DALAWANG opisyal ng Palasyo na tinanggal dahil umano sa katiwalian at sa pang-aabuso sa kanilang posisyon ang ngayon ay nakapwesto sa Kamara bilang mga senior staff ng dalawang kilala at powerful House leaders. Ang isa sa dalawa ay gumaganap ngayon na Chief of Staff ng powerful lady solon at ang kasama niya ay nasa opisina naman ng mataas na lider ng Kamara. Parehong babae itong dalawa na nagbantang ‘sisiraan’ nila ang opisyal ng Malakanyang na nagrekomendang sila ay matanggal sa pwesto noong Hunyo 2024. Isang nagngangalang Yeye ang sinasabing nagpadrino…
Read MoreCategory: METRO
Solons sa hamon ni Yorme BASURA SA MAYNILA IMBESTIGAHAN DIN
KINASAHAN ng tatlong Manila Congressmen ang hamon ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno na imbestigahan ang flood control projects sa lungsod matapos muling makaranas ng matinding pagbaha noong Biyernes dahil sa bagyong Isang at habagat. Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Manila 6th District Congressman Bienvenido Abante Jr., Rep. Joel Chua ng ikatlong distro at Rep. Ronaldo Valeriano ng ikalawang distrito na walang problema sa kanila ang imbestigasyon na nais ni Moreno. “No problem with me. Maganda po yan para malaman na din natin kung ito po ang tamang solusyon…
Read MoreSAN SIMON, PAMPANGA MAYOR INIREKLAMO NG REALSTEEL CORP. SA OMB
NAGHAIN kamakailan ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang RealSteel Corp. laban kay San Simon, Pampanga Mayor Abundio “Jun” Punsalan Jr., kaugnay ng umano’y pangingikil nito gamit ang tax-incentive ordinance. Isinampa ng RealSteel Corporation ang complaint-affidavit sa pamamagitan ng mga kinatawan nito na sina Irwin H. Chua at Melodie E. Arellano noong August 19, 2025. Inakusahan nila si Punsalan Jr., ng acts constituting grave misconduct, serious dishonesty, and conduct prejudicial to the best interest of the service under the 2017 Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service…
Read MoreKONTRATISTA, POLITIKO, DPWH OFFICIALS SA GHOST AT SUBSTANDARD FLOOD CONTROL PROJECTS, KASUHAN NA – TULFO
“DAPAT lamang na kasuhan na ang mga kontratista, politiko at DPWH (Department of Public Works and Highways) officials na nagsabwatan sa ghost at substandard flood control projects”. Ito ang mariing pahayag ni Sen. Erwin Tulfo, vice-chairman ng Blue Ribbon Committee, sa isang media interview kamakailan. “Para hindi na pamarisan pa in the future, dapat may masampolan na,” ani Sen. Tulfo. Dagdag pa ng mambabatas, “Trilyong pisong pera ng taumbayan ang ninakaw nila kaya dapat lamang na managot ang mga yan”. “Kung yung shoplifter nga na nagbubulsa lang ng ilang item…
Read MoreDIVISION HEADS MEETING NG PORT OF MANILA PINANGUNAHAN NI POM COLLECTOR ALVIAR
PINANGUNAHAN ni District Collector Alexander Gerard E. Alviar ang pagdaraos ng Division Heads Meeting ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Manila (POM). Dumalo sa pulong ang mga hepe ng Port Division, Support Offices, at Subport Collectors. Sa nasabing pulong ay kinilala ni Alviar ang pagsisikap ng POM team para sa kanilang outstanding collection performance sa nagdaang mga buwan. Ayon kay Alviar, dahil sa dedikasyon at pagsisikap ng mga opisyal ay nahigitan ng Port of Manila ang kanilang revenue targets. Sa nasabing pulong tinalakay ang mga update sa collection…
Read MoreKatotohanang kinatatakutan ng Tsina ATIN ANG WEST PHILIPPINE SEA – GOITIA
INILARAWAN ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang dokumentaryong “Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea” na hindi lang basta pelikula kundi salamin ng pakikibaka ng mga Pilipino. Ang katotohanan aniya na para sa mga Pilipino ang West Philippine Sea, ang kinatatakutan ng China. Ipinapakita aniya ng nasabing pelikula ang mga ama na pumapalaot sa dagat, mga inang nag-aabang ng pagkain sa hapag, at mga anak na umaasa sa kinabukasan ng bansang iiwan natin. “Hinaharang nila ang palabas na ito dahil inilalantad nito ang mga bagay na ayaw…
Read MoreLISENSYA NG ‘DRUNK DRIVER’ NA LTO OFFICER SINUSPINDE
PATULOY ang imbestigasyon sa isang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) matapos suspendihin ang kanyang drivers’ license dahil sa pagkakasangkot sa aksidente gamit ang official vehicle ng ahensya sa Zamboanga Sibugay. Ayon sa ulat, inutos ang pansamantalang pagsuspinde sa lisensya ng isang opisyal ng LTO Zamboanga Peninsula Regional Office na nagmaneho ng pick-up truck na sumadsad sa isang tubigan. Sinabi ng LTO, nag-isyu ito ng show cause order sa opisyal sa alegasyon ng reckless driving at pagiging “improper person to operate a motor vehicle.” “It is not immediately clear if…
Read MorePAGPABOR NG PNP SA PAGBABA NG AGE OF DISCERNMENT IBABASE SA SCIENCE
BUKAS ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na suportahan ang panukalang ibaba ang age of discernment para sa mga menor de edad na nasasangkot sa anomang uri ng krimen sa bansa basta may scientific basis. Ayon ito kay PNP chief Police Gen. Nicolas Torre III. May ilang sektor ng Lipunan gaya ng simbahan, mga kasapi ng human right groups at ilang criminal and juvenile law experts ang sumasalungat sa nasabing panukala. Ayon sa isang criminal justice expert, ang pagpapababa sa minimum age of criminal responsibility ay hindi daan para…
Read MoreGINANG PINUKPOK NG BATO NG SCAVENGER
SUGATAN ang isang 30-anyos ginang makaraang pukpukin ng bato sa mukha ng scavenger dahil umano sa selos, sa Building 19 sa Aroma Compound, Barangay 105, Tondo, Manila noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang arestadong suspek na si “Jopet”, 30, jobless, binata, ng naturang lugar. Samantala, nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si alyas “Ma. Rosalina”, may live-in partner, vendor, ng nasabing lugar. Ayon kina Police Staff Sergeant Wilson Estanislao Cruz at Police Captain Ryan Jay Balagtas, commander ng 10 Charlie Sector, dakong alas-3:00 ng madaling araw…
Read More