA PANLABAN SA COVID-19, PAYAGAN HABANG NAGHIHINTAY NG BAKUNA

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa Food and Drugs Administration (FDA) na payagan muna ang paggamit ng iba’t ibang supplement na sinasabing kayang lumaban sa COVID-19 habang patuloy pang naghihintay ng bakuna. Kasunod ito ng pagbibigay ng FDA ng Certificate of Product Registration sa Ivermectin. “Nagpapasalamat naman tayo sa FDA kahit paano may compassionate use, sana ang registry na ‘yan mamunga sa emergency use na. Ang Ivermectin naman may human dose naman noon pa, kaya ako nagtataka bakit kelangan pa ng bagong pagrerehistro,” diin ni Marcos. “Nagkakaubusan na ng vitamins,…

Read More

COVID DEATHS SA CAMANAVA, LAGPAS 2K NA

UMAKYAT na sa 2,005 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area makaraang madagdagan ng 11 bagong namatay noong Mayo 7 ang tatlo sa apat na lungsod. Ayon sa ulat, anim ang namatay sa Caloocan City na umabot na sa 1,560 ang active cases. Naitala sa 27,943 ang confirmed cases sa lungsod, habang 25,589 ang recoveries at 794 na ang namatay. Tatlo naman ang namatay sa Navotas City at 344 ang active cases matapos na 12 ang nagpositibo at 37 ang gumaling. Pumalo…

Read More

56 bagong nadagdag 1,994 COVID DEATH TOLL SA CAMANAVA

UMABOT na sa 1,994 ang death toll sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area makaraang muling nadagdagan ng 56 bagong namatay nitong Mayo 6, ayon sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, 39 ang namatay sa Valenzuela City sa nabanggit na petsa at lumobo sa 1,106 ang active cases habang 16 lamang ang gumaling at 341 ang nagpositibo sa virus. Kasalukuyang 18,101 ang confirmed cases sa lungsod, 16,538 ang recoveries at 457 na ang namatay. Samantala, 12 naman ang bagong namatay sa Caloocan City at…

Read More

1,121 COVID DEATHS SA MAYNILA

INIULAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa publiko na umabot na sa kabuuang 1,121 indibidwal ang namatay sa COVID-19 sa lungsod hanggang noong Mayo 6, 2021. Ayon sa alkalde, kabilang sa mga binawian ng buhay dahil sa nasabing karamdaman ay isang barangay chairman, na malapit nitong kaibigan. Samantala, muli namang nanawagan si Moreno sa publiko na magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa sakit. Paliwanag nito, kung bakunado na ang isang indibidwal, dapuan man siya ng COVID-19 ay hindi na siya makararanas pa nang malala o…

Read More