INANUNSYO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sa anim na pampublikong ospital sa lungsod ay isinara na ang lima sa mga ito at hindi na tatanggap ng mga pasyente ng COVID-19 dahil umabot na sa full capacity. Ito ay sa kabila ng kahilingan ng 42 barangay na ini-lockdown dahil sa napakataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod. Gayunman, inihayag ng alkalde na ang natitirang isang bukas na ospital ay malapit na ring umabot sa maximum capacity sa kabila ng itinalagang quarantine facilities sa lungsod dahil…
Read MoreCategory: COVID-19
10 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CALOOCAN, MALABON
SAMPU ang naitalang bagong namatay sa COVID-19 sa mga lungsod ng Malabon at Caloocan noong Marso 26 at umabot na sa 2,321 ang active cases sa dalawang lungsod. Napag-alaman, apat ang patay sa pandemya sa Caloocan at umabot na sa 1,207 ang active cases. Umakyat naman sa 17, 123 ang total confirmed cases habang 15,382 na ang gumaling at 534 ang death toll sa lungsod. Sa kabilang dako, anim ang nadagdag sa COVID death toll ng Malabon City na sa kasalukuyan ay 306 na. Bukod dito, ayon sa City Health…
Read More5 BRGY. HALL SA NAVOTAS NI-LOCKDOWN
POSIBLENG mahinto ang serbisyo ng lokal na gobyerno dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, ayon kay Mayor Toby Tiangco nitong Sabado. Ito ay bunsod ng pag-lockdown sa lima mula sa 18barangay hall ng lungsod dahil sa pagpositibo sa ilang mga empleyado nito. Pansamantalang ikinandado ang mga barangay hall ng San Jose, Bangkulasi, San Rafael Village, North Bay Boulevard North at North Bay Boulevard South-Proper para sa disinfection at upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus. Ani Tiangco, ang mga opisyal at kawani ng mga barangay…
Read MoreSISINGIT SA BAKUNA SA QC, KAKASUHAN
NAGBABALA ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon na may mabigat na parusa na naghihintay sa non-frontliners na sisingit sa pila para sa COVID-19 vaccines na isinasagawa ng nasabing siyudad. Ang babala ay inisyu ni Mayor Joy Belmonte kasunod ng alegasyon na may lumabas sa social media kaugnay sa non-frontliners na nakatanggap COVID-19 vaccines mula sa city health workers. “We will look into all of these allegations. If proven, we won’t let them get away with this. Gagawin namin ang lahat upang matiyak na sila’y mapatawan ng parusa para matuto,”…
Read MorePAGBABAKUNA SA SENIORS AGAD IKAKASA
SINABI ng Malakanyang na hindi na hihintayin pang tapusin ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga medical worker bago simulan ang inoculation sa hanay ng mga senior. Ani Presidential spokesperson Harry Roque, habang dumarating ang iba pang mga bakuna gaya ng AstraZeneca at Sputnik V ay isasalang na rin sa pagtuturok ang mga elderly, mahihirap at mga may comorbidities. “Mayroon po tayong istratehiya ‘no, hindi na po natin aantaying matapos lahat ng frontliners isasabay po natin ang mga indigent elderly lalung-lalo na sa EUA, ang Sinovac po ay hindi magagamit sa…
Read More883 NEW COVID CASES SA CALABARZON
NAKAPAGTALA ang Department of Health DOH 4-A ng 883 panibagong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON. Sa bagong talaang inilabas ng ahensya noong Miyerkoles, umabot na sa 87,457 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa CALABARZON mula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon. Ang naitalang may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ang lalawigan ng Cavite na umabot sa 3,094; sumunod ang Rizal na may 2.184; Laguna, 1,986; Batangas, 1,095; Quezon, 373, at Lucena City, 28. Tumaas naman ang bilang ng mga gumaling sa sakit na umabot sa 76,268…
Read More22.5% NG PASAWAY SA NAVOTAS, POSITIBO
UMABOT sa 22.5% ng mga dinakip na pasaway sa safety protocols ang nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City. Ito ay makaraang ipasa ang City Ordinance No. 2021-17 na nag-uutos na isailalim RT-PCR swab test ang mga lalabag sa curfew hours, at susuway sa pagsusuot ng faces mask at social distancing. Batay sa tala ng inarestong protocol violators mula Marso 16 hanggang 19, sa 209 na dinakip ay 47 ang kumpirmadong nasapol ng COVID-19. Patunay ito na ang mga lumalabag sa safety protocols ay madaling mahawa ng COVID-19 at maaaring maging…
Read MoreLibreng bakuna ng COVAX posibleng bawiin sa Pinas PAHAMAK SI MAYOR
(CHRISTIAN DALE) MAAARING mawalan ng alokasyon ng libreng bakuna mula sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas dahil sa pagsingit ng ilang alkalde sa mga prayoridad na dapat mabakunahan. Nangangamba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kontrobersyang nililikha ng mistulang pakikipag-unahan ng ilang personalidad at politiko sa vaccination program ng pamahalaan sa kabila na limitado pa ang bakuna sa bansa laban sa COVID-19. Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, ilan sa mga ginamit ng mga alkaldeng nauna nang magpabakuna ay AstraZeneca mula sa…
Read MoreBATANGAS, PAMPANGA POSIBLENG MAPASAMA SA NCR PLUS BUBBLE
MAHIGPIT na binabantayan ang mga lalawigan ng Batangas at Pampanga na katabi lamang ng mga lalawigan sa boundary ng National Capital Region plus bubble, dahil sa patuloy na pagtaas ang bilang ng COVID-19 cases sa loob lamang ilang linggo. Ayon sa bagong ulat na inilabas ng OCTA Research Group, pumalo sa 141% o 150 ang bagong kaso sa Batangas sa loob lamang ng halos isang linggo (Marso 17-23) kumpara sa dating 62 new cases noong unang linggo ng buwan. Sumipa naman sa 86% o 121 ang bagong kaso sa lalawigan ng Pampanga…
Read More