BOKAL NA EX-CELEBRITY, PAMILYA TINAMAAN NG COVID-19

DINAPUAN ng COVID-19 ang dating actress at ngayo’y 3rd District Board member ng Laguna na si Angelica Jones o si Angelica Alarva sa tunay na buhay. Nahawaan din ng COVID-19 ang 62-anyos na ina ni Jones na si Beth at 8-anyos nitong alak. Kasalukuyang nagpapagaling sa San Pablo City District Hospital ang mga ito habang ang ina ay nasa Intensive Care Unit ng nasabing ospital. Symptomatic si Jones na nang makaramdam ng hirap sa paghinga ay agad nagtungo sa ospital upang magpa-confine. Sinabi nito na puno na rin ang mga…

Read More

LIBRENG CREMATION SA NAMATAY SA COVID-19 SA MAYNILA

INANUNSIYO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na libre ang cremation sa mga namatay dahil sa COVID-19 sa Manila North Cemetery sa Blumentritt St., Sta. Cruz, Manila. Ayon sa alkalde, para lamang sa mga residente ng Maynila na may namatay na kaanak dahil sa COVID-19, ang libreng cremation. Layunin nitong mapagaan ang pasanin ng mga residenteng namatayan ng kaanak dahil sa COVID-19. Sinabi pa ng alkalde, upang ma-avail ang libreng cremation ay kailangan lamang na ipresinta ang death certificate, ID ng miyembro ng pamilya o kamag-anak at dokumento na…

Read More

25 pa nadagdag COVID DEATHS SA CAMANAVA ‘DI MAAWAT

MULING nakapagtala ng 25 namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area nitong Abril 12. Ayon sa ulat, sampu ang patay sa Caloocan City at 1,282 ang active cases. Umakyat na sa 21,221 ang confirmed cases sa lungsod, kung saan 19,315 na ang gumaling at 624 na ang namatay. Sampu rin ang namatay sa Valenzuela City at 987 ang active cases matapos na 147 ang gumaling at 220 ang nagpositibo. Sumampa na sa 14,633 ang tinamaan ng COVID sa lungsod at sa bilang na ito ay 13,284 na…

Read More

COVID-19 BEDS DARAGDAGAN

DAHIL sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa PhilHealth na magbayad sa mga ospital na mayroong unpaid COVID-19 claims, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na marami sa mga private, national government at LGU-hospitals ang nag-commit na dadagdagan ang COVID-19 beds lalo na sa NCR Plus. Ito aniya ang isa sa mga naging kritikal na basehan ng Inter-Agency Task Force (IATF) para magrekomenda na magluwag nang kaunti at gawing MECQ ang klasipikasyon sa NCR Plus. “Eto naman po ang sumatotal na nadagdag na healthcare capacity habang tayo ay nasa…

Read More

Kasunod ng secret meeting sa Palasyo PNP, FDA SANIB-PUWERSA VS IVERMECTIN

(NELSON S. BADILLA) KIKILOS na ang dalawang ahensiya ng pamahalaan laban sa Ivermectin makaraang maganap umano ang isang importanteng “secret meeting” sa Palasyo ng Malakanyang tungkol sa nasabing gamot. Nabatid ng SAKSI Ngayon na nagkaroon ng pulong sa Palasyo kung saan tinalakay ang agresibong pagharang sa gamot na Ivermectin. Biglang sumikat ang Ivermectin dahil mayroong mga doktor na seryosong iligtas ang mamamayang Pilipino laban sa napakabagsik na epekto ng coronavirus disease-2019 (COVID-19). Hindi ipinaalam sa SAKSI Ngayon kung sinu-sino ang nagsipagdalo sa nasabing secret meeting. Ngunit, nabanggit ng sources na…

Read More

10 PA PATAY SA COVID-19 SA CALOOCAN, NAVOTAS

SAMPU ang namatay sa Caloocan at Navotas dahil sa COVID-19 sa pinakahuling ulat ng city health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, pito ang patay sa Caloocan City at 1,437 ang active cases noong Abril 11. Umakyat sa 20,991 ang kumpirmadong kaso sa lungsod, kung saan 18,940 na ang gumaling at 614 na ang namatay. Tatlo naman ang patay sa Navotas noong Abril 10 at 1,407 ang active cases. Sumampa na sa 9,435 at tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, at sa bilang na ito ay 7,756 na ang…

Read More

IMPORTED MEAT, SURIIN DIN SA COVID-19

HINIMOK ni Senador Grace Poe ang Department of Agriculture (DA) na tiyaking hindi kontaminado ng COVID-19 ang mga pumapasok na imported na karne ng baboy. Sa gitna ito ng pagpapalabas ng executive order na nagtataas ng maximum allowable volume ng importasyon ng karne at pagbaba ng taripa. Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, pinakumpirma ni Poe sa Department of Agriculture ang ulat na namamalagi rin ang COVID 19 virus sa frozen meat. “May tanong po ako, siyempre ang ating pinag-uusapan ngayon ay tungkol ho dito sa ASF pero…

Read More

OPERASYON NG IBA PANG NEGOSYO BUBUKSAN NA RIN

KUNG may pagbabawal at paghihigpit na payagan ang mga establisimyento sa ‘NCR Plus’ bubble ay may ilan din naman ang pinayagan na mag-operate subalit limitado lamang. Bahagi ng guidelines na ipatutupad sa ‘NCR Plus’ bubble na nakasaad sa Omnibus Guidelines On The Implementation of MECQ sa bansa ang payagan ang ilang establisimyento na mag-operate subalit “at a maximum of 50 percent on-site capacity”. Ilan sa mga ito ay ang media establishments at ang kanilang total permanent staff complement, kasama na ang mga reporter at iba pang field employees. • Dental,…

Read More

Defensor ilalaban ang Ivermectin kontra COVID-19 PUBLIKO DESPERADO NA SA GAMOT

(BERNARD TAGUINOD) HINDI masisisi si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at ang iba pang mga sumasang-ayon at ipinaglalaban ang Ivermectin dahil desperado na umano ang mga tao na magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19. Ito ang tinuran ni dating Health secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin lalo na’t wala aniyang sapat na supply ng bakuna sa bansa at tumataas pa ang bilang ng mga Pilipinong tinatamaan ng nasabing virus. “Hindi mo sila masisi dahil deperado na sila kasi walang bakuna,” ayon sa mambabatas bagama’t sinabi nito na kailangan pa…

Read More