Deployment ng pulis at sundalo

Kaugnay nito, pinaboran ni Senador Panfilo Lacson ang planong ipakalat ang militar at pulisya laban sa lumalabag sa health protocols sa gitna ng paglobo ng bilang ng positibo sa corona virus 2019 (COVID-19). Sa pahayag, sinabi ni Lacson na nasa ilalim ng health emergency ang bansa kaya karapatan ng pamahalaan na gamitin ang police power nito sa ilalim ng Saligang Batas upang tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng mamamayan. “We are under a state of public health emergency by virtue of Presidential Proclamation 922. The country is still struggling to…

Read More

Couple na maghahawak-kamay, yakapan in public sisitahin PDA BAN KAHIBANGAN -SOLON

(NOEL ABUEL) ITINUTURING ng isang lider ng Senado na kahibangan ang gagawin ng Philippine National Police (PNP) na sitahin ang mga magkarelasyon na magka-holding hands, magkayakap o maghahalikan sa pampublikong lugar. Nais ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto na ipaliwanag ng PNP kung anong dahilan nito para ipagbawal ang public display of affection (PDA). Sinabi ni Recto, kailangang linawin ng PNP ang utos nito kung hanggang saan ipagbabawal ang PDA upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus. Aniya, kung ang pagpapakita ng pagmamahal gaya ng paghalik, paghawak ng kamay at pagyakap…

Read More

Kapag pumutok ang Bulkang Taal HEALTH PROTOCOLS SA EVAC SITES TINUTUTUKAN

SA gitna ng nakataas na Alert Level 2 sa Taal Volcano na posibleng magdulot ng phreatic eruption ay pinag-aaralan ngayon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ang pagtukoy sa mga lugar na posibleng maging evacuation sites. Sa ulat na ipinarating sa Office of Civil Defense, pinaghahandaan ng local government ng Batangas ang mga lugar na maaaring magsilbing evacuation center para sa mga residenteng ililikas sakaling muling sumabog ang Taal. Inisyal na tinukoy ang mga munisipalidad ng Bauan, San Pascual at Batangas City na magiging takbuhan ng mga naninirahan sa…

Read More

88 NEW COVID-19 CASES NAITALA SA HANAY NG PNP

SA tala ng PNP-Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) umabot sa 88 ang nadagdag sa bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP). Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (March 9), 11,830 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya. Ayon sa report na ibinahagi ni ASCOTF Commander P/Lt General Guillermo Eleazar, sa nasabing total cases, 633 ang aktibo. 44 namang pulis ang gumaling sa nakahahawang sakit kaya nasa 11,165 na ang total recoveries…

Read More

100 PANG FRONTLINERS SA NAVOTAS BINAKUNAHAN

ISA pang batch ng100 frontliners ng Navotas City Hospital (NCH) ang nakatanggap ng CoronaVac shot sa lungsod, nitong Martes. Sinaksihan ni Deputy Chief Implementer of the National Task Force Against COVID-19 and testing czar, Sec. Vince Dizon at Department of Health-National Capital Region Director, Dr. Corazon Flores, ang vaccination sa Navotas Polytechnic College. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Mayor Toby Tiangco ang national government sa pagbibigay sa Navotas ng 200 doses ng CoronaVac vaccines. “We have a surge of covid cases that’s why I asked our national government to send…

Read More

DILG sa Metro Manila LGUs UNIFORM CURFEW HOURS PAIRALIN

IMINUNGKAHI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa labing pitong alkalde sa National Capital Region (NCR) na gawing pare-parehong oras ang curfew sa buong Kalakhang Maynila upang hindi mahirapang sumunod ang mga residente. Ani DILG Spokesman Jonathan Malaya: “adopting uniform curfew hours would make it easier for the public to comply because people tend to live and work in different local government units (LGUs)”. “Mahirap po sa ating mga kababayan kung paiba-iba ang curfew hours dahil malilito po sila sa pagsunod nito,” sabi pa ni Malaya. Isasagawa…

Read More

MANDALUYONG COVID CASES, DUMOBLE

BIGLANG dumoble ang bilang ng mga residenteng tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Lungsod ng Mandaluyong noong Martes. Ayon kay Mayor Menchie Abalos, pumalo sa 276 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod mula sa 134 noong Marso 8 (Lunes). Hindi diretsong tinukoy ni Abalos na United Kingdom at South African COVID-19 variants ang pinagmulan nito, ngunit inamin niyang nagkaroon ang dalawang residente ng lungsod na dinapuan ng nasabing variants. Parehas gumaling na ang dalawa, dugtong ni Abalos. Matatandaang inamin kamakailan ng Department of Health (DOH) na sumipa sa 118…

Read More

QC PASS IBABALIK SA CALOOCAN

BUNSOD ng naitalang “surge” sa kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19, muling ipatutupad ang Color-Coded Quarantine Pass System sa mga palengke at supermarket sa Caloocan City simula nitong Miyerkoles, Marso 10, ayon kay Mayor Oscar Malapitan. Ang mga may orange quarantine pass ay maaaring pumunta sa palengke o supermarket mula 5 am hanggang 8 pm tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes; at tuwing Linggo mula 5 am hanggang 1:30 pm. Ang mga may green quarantine pass ay maaaring pumunta sa palengke o supermarket mula 5 am hanggang 8 pm tuwing Martes,…

Read More

MALABON NAKITAAN NA NG UK VARIANT

ISINIWALAT ng pamahalaang lungsod ng Malabon na batay sa isang report mula sa Department of Health, tatlo katao mula sa dalawang barangay ng siyudad ang nagpositibo sa UK variant ng virus. Ayon sa pamahalaang lungsod, base sa pagsusuri ng U.S. Center for Disease Control and Prevention, mas madaling makahawa ang UK variant kaysa orihinal na virus, at ito ang dahilan sa mabilis na pagkalat ng virus nitong nakaraang mga linggo. Doble ingat ang hiling ng pamahalaang lungsod sa mamamayan at binigyang-diin ang pagsunod sa health and safety protocols gaya ng…

Read More