ECQ EXTENSION NAKAUMANG

(JESSE KABEL) POSIBLENG mapalawig pa ang enhanced community quarantine na ibinalik simula nitong Lunes. Ito ang inihayag kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, chairman ng National Task Force Against COVID-19. Ayon kay Sec. Lorenzana, bukas ang pamahalaan sa lahat ng hakbangin para mapigilan ang muling paglobo ng coronavirus sa bansa kabilang na ang pagpapalawig sa ipinatutupad ngayong isang lingo ECQ sa Metro Manila at apat na lalawigan sa paligid nito. Nabatid sa kalihim na pinag-aaralan din ng pamahalaan kung sapat ang isang linggong ECQ para matigil ang pagtaas ng COVID-19…

Read More

HARD LOCKDOWN SOLUSYON SA COVID SURGE – DOH

“HARD lockdown”, o “enhanced community quarantine” (ECQ) ang kagyat at mabisang solusyong iginigiit ng Department of Health (DOH) upang huwag matuloy ang 430,000, o mas marami pa rito, na madadagdag sa bilang ng mga taong magkakaroon ng coronavirus disease-2019 (COVID – 19) sa huling araw ng Abril. Kaya, nanindigan ang pamunuan ng DOH, sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na si Undersecretary Maria Rosario Vergeire na muling ipatupad ang ECQ sa National Capital Region (NCR), Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan mula kahapon, Marso 29, hanggang Abril 4. Noong Marso hanggang Mayo…

Read More

22.9M PINOY LANG MAY AYUDA

AABOT lamang sa 22.9 million beneficiaries ang mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan sa ilalim ng expanded Social Amelioration Program (SAP). Ang mga benepisyaryong ito ay nasa lugar na nasa ng ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng isang linggo. Sinabi ni DBM Sec. Wendel Avisado na base ito sa population statistics mula sa DSWD at NEDA. “Bale po sa puntong iyan. we are guided by data given to us both by DSWD and NEDA. And based on the latest population statistics from NEDA, there are estimated 22.9 million…

Read More

Source ng hawaan sa government offices GOV’T OFFICIALS NO. 1 PASAWAY

(BERNARD TAGUINOD) NAGING “source of infection” sa COVID-19 ang ilang government offices kaya biglang dumami ang kaso kung saan sa mga nagdaang araw ay hindi bumababa sa 9,000 ang naitalang nagpositibo sa nasabing virus. Isa ito sa mga labis na ikinadismaya ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso matapos makatanggap ng report na mula sa government offices ang mga tinamaan ng COVID-19. “I am also frustrated that some government offices have become sources of infection. We received information from the Quezon City Government that some 310 cases this year…

Read More

Sa Maynila at Caloocan PAGBABAKUNA SA SENIORS SINIMULAN

NAGSIMULA nang rumatsada sa lungsod ng Maynila at Caloocan ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa senior citizens. Sa inilabas na schedule ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kabilang sa senior citizens na binakunahan noong Marso 29 ay ang mga taga-Barangay 128 at 32 sa District 1; Barangay 154 at 210 sa District 2; Barangay 345 at 377 sa District 3; Barangay 576 at 419 sa District 4; Barangay 704 at 803 sa District 5, at Barangay 627 at 604 sa District 6. Una na ring nabakunahan ang senior citizens…

Read More

7 PA PATAY SA CALOOCAN, MALABON

TATLO pa ang nadagdag na namatay sa COVID-19 sa Caloocan City at apat naman sa Malabon City noong Marso 28. Umakyat na sa 117,352 ang confirmed cases sa Caloocan, kung saan 15,699 na ang gumaling, 1,115 ang active cases at 538 ang death toll. Ayon naman sa Malabon City Health Department, 47 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing petsa at sa kabuuan ay 9,072 na ang positive cases, sa bilang na ito ay 1,061 ang active cases. Habang 74 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan…

Read More

POGO BUILDING GAGAWING COVID ISOLATION FACILITY

CAVITE – Pansamantalang gagawing isolation facility para sa COVID-19 patients ang nakatiwangwang na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) facilities sa Imus City sa lalawigang ito. Ayon kay Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, dahil sa dumaraming bilang ng mga COVID-19 positive sa bansa, maging ang Lungsod ng Imus ay namomoblema na rin dahil puno na ang anim na ospital kaya naisipan na pansamantalang ipagamit ang nakatiwangwang na POGO building. Ang POGO building ay matatagpuan sa Brgy. Palico 4 ng naturang Lungsod. Ang pasilidad ay orihinal na itinayo para sa in-house POGO…

Read More

Pagtutol ng gobyerno sa Ivermectin bubusisiin ni Defensor PANDEMYA O ‘CORONA’?

DESIDIDO ba ang gobyernong supilin ang pandemya sa COVID-19 o sadyang pinababagal nila ang pagsugpo rito para sa kapakinabangan ng kanilang mga kaalyado sa halalan sa 2022? Isa lamang ito sa mga katanungang umiikot ngayon sa ilang Viber groups kasunod ng inaaning suporta ng paggamit ng Ivermectin bilang isa sa mga posibleng lunas sa COVID-19. Sa Kamara, maghahain ng resolusyon ngayong araw si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor upang alamin ang mga dahilan ng gobyerno lalo na ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) sa pagtutol…

Read More

SA CAMANAVA: 10 PA PATAY, ACTIVE COVID CASES – 4,386

SAMPUNG muli ang namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 27 at umabot na sa 4,386 ang active cases. Ayon sa ulat, apat ang patay sa Malabon City, 64 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 9,025 ang positive cases sa lungsod, 1,092 dito ang active cases. Habang 82 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 7,623 ang recovered patients ng siyudad at 310 na ang death toll. Tatlo naman ang patay sa lungsod ng Valenzuela at 854…

Read More