Pandemya imbes humupa lalong lumala P568-B COVID-19 FUND NASAAN?

(BERNARD TAGUINOD) HINDI naramdaman ng mga Pilipino ang P568.1 billion pondong ginamit ng Duterte administration para labanan ang COVID-19 dahil imbes humupa ang pandemya ay lalo itong lumala. Ito ang bahagi ng nilalaman ng privilege speech ni House deputy minority leader Carlos Zarate ukol sa budget na ginastos ng gobyerno mula noong nakaraang taon para labanan ang COVID-19. “Ayon sa DBM (Department of Budget and Management), P568.01 bilyong pondo na ang nai-release para sa COVID-19,” ani Zarate. Kabilang aniya rito ang P386.14 billion na inilabas sa ilalim ng Bayanihan 1…

Read More

CAMANAVA COVID DEATHS, UMAKYAT SA 1,297

SAMPU pang bagong namatay sa COVID-19 ang naitala sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 17, habang umakyat na sa 1,297 ang death toll sa pandemya at lumobo sa 2,744 ang active cases. Sa Caloocan City, lima ang namatay sa COVID-19 noong Miyerkoles, 830 ang active cases, habang sumampa sa 15, 850 ang confirmed cases. Sa bilang na ito ay 14,512 ang gumaling at 508 ang namatay. Isa ang namatay sa Brgy. Concepcion, Malabon City, habang 44 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 7,899 na…

Read More

4 BARANGAY SA CALOOCAN MAY 500 CASES

NAKAPAGTALA ng mahigit 500 kaso ng COVID-19 ang apat na barangay sa Caloocan City noong Marso 17. Base sa data na nakuha ng Peryodiko Filipino Inc. (SAKSINGAYON), hanggang Marso 17, 2021 mula sa Caloocan City COVID-19 updates, nabatid na nangunguna sa may pinakamataas na kaso ng naturang sakit ang Barangay 176 ng District 1 na may kumpirmadong kasong 1,300, nakarekober 1,204, aktibong kasong 37, namatay 59; sumunod ang Brgy. 177 ng District 1 na may kumpirmadong kasong 760, aktibong kasong 24, nakarekober 707, namatay 29; pangatlo ang Brgy. 171 ng…

Read More

LOCKDOWN SA KAMARA

KINUMPIRMA ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na positibo siya sa COVID-19 matapos sumailalim sa RT-PCR test na regular na isinasagawa sa mga mambabatas na personal na pumapasok sa Kongreso. “Today, I received the result of my RT-PCR test showing that I am positive for COVID-19. I am scheduled to undergo a second test tomorrow to rule out a false positive result,” anunsyo ni Romualdez noong Miyerkoles ng hatinggabi. Inamin ng mambabatas na nakaranas siya ng mga sintomas ng COVID-19 kaya nang magpositibo ang kanyang swab test ay agad…

Read More

Matapos mabakunahan HEALTH WORKER PATAY SA COVID

NAKIKIRAMAY ang Malakanyang sa pamilya ng healthcare worker na namatay matapos mabakunahan laban sa COVID-19. “Lumabas kahapon sa balita na may isang healthcare worker ang namatay matapos na mabakunahan..pero namatay po ang ating health care worker dahil sa COVID-19,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Paliwanag naman ni Dr. Rommel Lobo ng Philippine Society of Allergist and Clinical Immunologist at National Adverse Events Following Immunization Committee, ang dahilan ng pagkasawi ng healthcare worker ay dahil sa impeksyon ng coronavirus. Ang nasabing healthcare worker aniya ay nagkaroon ng impeksyon at naging…

Read More

DEFENSOR NEGATIBO NA SA COVID-19

NEGATIBO na sa coronavirus 2019 o COVID-19 si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor. Ito ang kinumpirma ni Defensor sa isang video message habang kasama ang kanyang bunsong si Yana ngayong gabi. “Thank you everyone. Thanks for all your prayers. For me and my family I’m already negative and I’m playing with my daughter Yana. Thanks, love you all,” ani Defensor. Bago ito ay pinasalamatan din ng anak ni Defensor ang mga nagdasal para sa kanyang ama na dalawang linggo na ang nakararaan ay nagpositibo sa nasabing virus. Kahapon ay muling…

Read More

Sa mga binakunahan kontra COVID-19 HIGIT 7K SAPUL NG ADVERSE EFFECTS

NAKAPAGTALA na ng mahigit pitong libong kaso sa Pilipinas na magsasabing mayroong “negatibong epekto” ang mga bakuna ng CoronaVac at AstraZeneca na mga ginamit sa programang baksinasyon ng administrasyong Duterte laban sa mamamayang Pilipino. Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) ang impormasyon na 7,469 katao ang nagsabing nakaranas sila ng tinatawag na “adverse reactions” (side effect). Ang datos ng FDA na isiniwalat sa media ay binilang mula noong Marso 1 hanggang umabot sa dalawang linggong pagtuturok ng mga bakuna ng Sinovac BionTech at AstraZeneca na pag-aari naman ng kumpanyang…

Read More

PUBLIKO SINISI SA PAGSIPA NG COVID CASES

KUMBINSIDO si Vaccine czar at Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na may kinalaman ang pagdating ng COVID vaccines sa bansa sa pagtaas ng kaso ng corona virus. Naging masyado aniyang kampante ang marami nang dumating ang bakuna at sinimulan na itong iturok sa mga unang dapat maturukan. Marami aniyang mga Pilipino ang nag-relax bunsod ng pag-asang naririto na ang bakuna na aniya’y kapansin-pansin sa kanilang naging obserbasyon. Dahil dito, nagpaalala si Galvez na additional protection lamang ang bakuna at kailangan pa ring i-obserba ang minimum health standard. “Nakita natin…

Read More

Bilang pag-iingat sa COVID-19 NUPs WORK FROM HOME MUNA – ELEAZAR

PINAIRAL ang mas mahigpit na mga hakbangin sa loob ng national headquarters ng Philippine National Police (PNP) simula kahapon upang maibsan ang pagkalat ng coronavirus sa kanilang hanay. Bukod sa pagbabalik ng mga istriktong health protocols sa PNP General Headquarters, ipinag-utos din ni PNP Officer In Charge P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang pagbabago sa sistema ng pagtatrabaho ng mga police uniformed personnel at non-uniformed personnel. Ito ay matapos ang konsultasyon ni LtGen. Eleazar kay chief PNP, Police General Debold M Sinas, kasunod ng isinagawang pagpupulong sa hanay ng senior police…

Read More