Naitala sa loob ng 24-oras 35 NEW COVID-19 CASES SA TAGAYTAY

TAGAYTAY City – Nakapagtala ng 35 bagong positibong kaso ng COVID-19 ang lungsod sa nakalipas na 24-oras. Batay sa Facebook post ng local government ng Tagaytay nitong Biyernes ng umaga, 25 sa mga nagpositibo ay galing sa lamay sa Barangay Tolentino West, at 19 ang taga roon mismo sa nasabing barangay. Anim sa mga ito ay senior citizen, kabilang ang isang 67-anyos na babaeng religious worker. Ang pagtaas ng bilang ng kaso sa lungsod ay naitala isang araw lang matapos ipag-utos ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino ang mahigpit na…

Read More

HEALTH PROTOCOLS SA LOOB NG BAHAY

“KAHIT nasa loob ng bahay, ituloy ninyo ang pag-practice ng health protocols,” pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa gitna ng mga ulat na ang hawaan ng nakamamatay na COVID-19 virus ay sa loob na ng pamilya at tahanan. “Ang hawaan sa ngayon ay pami-pamilya na. Kung pabaya ka, iuuwi mo sa bahay tapos ‘di kayo susunod sa protocol… Mag-asawa kami, magkakaanak kami, pami-pamilya kami. ‘Yun ang problema dahil diyan, ‘di na sinusunod ang minimum health protocols sa loob ng tahanan,” sabi ng alkalde. Ganito rin ang ulat…

Read More

Kapag hindi napababa ang covid cases CITY-WIDE LOCKDOWN SA MAYNILA

PINAG-IISIPAN ni Manila Mayor Francisco”Isko Moreno” Domagoso kung magpatupad ng city-wide lockdown para mabigyan ng proteksiyon mula sa COVID-19 ang mamamayan sa lungsod ng Maynila. Ginawa ng alkalde ang pahayag kasunod ng pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod at sa buong bansa. Kasabay nito, nagbabala ang alkalde sa pribadong quarantine facilities na tiyakin na ang kanilang ginagawa ay katulad ng pangangalaga ng mga quarantine facility na pinatatakbo ng gobyerno at kapag napatunayan na may sablay ay papanagutin ang mga ito. Kaugnay nito, sinabi ni Moreno na matagumpay…

Read More

9 NEW COVID DEATHS NAITALA SA CAMANAVA

SIYAM ang naitalang bagong namatay dahil sa COVID-19 sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area noong Marso 11, habang umakyat sa 2,133 ang active cases at sumipa sa 1,243 ang death toll. Sa Caloocan City, 488 na ang namatay at 520 ang active cases, habang 15,216 ang confirmed cases at 14,208 ang total recoveries. Isa naman ang patay sa Barangay Baritan at isa rin sa Barangay Panghulo, Malabon City, habang 74 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 7,560 ang positive cases sa lungsod, sa bilang na ito…

Read More

7 CALOOCAN BRGYS. NAGTALA NG MATAAS NA COVID CASES

PITONG barangays na nasasakupan ng dalawang distrito ng Caloocan City ang nakapagtala ng mataas na COVID-19 cases. Base sa nakuhang impormasyon ng Peryodiko Filipino Incorporated (PFI), hanggang noong Marso 10, 2021, pitong barangay sa Caloocan City ang may mataas na kaso ng COVID-19. Kabilang sa mga ito ang barangay 176 (Dist. 1) na may naitalang kumpirmadong kasong 1,265, active cases 15, nakarekober 1,192, namatay 58; Brgy. 177 (Dist. 1) na may kumpirmadong kasong 732, active cases 18, nakarekober 689, namatay 25; Brgy. 171 (Dist. 1) na may kumpirmadong kasong 677,…

Read More

DEFENSOR UMAPELA SA DEMOTION NG NURSES

UMAPELA si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor kay Pangulong Rodrigo Duterte na baliktarin ang circular ng Department of Budget and Management (DBM) na nagde-demote sa government nurses. Ginawa ng mambabatas ang nasabing apela upang maibigay agad ang makatarungang sahod sa government nures, hindi lamang ang mga nagtatrabaho sa government hospitals kundi maging sa local government units (LGUs) sa buong bansa. “Intervention by the President is the fastest way to rectify the injustice done to our nurses, who are at the forefront of our fight against COVID-19. I am sure that…

Read More

30M DOSES NG NOVAVAX INAASAHAN NG PH

MAAARING makatanggap ang Pilipinas ng 30 milyong doses ng India-manufactured coronavirus vaccine mula sa American firm Novavax sa second quarter o third quarter ng taon sa oras na malagdaan na ang kasunduan. Sinabi ni Ambassador Shambhu Kumaran na gumugulong na ang pag-uusap ng Indian officials at ni Philippine vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. para sa supply ng Novavax vaccines. “The discussions are essentially underway for 30 million doses and I believe that the Philippine side is interested in a larger number and that detail is being currently negotiated,” ani…

Read More

Balik-normal sa PH sa 2023 lumalabo VACCINE ROLLOUT USAD-PAGONG

(ERNIE REYES) KUNG hindi magbabago ang takbo ng pagbabakuna sa Pilipinas, malamang tumagal ng 44 taon bago mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong mamamayan. Hindi rin makakamit ang pangakong magiging normal ang ating buhay sa 2023 kung pagbabatayan ang bilang na 3,887 nababakunahan kada araw, ayon kay Senador Joel Villanueva. Sa pahayag, sinabi ni Villanueva na dapat bilisan ng pamahalaan ang pagbabakuna upang makamit nito ang tudlang bilang ng benepisaryo at paluwagin ang paghihigpit sa pagkilos na lubhang nakaaapekto sa manggagawa at aktibidad sa ekonomiya. Ayon Villanueva, base sa datos…

Read More

Sa pagsirit ng COVID-19 PALASYO: WAG MAG-PANIC

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para mag-panic sa pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa. Sa ulat, may 3,000 na bagong COVID-19 cases ang naitala kada araw sa nakalipas na apat na araw. “Hindi pa rin ako nagpa-panic, kasi iyong ginawa nga natin iyong lockdown, hinanda natin ang ating health system,”ayon kay Sec. Roque. “Nasa 60% ang availability ng hospital beds and facilities [for COVID-19] patients. Kaya natin silang pagsilbihan, alagaan at pagalingin,” dagdag na pahayag nito. Gayunpaman, hinikayat ni Sec. Roque ang publiko na gawin ang kanilang parte para paigtingin…

Read More