UMABOT na sa 188 miyembro ng Manila Police District ang kumpirmadong positibo sa COVID-19. Ito ang kinumpirma ni P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco makaraang 12 pulis sa Del Pan Police Station 12 at Barbosa Police Station 14 ang naitalang bagong positibo. Sa Malate Police Station 9 ay sampu ang naitala habang sa Raxabago Police Station 1 ay naitala ang 10 positibo. Samantala, sa Binondo Police Station 11 at sa headquarters ng MPD sa D-7 ay 14 ang kumpirmadong naitalang nagpositibo sa COVID-19. Ayon kay Gen. Francisco, kasalukuyang nasa quarantine facilities…
Read MoreCategory: COVID-19
COVID CASES SA PNP SUMIPA SA 14,283
ISANG 45-anyos na lalaking non-commission police officer (NCPO) na nakatalaga sa PNP-National Capital Regional Police Office, ang pumanaw at nadagdag sa bilang ng mga pulis na namatay dahil sa COVID-19 nitong nakalipas na linggo. Ayon kay P/Lt. General Guillermo Eleazar, PNP Deputy Chief for Administration, nasa 37 na ang naitalang COVID-19 death toll sa hanay ng pulisya kasunod ng pagkamatay ng isang 45-anyos na NCPO na nakatalaga sa Metro Manila. Sa report na inilabas ng PNP Health Service, nasa 185 bagong COVID-19 cases ang naitala noong Sabado at 13 sa…
Read More2 TIMBOG SA PEKENG SWAB TEST RESULTS
ARESTADO sa inilatag na entrapment ng mga tauhan ng Manila Police District ang dalawang lalaking sangkot sa paggawa ng pekeng swab test results ng COVID-19. Swak sa kulungan ang mga suspek na sina Mark Paclian y Boydon, 37, may asawa, at Bryan Dizon y Rodriguez, 19, binata, kapwa walang trabaho at nakatira sa #929 R. Hidalgo St., Quiapo, Manila. Ang dalawa ay kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Article 172 (Falsification by private individuals and use of falsified documents), Article 176 (Manufacturing and possession of instruments or implements for falsification)…
Read MoreHOA, building managers sa QC inobliga COVID-19 CASES IREPORT SA LGU
INIUTOS ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa homeowner’s associations at building managers na iulat ang bilang ng kanilang mga empleyado, tenants, residente, miyembro o kliyente na maaaring dinapuan ng COVID-19 upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus sa residential at commercial establishments gayundin din sa mga condominium at subdivision. Inilabas ni Mayor Joy Belmonte ang kanyang utos sa second supplemental GCQ guidelines at hinihikayat ang building managers at homeowner’s associations na agad ireport ang positive COVID-19 cases sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa loob ng…
Read MoreQ PASS IPATUTUPAD MULI SA MAYNILA
MULING ipatutupad ng Lungsod ng Maynila ang quarantine pass para makatiyak na ang lalabas lamang ng bahay ay tunay na may mahalagang pakay sa panahon ng enhance community quarantine na magsisimula ng madaling araw ngayong Lunes, Marso 24 hanggang Abril 4, Linggo. Dahil dito, inatasan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Manila Barangay Bureau Director Romeo Bagay na ipaalam sa mga barangay chairman kung paano ang implementasyon ng quarantine pass. Batay sa memorandum na inilabas ni Bagay, lahat ng punong barangay sa lungsod ng Maynila ay inatasang mag-isyu…
Read MoreMGA AASAHAN SA ECQ NILATAG NG PALASYO
INILATAG at inisa-isa ni Presidential spokesperson Harry Roque ang mga dapat asahan ng publiko sa ipatutupad na Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite simula Marso 29 hanggang Abril 4 ng taong kasalukuyan. Kabilang na rito ang mga essential at priority construction projects mapa-publiko man o pribado ay papayagan aniyang mag-operate alinsunod sa ilalabas na guidelines o alituntuin ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Bukas aniya ang mga pampublikong transportasyon kahit ECQ. Bababa lamang ang kapasidad at ang final capacity ay ilalabas ng…
Read MoreISTRIKTONG QUARANTINE IPATUPAD
NANAWAGAN si Senator Christopher ‘Bong’ Go sa lahat ng law enforcement agency na ipatupad ang istriktong quarantine. Ang pahayag ni Sen. Go ay bunsod ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim muli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, gayundin ang mga kalapit nitong lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna simula bukas, Marso 29, hanggang Abril 4. Ayon kay Sen. Go, marapat lamang na magpatupad pa ng mas istriktong quarantine restrictions sa mga lugar na may mataas na kaso ng…
Read MoreSa pagbabakuna ng pribadong sektor SPECIAL TEAM PINABUBUO
IMUMUNGKAHI ng isang mambabatas mula sa Mababang Kapulungan sa Department of Health (DoH) at National Task Force Against COVID-19 (NTF) na bumuo ng special team na siyang tututok at magiging responsable para masiguro at maayos ang layuning makatulong ang iba’t ibang pribadong kumpanya sa vaccine rollout ng pamahalaan. Kasabay nito ay umapela si Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian sa lahat na huwag basta hatulan ang local tobacco at infant formula product manufacturers partikular sa alegasyon na mayroon lamang umanong ibang interes ang mga ito kung kaya pursigido…
Read MoreMula March 29 hanggang April 4 NCR PLUS ISASAILALIM SA ECQ
IBABALIK sa mahigpit na quarantine protocol ang National Capital Region (NCR) at mga kalapit nitong lugar mula ngayong hatinggabi ng Linggo hanggang sa susunod na Linggo, April 4. Ang tinaguriang NCR Plus bubble ay isasailalim sa ECQ dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque sa live briefing ngayong araw. Nauna rito, hiniling ng UP OCTA research group na palawakin pa ng pamahalaan ang umiiral na NCR Plus bubble sa mga lugar ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal. Ayon kay OCTA…
Read More