NANANATILING epektibo ang naunang kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pagkakaroon ng presensya ng tropa ng militar sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19. Sinabi ni Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi naman binawi ang naturang kautusan. Puwede aniyang mag-request ang alinmang local government unit (LGU) ng back-up sa militar para sa pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine protocols lalo na sa ilang mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng granular lockdown. Sinabi ni Lorenzana, nakahandang umasiste anomang oras ang AFP sa mga…
Read MoreCategory: COVID-19
Kaysa tamaan ng covid habang hinihintay ang ibang brand MGA SUNDALO MAGPAPATUROK NA NG SINOVAC
PATULOY na ang pagtaas ng bilang ng mga sundalong gustong magpabakuna laban sa COVID-19. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang mga dating umaayaw na magpabakuna gamit ang Sinovac, ngayon ay gusto nang mabakunahan dahil na rin sa takot sa tumataas na bilang ngayon ng mga kaso ng COVID-19. Kumbinsido si Lorenzana na sa susunod na ilang araw pa ay wala nang tututol mabakunahan sila ng Sinovac. Magkagayunman, hindi aniya nila pinagbabawalan ang mga sundalo at ilan pang mga personnel na pumili ng gusto…
Read MoreTiniyak ng Philippine Genome Center expert PINAS WALA PANG BRAZILIAN VARIANT
TINIYAK ng Philippine Genome Center expert na wala pang Brazilian variant sa Pilipinas. Ito ang iginiit ni Dr. Eva Maria Cutiongco Dela Paz, director ng health program ng UP Phil. Genome Center. Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Dr. Dela Paz na Brazilian lineage ang mayroon sa bansa at hindi covid variant nito. Ang Brazilian lineage, ani Dr. Dela Paz ay sub-type ng virus na galing sa isang common ancestor. Ang variant naman aniya ay tumutukoy sa iba’t ibang pamilya o angkan na nagsanga at nakaipon ng mutations…
Read More11 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA
PITO ang naitalang bagong namatay sa COVID-19 sa Caloocan City at sumipa sa 610 ang active cases noong Marso 12. Umabot naman sa 15,329 ang confirmed cases sa lungsod. Sa bilang na ito ay 14, 224 ang gumaling at 495 ang namatay. Habang tatlo ang bagong namatay sa Malabon City at 77 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 7,637 ang positive cases sa Malabon, 642 dito ang active cases. Nadagdagan naman ng 57 pasyente ang bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 6,720 ang recovered patients ng lungsod…
Read MoreDATING OPISYAL NG MPD, PATAY SA COVID
PATAY dahil sa mapinsalang SARS COV-2 ang isang dating opisyal ng Manila Police District nitong Sabado ng madaling araw sa pinagdalhang pagamutan sa Quezon City. Si P/Lt. Col. Eugenio Extramadura, nakatalaga bilang hepe ng Regional Headquarters Support Unit sa National Capital Regional Police Office sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, ay namatay bandang ala-1:00 ng madaling araw habang ginagamot sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City. Ayon sa ulat, si Lt. Col. Extramadura ay nagpositibo sa SARS-COV2 kaya na-confine sa nabanggit na pagamutan. Bago natalaga si Extramadura sa…
Read More18K PULIS MAGPAPATUROK NG SINOVAC VACCINE
MAHIGIT 18,000 on duty na mga opisyal at kasapi ng Philippine National Police (PNP) ang nagpalista sa programang baksinasyon upang maging ligtas sa coronavirus disease -2019 (COVID-19). Ang bilang na ito ay batay sa rekord ng PNP-Administrative Support for COVID-19 Task Force (PNP-ASCOTF). Nabanggit din sa rekord na boluntaryo ang pagpapaturok ng mga opisyal at kawani ng PNP. Tiniyak ni Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, PNP Officer-in-Charge (OIC) na hindi pinuwersa ang mga opisyal at kasapi ng PNP na magpabakuna. Si Eleazar na siyang PNP Deputy Chief for Administration at…
Read MoreMGCQ SUSUBUKAN NGAYONG ABRIL
INAASAHAN na magdedesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa buwan ng Abril kaugnay sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng quarantine restrictions. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay makaraang ianunsyo ni Pangulong Duterte na siya ay mapangahas na bigyang daan ang muling pagbubukas ng ekonomiya upang tulungan ang mga tao na nagugutom na makapagtrabaho sa gitna ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases at ang kakulangan ng suplay ng bakuna. “Quarantine classifications are decided on a monthly basis. So, we are…
Read MoreWORKPLACES BABANTAYAN DIN SA HEALTH PROTOCOLS
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga rekomendasyon ng Department of Health (DoH) na palakasin ang pagpapatupad sa minimum public health protocols gaya ng patuloy na paggamit ng face mask, faceshield, hugas at iwas kahit sa mga opisina. Kinakailangan din, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tamang impormasyon ukol sa COVID-19. Para naman aniya sa mga establisimyento, iniutos ang pagpapatupad ng mga risk mitigation, strategies, engineering controls, ventilation at contact tracing at pagtiyak sa compliance at sa pagtatag ng baseline. Sa mga Local Government…
Read MoreMABAGAL NA PAGBABAKUNA BINATIKOS SA SENADO
BINIRA ni Senador Panfilo Lacson ang kabagalan ng Palasyo sa implementasyon at administrasyon ng covid vaccination program kaya’t malamang hindi aniya makamit ang herd immunity sa 2023, maliban na lamang kung pabibilisin pa ang kasalukuyang takbo nito. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na marami pang bagay na puwedeng baguhin o paunlarin ng pamahalaan sa pagtugon sa pandemya, isang taon matapos isailalim sa community quarantine ang Metro Manila laban sa pagkakalat ng COVID-19. “Unless we accelerate the pace of vaccination, medyo matatagalan tayo. As of March 10, 114,615 had been vaccinated.…
Read More