PILING QC AREAS, NI-LOCKDOWN

ISINAILALIM sa special concern lockdown ang ilang piling mga area sa Lungsod Quezon dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19. Sa pinakahuling data na nakuha ng Peryodiko Filipino Inc. sa Facebook page ng Quezon City government noong Marso 10, 2021, kabilang sa mga sakop ng special concern lockdown ang bahagi ng Durian St., Brgy. Pasong Tamo; L. Pascual Street, Brgy. Baesa; De Los Santos Compound, Heavenly Drive, Brgy. San Agustin; 49 & 51 E. Rodriguez Sr. Ave., Brgy. Doña Josefa; Saint Paul St. and Thaddeus St., Jordan…

Read More

4 PANG MPD STATIONS NAGPOSITIBO SA COVID

NAKAPAGTALA ng tig-isang pulis na positibo sa coronavirus 2019 (COVID-19) sa apat na presinto ng Manila Police District (MPD). Bukod sa MPD-Binondo Police Station 11 na mayroong maraming kaso ng COVID-19, kinumpirma ni MPD Director, P/BGen. Leo “Paco” Francisco na may tig-isang pulis na nagpositibo rin sa COVID-19 sa apat pang presinto. Gayunman, tumanggi muna si Francisco na tukuyin kung alin-aling presinto nila ang nakapagtala ng mga kaso ng impeksyon. Tiniyak nitong naka-quarantine na ang nasabing mga pulis at nagsagawa na ng contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng mga…

Read More

Kapag tumanggi sa swab test MANILA VENDORS HINDI MAKAPAGTITINDA

NAGBABALA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa stall holders o mga vendor na hindi papayagang magtinda ang mga ito kapag tumanggi sa ipatutupad na regular mandatory swab testing na isasagawa ng mga tauhan ng Manila Health Department. Sa 17 palengke sa Lungsod ng Maynila, mahigpit ang babala ng alkalde matapos makatanggap ng ulat na may 39 na nagpositibo sa COVID-19 sa Arranque Market sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Manila kamakailan. Nagpahayag ng pagkainis at pagkadismaya ang alkalde nang malamang may mga vendor na tumangging ma-swab…

Read More

P5K MULTA SA ‘NO FACE MASK’ SA CALOOCAN

MAGMUMULTA ng P5,000 at/o isang buwang pagkabilanggo ang sinumang mahuhuling walang suot na face mask sa pangalawang pagkakataon sa Caloocan City. Batay sa City Ordinance No.0884-2020, mahigpit na ipinatutupad sa lungsod ang paggamit ng face mask sa lahat ng mga pampublikong lugar sa Caloocan City sa panahon ng pandemya. Sa unang paglagbag sa nasabing ordinansa ay P1,000 ang multa. “Ngayong tumataas na naman ang mga kaso ng COVID-19, ipakita natin ang ating pagmamalasakit at pasasalamat sa ating mga frontliner sa pamamagitan ng simpleng pagsusuot ng face mask at face shield…

Read More

7 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA

MULING nakapagtala ng pitong bagong namatay dahil sa COVID-19 ang Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 16. Sa Navotas City, dalawa ang namatay sa nasabing virus sa nasabing petsa at umakyat sa 759 ang active COVID-19 cases makaraang 63 ang muling nagpositibo habang 50 ang gumaling. Umabot na sa 6,917 ang tinamaan ng virus sa lungsod, sa bilang na ito ay 5,949 na ang gumaling at 209 ang namatay. Samantala, nilagdaan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order (EO) No. TMT-040 Series of 2021, nakasaad ang…

Read More

448 CURFEW VIOLATORS, NADAKIP SA PASAY

PINAIGTING ng pamahalaang lungsod ng Pasay at pulisya ang pagpapatupad ng health protocols sa gitna ng patuloy na pagsipa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), nagresulta sa pagkahuli sa 448 residenteng lumabag sa curfew hours noong Marso 16. Ayon kay Pasay City Police chief, P/Col. Cesar Paday-os, “marami pa ang nagpapalusot, kahit alam na nila na may [bagong] curfew na ipinatutupad ay lumalabas pa rin sila ng kani-kanilang bahay kahit walang importanteng dahilan”. Ang first time offenders ay inililista sa barangay blotter. Para naman sa second offense, ang mga lumabag ay…

Read More

ACTIVE COVID CASES SA KAMARA, 3 DOSENA NA

HALOS tatlong dosena ang aktibong kaso ng coronavirus 2019 o COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ito ang kinumpirma ni House Secretary General Mark Leandro Mendoza sa mga mamamahayag, na unang report ng Kamara mula noong Enero, bagama’t lingguhang nagsasagawa ng antigen test sa mga empleyado. “Currently as of March 16, 2021 we have 29 active cases,” ani Mendoza subalit hindi kasama sa bilang na ito ang mga mambabatas na sa labas ng Kamara nagpa-test tulad nina Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong. Wala ring…

Read More

COVID CASES PATULOY SA PAGDAMI

SINABI ng Malakanyang na malapit nang malampasan ang bilang ng COVID-19 infections na naitala noong Agosto ng nakaraang taon. Matatandaang noong Agosto 2020 ay pinakinggan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panawagan ng mga health worker para sa 2-linggong pagbabalik ng Metro Manila sa itinuturing na “second strictest lockdown level” dahil sa pagbaha ng coronavirus patients sa mga ospital. “Itong spike po talaga ay nangyayari ngayon. We are nearing the peak that we saw last August,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. “Pupuwede pong lumampas pa tayo sa peak natin…

Read More

Sa paghihigpit ng quarantine classification HOSPITAL AVAILABILITY PAGBABATAYAN

SINABI ng Malakanyang na isa ang kondisyon o kalagayan ng health care utilization rate sa gagawing basehan ng gobyerno para sa implementasyon ng mas mahigpit na quarantine protocol sa buwan ng Abril. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, isa ito sa formula na ginagamit ng pamahalaan upang pagbasehan ang susunod na hakbang na may kaugnayan sa posibleng paghihigpit o pagluluwag sa klasipikasyon ng protocol. “Malinaw iyong formula na ginagamit natin, iyong dami ng kaso ng COVID at saka iyong kapasidad nating magbigay ng medical attention, iyong health care utilization rate…

Read More