BAKUNA DADALHIN SA MAHIHIRAP

GUSTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dalhin ang mga government vaccinator sa bahay ng indigent communities o sa squatters area para mabigyan ng COVID-19 doses. “We are thinking of going mobile . . . my order now is for the team to give you the vaccine,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi. “We will use all government assets . . .everybody must contribute and all departments must take note of this, this is not just a fight against COVID-19, but a fight against despair…

Read More

Active cases, umakyat sa 2,597 11 TODAS SA COVID SA CAMANAVA

NAKAPAGTALA ng 11 bagong namatay sa COVID-19 sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area habang umakyat naman sa 2,597 ang active cases. Napag-alaman, lima ang namatay sa Caloocan City dahil sa COVID-19 noong Marso 15, habang lumobo sa 693 ang active cases sa lungsod. Sumampa naman sa 15,545 ang total confirmed COVID-19 cases sa siyudad, kung saan 14,349 na ang gumaling at 503 ang namatay. Samantala sa nasabi ring petsa, dalawa ang patay sa Barangay Niugan, Malabon City, 50 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay nasa 7,789…

Read More

46 pulis positibo sa COVID-19 MPD-STATION 11 NI-LOCKDOWN

BUNSOD nang pagpositibo sa COVID-19 ng 46 pulis, isinailalim sa lockdown ang Manila Police District Station 11 sa Binondo, Manila. Ayon kay MPD Director P/BGen. Leo “Paco” Francisco, isinailalim sa special quarantine ang nasabing himpilan ng pulisya. Ito ay makaraang magpositibo sa swab test ang 46 miyembro ng pulisya. Nasa 241 ang kabuuang personal ng nasabing himpilan. Sa bilang na ito ay 87 pa ang nakatakdang isalang sa swab test. Dalawa sa 46 kumpirmadong kaso, kabilang ang hepe nito, ang naka-confine sa ospital, isa ang severe case at ang iba…

Read More

Sa unang gabi ng curfew hours 668 VIOLATORS HULI SA QCPD

UMABOT 668 katao ang agad nahuli sa unang gabi ng mahigpit na implementasyon ng curfew hours ng Quezon City Police District (QCPD) sa buong siyudad noong Lunes. Ang QCPD ay naglatag ng 23 checkpoints sa iba’t ibang lugar sa Quezon City para sa implementasyon ng curfew na napagkasunduan kamakailan ng Metro Manila mayors na pare-parehong oras ipinatupad sa National Capital Region (NCR). Ayon kay QCPD Director P/Brigadier General Danilo P. Macerin, 23 checkpoints ang kanilang inilatag sa iba’t ibang lugar sa Quezon City na pinangangasiwaan ng mga tauhan mula sa…

Read More

DEFENSOR, ISA PANG SOLON NA-COVID *3 pa sa gabinete naka-quarantine

DALAWANG miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, na kinabibilangan ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Gayunpaman, pagaling na umano si Defensor na nagpositibo sa COVID-19 dalawang linggo na ang nakararaan at ngayong araw ay muling isasailalim sa final swab test. “Patapos na, bukas finals test,” ani Defensor na naka-isolate bilang pagsunod sa health protocol na itinakda ng gobyerno. “Luckily, wala naman akong naramdaman. No shortness of breath, taste and smell never left me, no high fever and lowering of oxygen level,” ayon…

Read More

PINAILAWAN NG MERALCO ANG BAGONG COVID-19 VACCINATION FACILITY SA MARIKINA.

Sa pagpapatuloy ng suporta nito sa gobyerno at pribadong sektor sa laban kontra COVID 19, pinailawan ng Meralco ang bagong COVID 19 Vaccination Facility na matatagpuan sa Champaca Subdivision II, Parang, Marikina City. Bahagi ng proyektong ito ang paggawa ng bagong pasilidad na paglalagyan ng mga metro, pagtatayo ng bagong 15-metro kataas na konkretong poste, at dalawang (2) 50-kVA distribution transformers. Ang bagong vaccination facility na ito ay isa sa mga mahahalagang COVID 19 testing, quarantine at vaccination facilities sa loob ng franchise area ng Meralco na binibigyan ng mataas…

Read More

Mga heneral pinasisibak sa anti-covid campaign DOKTOR, EXPERTS IPASOK SA IATF *Covid cases mas tumaas sa unang anibersaryo ng lockdown

(BERNARD TAGUINOD) DAPAT nang palitan ng mga doktor at dalubhasa ang mga heneral na itinalaga ng pamahalaan para mangasiwa sa laban kontra COVID-19. Ito ay dahil mistulang nasayang umano ang isang taong sakripisyo ng sambayanang Pilipino sa lockdown sa COVID-19 dahil imbes bumuti ay lumala pa ang sitwasyon sa pagdami ng kaso. Ito ang opinyon ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate kaugnay ng unang taong anibersaryo ng Luzon-wide lockdown sa Pilipinas, bukas, Marso 17. “Isang taong anibersaryo na ng quarantine laban sa pandemya ng covid, isang taon ng kapalpakan…

Read More

ROQUE: WALANG ABERYA SA FACE-TO-FACE CLASSES SA MEDICAL SCHOOLS

WALANG problemang naiulat at maayos na naisasagawa ang face-to-face classess para sa mga higher education institution partikular na sa hanay ng mga medical school. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, batay sa huling pag-uusap nila ni CHED chairman Popoy de Vera ay wala naman itong nabanggit na nagkasakit sa mga medical student partikular sa UP-PGH. “We have had authorization to conduct face-to-face classes among sa medical schools and allied medical professional schools. And I’m happy to report that UP-PGH was the first na pinayagan nating mag-face-to-face and as of the…

Read More

PAGTAAS NG COVID CASES RAMDAM DIN SA IBANG BANSA

HINDI nag-iisa ang Pilipinas sa nakararanas ng pagtaas sa kaso ng COVID-19. Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng pagsirit ng kaso ng virus na naitatala sa mga nakalipas na araw. Aniya, ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay bunsod na rin ng bagong variant na mas mabilis ang transmission o pagkahawa. Posible aniya na nakaramdam na rin ang tao ng pagkapagod sa minimum health standards kaya’t may pagkakataong nakokompromiso ang kalusugan ng mga ito at hindi na nakasusunod pa sa laging paalala na mask, hugas…

Read More