WCO CARGO TARGETING SYSTEM INILUNSAD NG BOC

WCO CARGO TARGETING SYSTEM-2

(Ni Joel O. Amongo) Pormal nang inilunsad kamakailan ng Bureau of Customs (BOC) ang World Customs Organization (WCO) Cargo Targeting System (CTS)  na  bahagi pa rin  ng  10-Point Priority Program ng ahensya. Layunin pa rin nitong palakasin ang kahusayan sa kalakalan at maging ang pagtiyak sa seguridad ng hangganan ng bansa. Ang okasyon ay isinagawa sa Office of the Commissioner (OCOM) conference room, OCOM Building Port of Manila at dinaluhan ng iba’t ibang Deputy Commissioners ng ahensya. Ang WCO–CTS ay  nakapaloob sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Sa pamamagitan…

Read More

BOC NAGSAGAWA NG CUSTOMS BONDED WAREHOUSE SUMMIT

CUSTOMS BONDED WAREHOUSE SUMMIT

Para makasabay sa mabilis na pag-unlad ng kalakalan sa buong mundo ang Bureau of Customs (BOC), nagsagawa ng Bonded Warehouse Summit ang ahensya nitong nagdaang Oktubre 19 sa Diamond Hotel sa Maynila. Magkaagapay ang BOC personnel at ang Assessment and O­perations Coordinating Group para mapabuti ang pamamaraan at operasyon ng Customs. Layunin ng pagtitipon na sariwain, at ipatupad ang mga pagbabago upang higit pang mapahusay ang kakayahan ng BOC personnel partikukar sa Customs Bonded Warehouses (CBW) operations gayundin sa mga pangunahing panuntunan sa pamamahala ng warehouses. Ang nasabing okasyon ay…

Read More

KOOPERASYON NG BOC AT ASEAN SA SINGLE WINDOW SYSTEM PINAGTIBAY

Finance Undersecretary Gil Beltran

Pinagtibay pa ang kooperasyon  ng Pilipinas at miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)  pagda­ting sa usapin ng  Single Window System sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kaalaman  na i­naasahang magsisimula sa pagtatapos ng kasalukuyang taon. Bahagi pa rin ito ng pagsisikap ng 10-nation bloc para palakasin ang cross-border trade at pagbabawas ng gastusin at oras ng kalakalan sa buong rehiyon. Ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, bukod sa Pilipinas, ang iba pang ASEAN member-states na  nakahandang pumasok sa ASEAN Single Window (ASW) platform ay  ang Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand,…

Read More

PORT OF CEBU NAG-INSPECTION SA ABANDONADONG CONTAINERS

PORT OF CEBU

Ininspeksyon ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Cebu sa pangunguna  ni Acting District Collector Atty. Charlito Martin Mendoza ang apat na abandonadong containers na naglalaman ng undeclared goods nitong nakaraang Oktubre 21, 2019. Kasama ni Mendoza ang mga kinatawan mula sa Plan Quarantine Service at Philippine Coast Guard (PCG) sa ginawang inspeksyon sa apat na abandonadong container vans na idineklarang oranges at naka-consign sa RAS Bacolod, Inc. Ayon sa report, sa kabila ng abiso, ang claimants/consignee ay hindi naghain ng ‘requisite import entry declaration’ dahilan upang ideklarang abandonado ang nasabing…

Read More

FUEL MARKING PROGRAM UMARANGKADA

FUEL MARKING SYSTEM

(Ni Joel O. Amongo) Sinimulan na ng Department of Finance-Bureau of Customs (DOF-BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang  ‘first live marking’ ng petroleum products sa Seaoil Bulk Terminal sa Mabini, Batangas na bahagi ng implementasyon ng  Fuel Marking Program ng pamahalaan. Isinagawa ito noong  Agosto 2, alin­sunod  na rin sa inisyung Joint Circular No. 001-2019 na naging epektibo matapos ang publikasyon sa pahayagan noong Hulyo 5. Sa pamamagitan ng binuong Fuel Marking Task Force, anim na buwan ang paunang marking sa lahat ng petroleum products na makikita sa  domestic market…

Read More

P74,500 SMUGGLED CIGARETTES NASABAT NG BOC-PORT OF ZAMBO

SMUGGLED CIGARETTES-6

(Ni BOY ANACTA) Muling nakasabat ang Bureau of Customs (BOC)-Port of Zamboanga, kasama ang iba pang law enforcement agencies, ng  149 reams ng smuggled Cannon Menthol Cigarettes na may katumbas  na halagang P74,500 sa isinagawang anti-smuggling operation kamakailan. Ayon sa report nakasakay sa  MV Lady Mary Joy 1, isang pampasaherong bangka mula sa Jolo, Sulu ang naturang kontrabando na nasabat nitong Oktubre 17. Isang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang inisyu laban sa nasabing smuggled cigarettes dahil sa paglabag sa Executive Order No. 245, “Amended Rules & Regulations Governing…

Read More

BOC NANGUNA SA WCO’S ASIA PACIFIC SECURITY PROJECT PROGRAMME GLOBAL SHIELD

WCO_S ASIA PACIFIC

Pinangunahan ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng  External Affairs Office, ang World Customs Organization Asia – Pacific Security Project Pre-Operational Planning and Coordination Meeting kaugnay sa Programme Global Shield (PGS) na isinagawa sa Midas Hotel nitong Oktubre 16 hanggang 18. Sa mensahe ni Commissioner Rey Leonardi Guerrero, ipinahayag nito ang suporta sa WCO’s campaign laban sa  banta ng IEDs kasabay ng paniniyak na nananatiling prayoridad  ng BOC ang national security at border protection. Binigyan diin pa ng opis­yal ang makabuluhang papel ng Customs officers para mapagaan ang banta…

Read More

NASABAT NA P58-M FAKE GOODS NG BOC-IPRD SINIRA NG NCIPR

FAKE GOODS-1

Aabot sa P58 milyong halaga ng pekeng goods ang itinurn over ng Bureau of Customs- Intellectual Property Property Rights Division (BOC-IPRD) sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) para sa tuluyan na ring pagsira sa mga ito ng National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR) sa Camp Crame. Nitong nagdaang Biyernes, isinagawa ang pagsira ng pekeng goods sa pangunguna ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge PLTGEN Archie Francisco Gamboa na namuno sa ceremonial destruction kasama si Deputy Director General Teodoro C. Pascua ng IPOPHIL. Ang nasabing fake goods ay nasabat sa isinagawang…

Read More

BOC SUMAILALIM SA REVENUE COLLECTION WORKSHOP

BOC-11

Sumailalim sa isang workshop ang mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) partikular ang nasa Entry Processing Unit (EPU) at Liquidation and Billing Division (LBD) ng lahat ng ports para mapaganda at mapataas pa ang kani-kanilang revenue collections. Nasentro ang workshop sa usaping may kinalaman sa pagpapaganda ng serbisyo publiko, revenue collection  at pagpapalakas ng kalakalan  na makatutulong upang mapondohan ang mga proyekto ng gob­yerno. Ang nasabing workshop  na isinagawa noong nakaraang Oktubre 11 ay  pinangasiwaan ng Assessment and Operations Coordinating Group  bilang bahagi pa rin ng isinusulong na 10-Point Priority Program  ng ahensiya. Sa pamamagitan…

Read More