Navotas may pinakamababang attack rate sa NCR CALABARZON COVID CASES BUMABA

BUMABA na sa 23,039 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Calabarzon matapos makapagtala ng 1,911 panibagong kaso ang Department of Health Region 4-A noong Mayo 11, 2021. Ang lalawigan ng Cavite ay nakapagtala ng 573 bagong kaso, ang Laguna ay 448; Batangas, 209; Rizal, 518; Quezon, 147, at Lucena City, 16 news cases. Nasa 118,204 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling habang 4,066 naman ang namatay. Samantala, muling naitala ng Navotas City ang pinakamababang bilang ng bagong COVID-19 cases kada araw sa lahat pamahalaang lokal sa…

Read More

Sa one time, bigtime ops sa QC 3,200 HEALTH PROTOCOL VIOLATORS ARESTADO

UMABOT sa 3,200 katao na health protocol violators ang nahuli sa “one-time, bigtime” na operasyon ng Department of Public Order and Safety, QC Police District, Task Force on Transport and Traffic Management, Task Force Disiplina, at Market Development and Administration Department sa 142 barangays sa nasabing siyudad. Ang mga lumabag ay dinala sa Quezon Memorial Circle para sa kaukulang documentation at lecture kaugnay sa mga ordinansa na may kinalaman sa minimum health protocols ng siyudad. Sila ay inisyuhan ng Ordinance Violation Receipts (OVR) na may kaakibat na multa na halagang…

Read More

27 LUGAR SA QC LOCKDOWN PA RIN

NANANATILING nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang 27 lugar sa Quezon City dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19. May lugar lamang na tinutukoy na sakop ng SCLA at hindi ang buong barangay. As of May 11, 2021, iniulat ng Quezon City na ang mga lugar na sakop ng SCLA ay ang isang lugar sa Scout Gandia St., Brgy. Sacred Heart; isang lugar sa Iriga St., Brgy. Sta. Teresita; bahagi ng Gen. Yengco, Brgy. Bagong Silangan; isang lugar sa Del Mundo St., Saint Martin…

Read More

20 NADAGDAG SA CAMANAVA COVID DEATHS

UMABOT sa 20 katao ang naitalang bagong namatay sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Mayo 10, ayon sa city health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, walo ang bagong namatay sa Valenzuela City at 608 ang active cases matapos na 589 ang gumaling at 134 ang nagpositibo sa virus. Pumalo na sa 18,364 ang confirmed cases sa siyudad, kung saan 17,291 na ang gumaling at 465 ang namatay. Pito naman ang patay sa Caloocan City at 1,318 ang active cases. Sumampa na sa 28,353 ang confirmed…

Read More

BAKUNA SA HOUSE EMPLOYEES UMUSAD NA

SINIMULAN na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbabakuna sa kanilang mga empleyado nitong Martes. Ayon kay House of Representatives Covax head at Bataan Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia II, unang binabakunahan ang mga empleyado na kabilang sa A2 o senior citizens at people with disabilities (PWDs) at A3 o ang mga maysakit. Nangilan-ngilan lamang ang health officials at staff ng Kamara na nasa A1 category kaya isinama na ang A2 at A3 ngunit hindi sinabi ni Garcia kung ilan ang mga ito. Ang Kamara ay mayroong mahigit 2,000 empleyado…

Read More

LESS 2K COVID CASES NA LANG KADA ARAW SA MM

HINDI na aabot sa 2,000 ang bilang ng mga nagkakaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kada araw sa Metro Manila (MM), ayon sa OCTA Research Group. Sa eksakto, umaabot na lamang ito sa 1,930 bawat araw sa loob ng isang linggo, pahayag ni Prof. Guido David. Bahagyang mababa ito kumpara sa naunang isang linggo, patuloy ni David. Mas mababa aniya ang 1,930 ng 65 porsyento kumpara noong kasagsagan ang taas ng bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19 sa MM. Umaasa si David na magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19…

Read More

16M PANG BAKUNA PAPARATING

INAASAHAN na darating sa Pilipinas sa second quarter ng 2021 ang 16 milyong bakuna. Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na inaasahan ng pamahalaan ang 7,308,400 vaccine doses ngayong buwan ng May at 9,150,000 doses naman sa Hunyo. “So bago po matapos po ang buwan ng June, ine-expect po natin na mayroon na po tayo sa ating inventory na 20,514,000 doses,” ayon kay Galvez sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Dutere, Lunes ng gabi. Sa ngayon, nakatanggap na ang bansa ng kabuuang 7,571,000 doses mula…

Read More

Kapag nalusutan sa quarantine guidelines BARANGAY CHIEFS MANANAGOT

PINAALALAHANAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga barangay official na mahigpit na ipatupad ang community quarantine guidelines sa kani-kanilang hurisdiksyon o mananagot sila sa batas. Ito’y matapos na ihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na ang Caloocan City government ay nakatakdang maghain ng reklamo laban sa mga barangay official at nagmamay-ari ng Gubat sa Ciudad Resort na napag-alamang nag-o-operate sa kabila ng ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lungsod. Sa larawan na nag-viral sa social media, dinagsa ng tao ang nasabing resort na dapat ay sarado kahit…

Read More

VACCINE ROLLOUT SA PH MAAAYOS DIN

POSITIBO si Senate committee on health chairman Senator Christopher “Bong” Go na maaayos ang vaccine rollout ng pamahalaan bagama’t totoong mayroong kakulangan sa suplay sanhi ng global demand. Sa pahayag, sinabi ni Go na ang mahalaga ay tuloy-tuloy ang pagdating ng bakuna tulad ng 1.5-million doses ng Sinovac mula sa China at 2,030,000 doses ng AstraZeneca vaccine na gagamitin para sa second dose ng mga frontliner. Iginiit ni Go na mahalagang hindi matigil ang pagbabakuna habang pinag-aaralan ng gobyerno ang pag-shift mula sa MECQ patungong general community quarantine bagamat mahirap…

Read More